Chapter 17

1.9K 70 3
                                    

Chapter 17 (Naging Sila kahit Kami Pa)
_____

Bea's POV:

DATE NA NAMIN NGAYON.

Ganito kabilis ang pagtakbo ng oras. At ganito rin ka-excited si Nico na makasama ako.

Talagang binilhan niya pa ako ng damit para daw magmukha akong tao.

Hindi ko nga alam kung para saan ang date na 'to.
Pero kung ano man ang trip niya sa buhay, then I'll go with the flow.

"Sakay na.", bigkas nito nang buksan ang pinto ng kotse.

Pareho na kaming naka-porma na dalawa.
At kung tatanungin n'yo kung sino ang nag-alaga at nagbantay muna kay lola, ay si Manang.
Tapos na kasi ang day-off nila kaya bumalik na sila ng dalaga sa bahay ni Nico.

"Thank you.", malambing na bigkas ko habang nakangiti ng nakakaakit.

Yes, tuloy-tuloy na ang plano ko.
Sa tingin ko kasi, gumagaan na ang loob ni Nico sa akin, kaya itotodo ko na 'to.

"By the way, saan tayo magde-date?", pagtatanong ko nang nasa loob na kami ng kotse.

Nagsimula na rin siya magdrive, kaya napatitig na lamang ako sa mukha ng binata.

Kung ikukumpara ko siya kay Mark, mas gwapo si Nico. Talagang makarisma lang ang ex-boyfriend ko, kaya napabilang ako sa babae niya.

"Kagaya ng sinabi ko kay lola, sa simbahan muna kita idadala.", sagot nito nang sulyapan ako.

"Bakit sa simbahan?", I asked again.

"Dahil deserve mong iharap sa altar.", bigkas niya dahilan para maguluhan ako.

"Huh?",

"Nasabi sa akin si lola na kung sino daw ang una kong dadalhin sa simbahan, 'yon daw ang mapapakasalan ko pagdating ng tamang panahon. And you deserve it, Minion.", turan niya para malinawan ako.

Ewan ko ba, pero biglang kinilig ang singit ko.

Tama ba talaga ang narinig ko?
Gusto niya akong pakasalan?

"Ang hilig mong mag-goodtime, Nico. Tawang-tawa ako.", tanging sambit ko at pakunwaring tumawa.

Hays. Ang balak ko lang naman ay pa-ibigin siya, pero mukhang pati ako umiibig na rin.

Maling-mali ito.

"It's up to you, kung maniniwala ka. But yeah, kagabi ko lang narealize na gusto kita.", muli nitong wika.

Hindi na ako nagsalita pa, dahil sobrang nabigla ako.

Masyado kasing madali at walang kahirap-hirap na makuha ko ang damdamin niya.

Hindi kaya, ginagawa ito ni Nico para malabag ko ang rule no. 6 niya sa pagiging yaya ko.

I got it! Nag-aarte lang siya, para ako mismo ang kumagat sa bitag niya.

Well, nagkakamali siya ng binangga.

"I believe you, Sir. Kasi alam kong hindi ka nagsisinungaling.", sambit ko sa lalaki.
Marahan kong hinaplos ang pisngi nito gamit ang aking daliri.

"Pero sana, 'wag kang ganyan. Baka kasi mahulog ako, tapos hindi mo pala ako sasaluhin.", patuloy kong sabi na ngayon ay may kalungkutan na sa reaksyon ko.

"Don't worry, handa rin akong saluhin ka, Minion. But this time, ako muna ang dapat mong saluhin dahil nahulog na loob ko sayo. I like you, and I really mean it.", turan nito sa akin.

BEA's POV:

SINASAKYAN ko na lang ang pagpapaikot ni Nico sa akin.

Kung gusto niya ng laro, pagbibigyan ko siya. Magaling ako pagdating dyan, dahil minsan na akong nasaktan.
Hindi niya ako basta mauuto.

"Bumaba ka na dyan, magsisimula na ang misa sa simbahan.", bigkas ng binata nang buksan niya ang pinto ng sasakyan.

Nagiging gentleman siya sa araw na 'to, bukas-sarado ng kotse ang ginagawa niya, para talaga makuha ang loob ko.

Masyado n'yang ginagalingan ha?

But sorry, hindi niya ako madadaan sa mga ganyan.

"Oppss sorry.", mapang-akit na sambit ko nang matapilok ako pagkababa ko ng kotse ni Nico.

Sinadya ko talaga na matumba para magdikit ang pwet ko sa katawan niya.

Alam ko kasi na ito ang kahinaan ng mga lalaki.

"Next time, mag-iingat ka. Pa'no kung wala ako sa likod mo?", wika niya na may pag-aalala sa boses.

"Hindi na 'yon mahalaga, dahil nandyan ka naman. Ang hirap kasi ng sandal na suot ko. Hindi ako sanay.", I said while pointing my finger to my feet.

"Gano'n ba? Edi hubarin mo.", biglaang sabi nito.

"Baliw ka ba? Nakita mo namang nasa kalsada tayo. Tapos hahayaan mo akong mag-paa?", inis kong tugon na halos tumaas ang aking kilay.

"Sino bang may sabi na ikaw ang magpa-paa?", balik na sambit niya.

"Huh?",

"Let me wear your sandal, and wear my shoes. I guess, sakto naman yung paa mo sa sapatos ko. Kaya palit muna tayo.", pahayag ng binata.

Pulis siyang tao, tapos magsusuot ng sandal?

"A-ayoko.", utal na bigkas ko bilang pagtanggi sa offer niya.

Kahinaan ko rin kasi ito.

Gusto ko kasi sa lalaki na gagawin niya ang mga bagay na bihira lang magawa.

At sa lagay kong 'to, nakukuha niya ang kiliti ko.

"W-what are you doing?", tanong ko sa kanya.

Lumuhod kasi ito sa harapan ko, at tila inaalis ang sandal sa aking paa.

"Hindi ko makakaya na makita kang nahihirapan, Minion.", sagot niya na hindi tumitingin sa mata ko.

"Eh tanga ka pala! Bakit mo pa ako pinilit na sumuot n'yan! Diba ikaw ang nag-insist na suotin ko ang pesteng sandal na 'yan, tapos ngayon nagiging bayani ka.", asar kong turan kay Nico.

Sumagi sa isipan ko ang nangyari nung bumili kami ng masusuot sa mall.
Siya kasi ang pumili ng sandal para daw tumangkad ako.
But look at right now, feeling savior siya.

May balak talaga ang lalaking 'to, para paibigin ako.

Well, pareho din naman ang nais namin.

"Gusto ko lang tulungan ka, Minion. Baka kasi magmukha akong tatay mo kapag nandito sa ganitong lugar. Mahirap na, mababa ka pa naman sa balikat ko.", pagpapaliwanag nito.

Hindi ko alam kung kabaitan ang sinabi niya o pang-iinsulto.

The heck! I know to myself na pandak ako, tapos pinaparinig niya pa ito sa akin.

Palibhasa kasi, higante siya.

"Pasensya na ha? Kasalanan ko ba kung kapre ka?", sakrastikong turan ko rito.

"Hindi mo kasalanan 'yon. Nagkataon na nabitin yata ang mama at papa mo nung ginagawa ka. Kaya ayan, malapit ka na maging duwende.", pahayag ni Nico.

Abah! Talagang sinusubok ako nito ha?!

Akma ko na sana s'yang sasapakin, kaso narinig ko ang malakas na kampana mula sa simbahan.

Tsk. Pasalamat siya, may pumigil sa akin.

Hindi yata date ang tawag dito, kundi bwisit!

END OF CHAPTER 17
©Binibining_Timoji

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon