patulang saliw ng "the egg" ni Andy Weir
☪
umunat ang puti't kawalan hanggang sa dulo ng iyong pananaw
ngunit
hindi ko pa rin sasabihin kung nasaan ka
ilang beses ka mang magtanong, lagi kong
ikukubli't
hindi isasatinig ang aking pagkatig sa iyong paglalakbay
subalit
anak, ituloy mo lang . . .
ituloy mo ang pagmumuling-silang— ang
pagsilid
sa san-angaw-angaw na sisidlan; o katawang tao
maging ikaw ang bawat
isa
sa bawat segundo, oras, minuto, dekada,
milenya
maging ikaw ang bawat nilalang na umiral at iiral— maging ikaw ang bawat
kaluluwaupang diligan ang pagsibol mo ng tuluyan
upang sa kalaunan ay halinhan mo ako
anihin mo ang pagsalahat ng
dako,
kapangyarihan, lakas, pag-unawa, pag-ibig, presensya, kabutihan,
talino . . .
hanggang matupok ang lubus-lubusan at maging ikaw
akodamahin mo ang simpatyang iyong ibinigay—
na siya ring tatanggapin mo
pagdusahan ang dahas na iyong ikinumpas—
na siya ring ikukumpas sa 'yo
ranasin mo ang kabutihang ibinato mo—
na siya ring tatalbog pabalikkabigin mo lahat sagutin ang sarili mong tanong,
tuklasin ang sagot sa misteryo ng kalawakan;
na meron lamang ikaw at ako;
at ang sansinukob ay isa lamang malaking itlog.[ika-18 ng hunyo, 2020]
_____________
Tatlong pahina lang ito kaya sana mabasa niyo rin. Bigyan niyo ang pabor ang sarili niyo at basahin niyo. Ngayon na.

BINABASA MO ANG
𝙨𝙞𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙩 𝙠𝙞𝙨𝙖𝙢𝙚
Поэзия𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙩𝙖𝙢𝙖𝙙 𝙢𝙖𝙜-𝙞𝙨𝙞𝙥. | 𝘢𝘯𝘵𝘰𝘭𝘰𝘩𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭𝘰𝘨 | naumpisahan: 𝟏𝟎|𝟏𝟐|𝟏𝟗 natapos: ㅡ