Chapter 31

1.3K 48 0
                                    

Chapter 31 of NAGING SILA kahit KAMI PA
_____

Bea's POV:

DALA-DALA ko palabas ang bigat na aking nararamdaman.

Gusto kong magwala para mapawi ang galit sa dibdib ko. Kaso hindi ito ang gusto kong mangyari. Masyado ko lang pinapahirapan ang sarili ko kapag hinayaan kong lamunin ako ng inggit.
Oo, naiinggit ako. Naiinggit ako dahil si Fiona, nagkaroon ng anak, samantalang ako, namatayan ng anak sa tiyan.

Ang unfair ng mundo.
Bakit kailangan ko pang magdusa?

Pinipilit ko maging palaban at malakas sa harapan nila, pero kapag nag-iisa ako, tuluyan na akong nanghihina.

I'm tired.
Pagod na ako sa kakahanap ng hustisya.
Pagod na akong hanapin kung sino ba talaga ang punot-dulo ng pagpatay sa anak ko.
Dahil maging ako, naguguluhan na.

Si Mark, pinagtatanggol niya ako. Inaako niya ang kasalanan, na ako ang may gawa.

Samantalang si Fiona, si Nico ang pinupuntirya niya.
May pinapahiwatig ang bawat tingin nito sa kanyang pinsan.

There's something wrong between the two of them.

Dapat na yata ako mangamba dahil yung boyfriend ko na rito ang nasasangkot.

Ayokong isipin na may kinalaman si Nico sa anak ko, pero paano kung meron nga?

Makakaya ko bang tanggapin siya?
Makakaya ko bang patawarin siya?
O makakaya ko bang mahalin ulit ang binata?

"No. No. Sana hindi. Sana mali ang naiisip ko.", I said while talking to myself.

Napa-upo ako sa gilid ng kalsada habang pinipilit ko ang sarili na 'wag maniwala sa haka-haka.

"Minion?", tawag ng lakaki sa akin.

After ten minutes, sumunod siya para lang habulin ako.

"Bakit hindi mo sinabi na ex-boyfriend mo pala si Mark na asawa ni Fiona?", tanong niya na tila may pagkadismaya sa boses.

Sa winika nito, medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Nabawasan ang pagkagulo sa utak ko, dahil pinatunayan niya na wala siyang alam sa amin ni Mark.
At isa lang ibig sabihin nito, malinaw na hindi siya sangkot pagpatay ng anak ko.

"S-sorry.", tanging tugon ko.

I don't know how to explain my side.

Paano ko naman sasabihin sa binata na gusto kong maghiganti sa mismong pinsan niya?
Kapag sinabi ko ito, tiyak, matuturn-off siya sa akin at mawawalan ako ng kakampi.

"I'm disappointed, babe. But I choose to trust you. I choose to love you despite of what you did.", wika niya at tumabi sa pwesto ko.

"Kaya sana, gano'n din ang gawin mo. Pagkatiwalaan mo ako, Minion. May aayusin lang ako, kaya kailangan ko munang umalis.", pagsasaad nito bilang patuloy.

"Aalis ka? At anong aayusin?", sunod-sunod na tanong ko.

Kaso pilit siyang ngumiti at ginulo ang buhok ko.

"Basta. Importante ang gagawin ko. So all you need to do is to wait for me. Hintayin mo ako, ha? Mahal na mahal kita.", bigkas nito muli.

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha nito sa mukha ko, kaya marahan kong pinikit ang mata ko.
Hinihintay ko na dumampi ang labi niya sa akin. At ito nga ang nangyari, he kissed me passionately. Ang halik na 'to, puno ng pagmamahal. Tumugon naman ako sa bawat galaw ng labi niya dahil buong-buo rin ang pagmamahal ko sa lalaki.

I really love this man infront of me.

Siya ang bumuo ulit ng puso ko na winasak ni Mark.

©Binibining_Timoji
To be continueee laterr...

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon