38

1.4K 50 0
                                    

CHAPTER 38 (NAGING SILA KAHIT KAMI PA)
_____

FIONA's POV:

"BABY, I'm home!", sigaw ko na may excitement sa boses.

I can't believe na malaya na ako.

Hindi ako dinamay ni Nico sa nangyari sa anak ni Bea.

So I need to celebrate!

Dahil sa wakas, nagkahiwalay na sila.

Hindi ko kasi gusto si Bea para sa pinsan ko.
At lalong hindi ko gusto si Mark sa babaeng 'yon.

"Yaya, hindi ko yata nakikita ang anak ko. Nasa'n siya?", tanong ko sa katulong namin.

Kanina pa ako naghahanap at nagsisigaw pero walang bata ang yumayakap sa akin.

My daughter is so sweet. Kahit pinapagalitan ko siya, she always saying 'I love you'. Kaya kahit papano, nawawala rin ang stress ko sa anak.

"Ma'am, kinuha siya ni Sir Mark.", sagot nito.

"What? At saan sila pupunta? May sinabi ba siya sayo?", inis kong bigkas.

Umiling ito bilang kasagutan, kaya marahas ko siyang sinabunutan.

"Binilin ko siya sayo diba? Bakit hinayaan mong kunin siya ni Mark ha?!", galit kong saad.

Kagabi, hindi umuwi ang asawa ko.

Hindi ko alam kung saan siya pumunta.

He's not answering my call.

Kaya malakas ang kutob ko na baka pinuntahan niya si Bea.

But NO! It can't be! Ayokong pumunta siya sa ex-girlfriend niya!

"Aray ko po Ma'am! N-nasasaktan ako.", sambit ko na hindi maukit ang itsura.

"You deserve it! Masyado ka kasing pabaya!", bulyaw ko sa dalaga.

Malakas kong tinulak siya dahilan para matumba ito sa sahig.

Umiiyak na ito pero kahit konting awa, wala akong naramdaman sa babae.

Kapag nagagalit talaga ako, hindi ko nakokontrol ang sarili ko.
Gusto kong manakit ng tao hanggang sa dumugo ang katawan niya.

Akma ko na sanang ipupokpok ang vase sa ulo nito kaso may dumating na mga tao.

Naka-kulay puti sila na damit na tila sa hospital sila nagtatrabaho.
May kasama rin sila na dalawang pulis.

"Sino bang may sabi na pwede kayong pumasok sa pamamahay ko?!", sigaw ko sa kanila.

"Pasensya na ho pero mas mabuti kung sumama ka na lang sa amin.", mahinahon na sabi ng pulis.

"Sasama? At bakit naman ako sasama sa inyo? Wala akong ginagawa na mali! Umalis na nga kayo!", I shouted again.

But this time, umiiyak na lumapit ang katulong ko sa mga lalaki na may pagmamakaawa sa boses.

"S-sir, baliw siya. Sinasaktan niya ho ako. Dapat ang mga katulad niya, nasa mental!", bigkas nito kaya awtomatikong kumulo ang aking dugo.

"TUMIGIL KA! HINDI AKO BALIW! UMALIS NA KAYONG LAHAT!", saad ko na may panlilisik sa mata.

Binasag ko ang vase sa may mesa para maging patalim ito.

Sakto naman at may bumaba na isang maid kaya agad ko itong hinostage.

"M-Ma'am.", nauutal na saad niya.

"Sige, subukan niyo lang na lumapit sa akin, hindi ako magdadalawang isip na patayin ito!", pananakot ko habang nakatapat ang patalim sa leeg ng babae.

Hindi sila makagalaw sa kanilang pwesto dahil sa sinabi ko.
Kaya nanatili silang nakatayo at tinitingnan ang bawat galaw ko.

"UMALIS NA KAYO!", pagtataboy ko muli.

Pero sa kakatingin ko sa mga pulis, hindi ko napansin ang biglaang pagkagat ng babae sa braso ko. Ito ang naging hudyat para makatakas siya sa kamay ko.

Agad naman na tumakbo palapit sa akin ang mga dalawang pulis at pinosasan ako.

Wala tuloy akong nagawa kundi ang ipasok sa ambulansya.

"TANGINA MO NICO, NILAGLAG MO PA RIN AKO!", malutong na mura ko sa pangalan ng aking pinsan.

Siya ang sumagi sa isip ko na may pakana nito.

Pero hindi, hindi ako papayag na mabulok sa mental hospital na 'yon!

ISANG oras din ang biyahe bago ako nadala sa mga baliw na tao.
Pagkapasok ko palang, nakikita ko ang mga taong tumatawa mag-isa. Tumatalon-talon at sumasayaw-sayaw ng kung ano-ano kahit walang tugtog.

"ILABAS NIYO AKO DITO! Hindi niyo dapat ako pinapasok sa ganitong lugar!", pagwawala ko.

May isang doctor naman ang bumungad sa mata ko na may dalang injection.

Hindi ko alam kung para saan 'yon.

Kaya nanlalaban ako para hindi niya matuloy ang pag-inject sa akin.

"No. No. No please.", iling na saad ko.

"Miss, you need this. Para maging kalmado ka at marelax ang isip mo. Pampatulog lang 'to.", turan niya bilang paliwanag.

"Ayoko. Ayoko niyan. Ilabas niyo ako dito. Kailangan ako ng anak ko. Hinahanap niya ako.", wika ko naman.

"Listen to me, nandito ka para magpagamot. At tutulungan ka namin para gumaling agad. Kailangan mo lang sumunod sa amin. Kapag naging okay ka na, pwede ka ng lumabas at bumalik sa bahay mo.", pagtutugon nito.

Tuluyan niya ng natusok ang injection sa braso ko dahilan para manghina ako.

Nilalabanan ko ang epekto nito dahil ayokong makatulog.

But I can't. Dahil dinalaw na ako ng antok.
Pero bago pumikit ang aking mata, may binigkas ako.

"Babalikan ko kayo. Papatayin kita, Bea."

END OF CHAPTER 38
©Binibining_Timoji

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon