Chapter 10

1.8K 75 4
                                    

Chapter 10 (Naging Sila kahit Kami Pa)
_____

Nico's POV:

"NAGSASARILI? TEKA, ANONG IBIG MONG SABIHIN HA? ANONG GINAGAWA NG KAIBIGAN KO SA BAHAY MO?!", pagsisigaw ng dalaga.

Ang matalik na kaibigan ni Bea.

Oo, nasabi na nito ang pangalan ni minion, dahil pagdating ko sa police station, siya agad ang bumungad sa aking mata.

Sakto naman na ako ang naka-assign sa mga missing person, kaya ako ang napagtanungan niya.

And she said, bente-kwatro oras ng nawawala ang dalaga. Walang iba kundi si minon.
Kaya sinabi ko sa kanya na nagtatrabaho ito sa akin, at para maniwala siya, hiningi ko ang number ng babae para tawagan.

And shit! Ungol agad ang narinig ko mula sa kanya.

Ibang klase talaga ang taong 'yon!

"Ano na?! Baka may gumagahasa na kay Bea! Naku! Kailangan ko siyang makita! Dalhin mo ako do'n sa bahay niyo! Please lang Sir!", muling saad nito na tila nakikiusap pa.

Kaya para mahinto ang pangamba niya, sinama ko ito sa bahay.

Nakita ko naman si lola na nasa sala habang umiinom ng juice. So when I asked her, nabanggit nito na nagkasugat daw si Minion.

Ewan ko ba, pero bigla akong kinabahan at agad kong pinuntahan ang kwarto nito.

Pagkabukas ko ng pinto, nasilayan ko ang daliri nito na may telang nakapulupot para hindi umagos ang dugo.

"Hays! Bakit ba ang tanga mo?!", tanging sambit ko.

"At ano bang pake mo---Claire?!", bigkas niya nang makita ang katabi kong babae.

Halos hindi ko maipinta ang mukha niya, dahil sa naging reaksyon nito.

"Bea naman, pinag-alala mo ako ng sobra eh! Ni hindi mo sinasagot ang tawag ko, buti na lang at mabait 'tong pulis at dinala niya ako dito sayo.", wika ng dalaga at mabilis na niyakap si Minion.

But still, hindi pa rin makapaniwala ang ang itsura nito.

"I-ikaw talaga. Ang daldal mo.", utal nitong sabi.

I feel something wrong, between the two of them.

Magbestfriend ba talaga sila o magkarelasyon? Marami pa naman ngayon ang mga bisexual.

Kung tama ang hinala ko, nakakapanghinayang ang ganda ni Bea.

"Siguro, mas mabuti pa kung umuwi ka na, do'n na lang tayo mag-usap. Bibisita naman ako sa linggo sa bahay.", pagpapatuloy nito nang humiwalay siya sa yakap.

"Pero akala ko ba, si Mark ang priority mo? Diba sabi mo, siya ang rason kung bakit ang dami mong lakad. Dahil gusto mo s'yang gantihan.", wika ng babae na agad akong natigilan.

"Mark?", I asked them, bilang pag-uulit.

"Ahh, 'wag mo na lang pansinin ang kaibigan ko, Sir. Sa sobrang daldal nito, hindi niya nakokontrol ang bibig.", pagpapalusot ni Minion.

"But she mentioned the name, Mark? Sino bang Mark ang tinutukoy niya?", tanong ko ulit.

Hindi kasi ako satisfied sa sinagot niya.

Pakiramdam ko, may tinatago ang dalaga sa akin na hindi ko mahulaan.

"Ah si Mark Arevalo, Sir. Siya ang tinutukoy namin.", saad muli ni Bea.

Nakita ko na pinisil pa nito ang braso ni Claire para hindi na ito magsalita pa.

"Okay. Kung 'yan ang sabi mo.", tanging turan ko sa kanila.

"Pasensya ka na, baka kasi iniisip mo, si Mark na asawa ni Fiona ang tinutukoy namin. Of course not. Ni hindi ko nga kilala ang lalaking 'yon.", natatawang litanya ni Bea na animo'y nahulaan ang tumatakbo sa utak ko.

"Buti naman. Akala ko kasi, ikaw ang ex-girlfriend ni Mark. Dahil kung magkataon, magiging magulo ang lahat.", tugon ko rito.

"Magugulo? Paano naman magugulo? May asawa at anak na 'yon, tapos kinasal pa. Kaya hindi na sila magugulo pa.", nakangiting saad ni Minion.

I don't know why, pero naguguluhan ako.

Naguguluhan ako sa pinapakita ni Bea.

"Kung sabagay, tama ka. Sige, maiwan ko muna kayong dalawa.", pagpapaalam ko at umalis na ako sa kwarto.

Ang totoo n'yan, nangangamba ako kapag bumalik ang dating minahal ni Mark.

Baka kasi, pati sakit ni Fiona, bumalik din.

____

©Binibining_Timoji
To be continueee.

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon