40

1.8K 55 0
                                    

CHAPTER 40 (NAGING SILA KAHIT KAMI PA)
____

FIONA's POV:

TINGIN sa kanan at tingin sa kaliwa.

Ganito ang ginagawa ko habang kumakain.

Mag-isa ako ngayon sa isang kwarto kung saan iniisip ko kung paano makatakas sa pesteng hospital na 'to.

'HINDI AKO BALIW!
HINDI AKO BALIW!
HINDI AKO BALIW!'

Ito ang sinisigaw ng utak ko kaya mahigpit kong hinawakan ang tinidor.

Ilang minuto rin ang tinagal at nakaisip ako ng plano.

"A-aarrray!", bigkas ko na kunwari ay namimilipit ako sa sakit ng aking tiyan.

Hindi ako pwedeng tumagal pa dito.
Dahil alam ko na nag-eenjoy si Bea na kasama si Mark.

Hindi ko man sila makita, malakas ang kutob ko na gano'n ang nangyayari ngayon.

"Aray ko!!!", sigaw ko ulit.

Lumapit naman sa akin ang isang nurse at tinanong kung okay lang ba ang pakiramdam ko.

Pero ang tanging sinabi ko ay kailangan ko lang mag-CR para magbawas.

Hinatid niya ako doon at naghihintay siya sa labas.

Ganito sila ka-strikta pagdating sa hospital.
Kahit maligo ka, babantayan at babantayan ka nila.

But sad to say, dahil maiisahan ko ang nurse. Makakalabas ako dito sa araw na 'to.

Pinalakas ko ang tunog ng gripo para hindi niya marinig ang pagsira ko ng bintana.

At sa wakas, matagumpay ko itong nabuksan.
Tinitiis ko lang ang hapdi dahil hindi ako gaanong kasya.

Pero sa huli, nakatakas nga ako.

Nasaktuhan ko kasi na may kausap ang guwardya kaya hindi niya ako namalayan.

Hinubad ko ang kulay puting damit ko para hindi isipin ng mga tao na takas ako sa mental.
Kaya heto, tanging tshirt at short ang suot ko.

Kumabit ako sa jeep para makasabay ako sa pupuntahan niya.

Alam ko kasi na papunta ito sa lugar namin dahil ang destinasyon ng sasakyan niya ay patungo doon.

Halos kalahating oras akong nagtiis bago ako bumaba.

Bumaba ako sa isang plaza dahil nakita ko sa 'di kalayuan si Nico at Bea.

Nalilito ako kung bakit sila magkasama.
Diba nakakulong si Nico?

Para masagot ang tanong sa isip ko, dahan-dahan akong lumapit sa pwesto nila.
Tumago ako sa malaking puno habang pinapakinggan ang usapan ng dalawa.

"Thank you, Minion. Thank you for giving me another chance. Hayaan mo, hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na 'to. Maraming salamat dahil inurong mo ang kaso.", bigkas ng pinsan ko.

Dito palang umiral agad ang init ng ulo.
Kumulo ang aking dugo sa narinig ko.

"Nico, paulit-ulit mo ng sinabi ang thank you na 'yan, kaya 'wag na natin balikan pa ang nakaraan. Ang mabuti pa, magsimula ulit tayo.", masayang sabi ni Bea.

Shit!
Hindi ko gusto na maging masaya sila habang ako ay nahihirapan at tumatago.

"Yes. We will start again. Sa pamamagitan nito.", turan ni Nico.

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya kaya bahagya akong sumilip.

And then I saw him, proposing to that girl.
Nakaluhod siya habang hawak ang singsing.

"Ginawa ko ang singsing na 'to nung nasa loob ako ng kulungan. Alam mo ba, marami akong na-realized nung nando'n ako. Ang sabi ko, kapag nakalabas ako, babalikan kita. Ang sabi ko, ayos lang pala na maalis ako sa pagiging pulis, basta ang kapalit no'n, maging akin ka ulit. At nangyari na nga ito, ngayon. I'm very happy, Bea. Hundred percent happy. Pero kung papayag ka na pakasalan ako, gugulong ako dito sa kilig.", wika niya na medyo natatawa sa pinakahuling salita.

"Oo naman! Papayag ako Nico. Papayag ako na maging asawa kita. Papayag ako na ikasal tayo.", sambit ng babae na hindi maalis ang tuwa sa boses.

Hindi pwede 'to.
Hindi sila pwedeng ikasal.

Ayoko na magkatuluyan sila!

Nico deserves better!

NASILAYAN ko kung paano sinuot ng pinsan ko ang singsing sa daliri ni Bea.

Kasabay no'n, may isang bata ang tumakbo patungo sa kanila.

That kid is my daugther.

Si Anna! Kasama nila!

"Tito, tita, ano po ibig s-sabihin niyan?", tanong nito na tila hindi niya mabigkas ang bawat letra.

"Magiging mag-asawa na kami ng tita Bea mo.", sagot ni Nico.

"T-talaga po?", saad niya na parang na-eexcite siya.

Pati pala si Anna, na-brainwash nila ang isip.

Inaagaw ni Bea ang anak ko!

"Uyy Mark, nandito ka rin pala. Akala ko ba, naghahanap ka pa ng bahay?", pahayag ng babae sa pangalan ng asawa ko.

Nabaling tuloy ang mata ko kay Mark na ngayon ay nakatingin sa singsing ni Bea.

Sa reaksyon palang nito, halatang nagseselos siya.

"Engaged na kami, Mark. Nagpropose palang siya sa araw na 'to. And soon, ikakasal na kami kapag okay na ang lahat.", agad na wika ni Bea.

"G-ganon ba? Congrats to the both of you. Ingatan mo siya, pare.", turan ni Mark na may lungkot sa pananalita.

Bakit gano'n?
Bakit hanggang ngayon si Bea pa rin ang iniibig niya?

I HATE IT!

Kinuha ng babae ang lahat sa akin!

Ang asawa ko, ang anak ko, at lalo na ang pinsan ko na naging kakampi ko noon.

"I'll make sure na hanggang dyan na lang ang kaligayahan mo. Kaya sulitin mo na Bea, sulitin mo na ang araw na kasama sila.", matiim na litanya ko.

Nandidilim ang paningin ko sa taong 'yan.

Simula pa noon, galit na ako sa kanya.
Kinamumuhian ko si Bea dahil mang-aagaw siya!

"Nasa akin pa rin ang huling tawa.", bigkas ko na puno ng poot.

UMALIS na ako sa lugar na 'yon at hinayaan muna sila na maging masaya.

Kailangan kong ihanda ang pagpatay ko kay Bea.

At gagawin ko 'yon, sa mismong araw ng kasal nila ni Nico.

©Binibining_Timoji
END OF CHAPTER 40

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon