nakakapagod ring magtago
sa likod ng balangaw;
masikip sa baga ang hangin,
damong animo'y tabak sa talim,dilim na wangis ang kawalan ng kulay
humalik ang bisitang amihan
sa aking pisngi;
ibinulong ang naaning mithi
ng mumunting mga tao
sa kabilang lupayaman lang ang kapangyarihang
humiling sa aking mundo-
pribilehiyo sa mga nilalang
na nakakakita ang mata
at busilak ang pusoang isang tulad ko
ay nabuhay sa sakim-
sa galit na nag-aalab at
sa panaghiling nabubulok
sining ang pagdanak ng dugo
at suklam ang kagandahang loobminsan, ang bigkas ng aking paa
ay naligaw
unang yapak sa tahanan
ng mga nangangarap,
unang sulyap sa kabilang dulo
ng bahagharioh, ang aking hinagpis
at paghabol ng hininga
noong aking unang maramdaman
ang kiliti ng mortal na mahikahindi ko maipaliwanag
kung papaanong nakubli
ng aking mga ninuno
ang saya sa pagdama ng alon
sa aking lulod
o ang kariktan ng
lumilipad na mariposakinalakihan ko ang sinag ni
haring buwan
subalit,
naakit ako ng banayad na kinang
ni reynang arawlikas palang maging maligaya
ng walang permiso
likas palang makaramdam,
lumaya at magpakalayo
likas palang kahit minsan,
tumanggap at magpakataokung ako'y muling makatawid
sa pagitan ng bahagrahi,
mamarapatin kong manatili
sa lugar na singgaan ng bulak
ang bawat paglanghap,
sa lupang walang buwis ang
pangarap,
at malawak ang lipad ng mga alapaapmamarapatin kong mabuhay
ng may katapusan
sa halip
na manirahan hanggang
sa dulo ng oras
nang hindi nasisilayan
ang pagsibol at paglubog
ng arawmamarapatin kong mawala
ng may ligalig sa aking puso
sa halip na manatili ng may
pagkakalito at pighati,
tago sa likod ng bahaghari-
sa halip na makulong muli,
sa halip na malipol
ng malungkot at lumuluha[ika-22 ng abril, 2020]

BINABASA MO ANG
𝙨𝙞𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙩 𝙠𝙞𝙨𝙖𝙢𝙚
Poetry𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙩𝙖𝙢𝙖𝙙 𝙢𝙖𝙜-𝙞𝙨𝙞𝙥. | 𝘢𝘯𝘵𝘰𝘭𝘰𝘩𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭𝘰𝘨 | naumpisahan: 𝟏𝟎|𝟏𝟐|𝟏𝟗 natapos: ㅡ