Continuation 14

2K 75 3
                                    

Continuation of Chapter 14 (Naging Sila kahit Kami Pa)
_____

Bea's POV:

"H'WAG ka ng malungkot, Anna. Ang mga batang katulad mo, hindi dapat 'yan pinoproblema.", pagbibigkas ko na lamang para matigil na ang kadramahan sa pagitan nilang mag-tito.

Sapat na sa akin na marinig na ako ang dahilan ng pag-aawayan nila Fiona at Mark.

"So let's continue playing. Ako ang mama at si Nico naman ang papa. Kaya kahit anong gusto mo, gagawin namin para mapasaya ka.", muli kong turan.

And because of what I've said, her mood changed.

Bigla s'yang sumigla dahilan para tumayo ito.

"Love niyo po ba ako mama, papa?", ngiting tanong ni Anna sa amin.

"Oo naman.", diretsang sagot ni Nico.
Samantalang ako, tanging tango lang ang naitugon ko.

"Kung mahal niyo po ako, pwede niyo po ba ako bigyan ng kapatid?", pagtuturan nito.
Awtomatikong nabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya.

"Anna, hindi kami mag-asawa ng tito mo, laro-laro lang 'to.",

"Alam ko po. Pero pwede naman kayo maglaro-laro sa pag-gawa ng baby diba po?",

Ay pota! Ano 'yon? Magtatry kami ni Nico sa loob ng kwarto tapos kapag nabuntis ako, laro lang?

Shit! Pigilan niyo ako at masasapak ko ang batang 'yan.

"Sure, why not?", ngising saad ng binata na ikinataray ko.

"Nahihibang ka na ba?", labas sa ilong na turan ko.

"Sumabay ka lang sa trip ng bata. Gusto mo bang umiyak si Anna?", bulong na wika nito.

"Ayaw po yata ni Mama eh.", nakangusong sambit ng bata.

Sa mata n'ya palang, ramdam ko na iiyak nga siya.

"S-sabi ko nga, gagawa na kami ng kapatid mo.", utal na bigkas ko.

Napipilitan tuloy ako sa mga bagay na ayoko.
Tangina naman ohh!

"Let's go baby. Let's make another baby.", pagkikindat ni Nico at tsaka ako binuhat na parang pangkasal.

Tuwang-tuwa ang bata habang tinitingnan kami papasok ng kwarto.

"Gago ka talaga! Sa halip na sawayin mo si Anna, pinapalaki mo s'ya na ganyan ang iniisip.",

"It doesn't matter anymore. Alam mo naman kapag mga bata, kung ano-ano ang sinasabi.", wika nito sa akin.

Pero napaatras ako bigla nang tumingin siya sa aking legs.
May padila-dila pa ito, na animo'y isang dakilang expert pagdating sa kama.

"H-hoy ha! Laro-laro lang 'to. H'wag nating totohanin.", bulyaw na tugon ko sa kaharap kong tao.

"What if we do it now? And make it real.", he said directly to my eyes.

"H'wag mong gagawin 'yan, tangina ka!", malutong na mura ko.

"Don't be afraid, Minion. Wala ka namang dapat ipangamba. Because I promise, dadahan-dahanin ko.", wika niya na hindi pa rin mawala ang pagiging manyak.

"Yuckss! Mandiri ka nga! May regla ako ngayon.", usal ko rito.

"Regla lang 'yan, maangas ang junjun ko. Wala itong pinandidirihan.", bigkas niya na puno ng katapangan.

Konti na lang talaga at mapipikon na ako sa lalaking 'to.

"Tigil-tigilan mo ako, Nico ha? Kung ayaw mong isampal ko sayo ang napkin ko.", inis kong saad.

Umiinit na kasi ang ulo ko sa kanya.
Ang sakit na nga ng puson ko, dumagdag pa siya.

Nagkatotoo tuloy ang regla-reglahan na palusot ko kanina.

"Minion, nagiging matulungin lang ako. Ayokong mahirapan ka dahil sa pesteng regla na 'yan. Kaya tanggapin mo na ang alok ko.", kalmadong sabi niya.

"At anong alok ba ha?", nakataas-kilay na sambit ko.

"Ang buntisin ka.", he answered.

"Ano?!",

"Kapag nabuntis ka, siyam na buwan kang ligtas sa regla.", pagtutugon nito.

"Peste ka! Binabalakan mo pa talaga akong anakan! Akala mo, ang daling umire! Animal ka talaga---",

Napahinto naman ako sa pagsisigaw dahil bigla kong narinig ang boses mula sa labas.

"Nico, I'm back!", sambit ng isang babae.

Hindi ko kilala kung sino 'yon, dahil sobrang kakaiba ang datingan nito.

Hanggang sa biglang napasalita ang taong kasama ko.

"Ash.",

One word, but I guess, it has deep meaning.

Sinong Ash?

END OF CHAPTER 14

©Binibining_Timoji

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon