28

1.2K 49 0
                                    

Chapter 28 (Naging Sila Kahit Kami Pa)
____

BEA's POV:

"ANONG GINAGAWA MO SA PAMAMAHAY NAMIN, BEA?!", sigaw ni Fiona na animo'y sasabog na ang bunganga sa galit.

Ito agad ang lumabas sa bibig niya nang makilala ako.

Pero hindi ako nagpatalo at nagpasindak sa kanya. Sa halip, umiyak ako ng husto para makuha ko ang simpatya ni Nico.

"B-babe, umalis na tayo dito. N-natatakot ako sa lalaking 'yan.", I said while crying.

Sinanday ko pa ang aking mukha sa dibdib nito habang umaagos ang luha sa pisngi.

"What is the meaning of this, Nico? Girlfriend mo ang babaeng 'yan?", tanong nito nang humakbang palapit sa pwesto namin.

Pero bago pa man makasagot ang binatang kayakap ko, muli akong nagsalita.

"N-nico, aalis na lang ako. H-hindi ako sanay na binabastos.",

"No. Hindi ka aalis babe. Gusto kong malaman ang totoong nangyari. Naguguluhan ako.", seryosong wika niya.

"P-papunta sana ako ng CR Nico para umihi, pero bigla niya akong hinigit papasok dito. H-he also touch my boobs.", hagulhol kong turan para ipaliwanag ang lahat.

Kailangan kong magsinungaling ngayon para hindi masira ang plano ko.

At dahil dito, siya mismo ang pumahid ng luha ko at marahan na hinaplos ang aking buhok.

"Huwag ka ng umiyak. Hindi ko hahayaan na mabastos ka ulit.", pagtuturan nito.

"The heck Nico! Sagutin mo ang tanong ko!", singit na bigkas ni Fiona.

"The answer is yes. She's my girlfriend.", tugon niya sa dalaga.

"Ano?! Teka, nababaliw ka na ba? Siya si Bea! Ang ex-girlfriend ng asawa ko!", she shouted.

Tiningnan ko ang reaksyon ni Nico at medyo nagulat siya sa kanyang nalaman.

But at the end, bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya.

"Kaya pala hinalikan niya ang girlfriend ko dahil ex niya pala si Bea. Halata tuloy na hanggang ngayon, patay na patay ka pa rin sa babae.", sambit nito na may selos sa boses.

Sa tingin ko, gumagana ang patibong na ginawa ko dahil kumakagat sa bitag si Nico.

"Hindi ko yata gusto ang sinasabi mo, pinsan. Parang pinaparating mo na kasalanan pa ni Mark kung bakit nangyari 'yan sa GIRLFRIEND MO?!", palaban na saad ni Fiona.

Siya ang tumatanggol kay Mark na talagang mahal na mahal niya ang lalaki.

Palihim tuloy akong napangisi dahil malakas ang kutob ko na magkakaroon ng world war III sa kanilang magpinsan.

"Bakit ba lagi mong pinagtatakpan ang kamalian ng asawa mo? Kaya ka nasasaktan Fiona dahil palagi mo siyang sinasalba!", turan nito sa dalagang kaharap namin.

"Natural lang na ipagtanggol ko siya dahil asawa ko si Mark! Pero 'yang katabi mo, siya ang dahilan kung bakit nasisira ang pamilya namin! Masyado siyang malandi, Nico!", bulyaw ulit ni Fiona.

Hindi talaga siya nagpapatinag.

"Tama na. Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang girlfriend ko. Hindi naman yata tama na sabihan mo ng malandi si Bea sa mismong harapan ko.", wika ng lalaki.

Hinawakan ko ang braso nito at mahinang nagsalita.

"P-pasensya na. Nag-aaway pa kayo nang dahil sa akin. K-kung alam ko lang na mangyayari 'to, hindi na sana ako pumayag na sumama sayo.", saad ko rito.

At this point, tinapunan ko ng titig si Mark na tahimik pa rin sa dulo.

Alam kong nalilito siya sa pinapakita ko, dahil ako talaga mismo ang humalik sa kanya.

Pero ang pinagtataka ko, bakit hindi siya nagrereact?
Bakit hindi niya sinasabi na ako ang may kasalanan?
Bakit hinahayaan niya na itikom ang bibig kahit na ang totoo ako ang may gawa?

"Tsk. Dumalaw sana kami ni lola para ipakilala ko ng maayos si Bea sa'yo. Kaso ganito pala ang tingin mo sa girlfriend ko. Nakaka-disappoint ka Fiona.", bigkas ni Nico para ipahatid ang pakay namin.

"Bakit ba kasi siya pa ang jinowa mo? Ang daming babae dyan pero yung may sabit pa ang kinuha mo! My ghad Nico!", inis na sambit niya at nagawa pang ihilamos ang mukha gamit ang kamay.

"I don't care, Fiona. Mahal ko si Bea. Kaya wala akong pakialam kung ano siya.", he said.

Makikita ko talaga ang pagiging seryoso ng binata sa akin.

Kaya isa lang ang masasabi ko, nasa tamang tao na ako.
Sa tamang tao na handa akong tanggapin sa kabila ng mga nangyari noon sa buhay ko.

"Well, magkakaroon ka rin ng pake Nico. Baka nakakalimutan mo, may alas akong hawak laban sayo.", pahayag ng dalaga.

Ewan ko ba, pero kakaiba ang pananalita niya.

Nagdulot kasi ito ng katahimikan sa binata.

"A-anong alas ba?", I asked them with curiousity.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Mas maganda kung kay Nico mo tanungin 'yan, Bea.", sagot ni Fiona.

Bago pa man bumaling ang atensyon ko kay Nico, biglang nagsalita si Mark.

"Tumigil na kayo. Yung nangyari kanina at yung sinabi ni Bea, oo, totoong hinalikan ko siya. Kaya pasensya na pasensya na pare, kung nabastos ko man ang girlfriend mo. Hindi ko sinasadya.", turan nito sa amin.

Napatigil ako natameme dahil hindi ko lubos-maisip na sasabihin niya ang kasalanan na hindi niya ginawa.

Ang gulo!

Bakit niya sinasabi 'to?

END OF CHAPTER 28
©Binibining_Timoji

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon