simot na naman ang sabaw sa kaldero
pag nagtampisaw ang sandok
nagbabagting ang latang buhangin
kung ubos na ang talentong niluto
saan pa kukuha
ng maihahain
sa konting mga sisiw
na sa akin ay tumatangkilik
wala nang uling na sisigaan
walang posporong manganganak ng apoy
walang sangkap na mahihiwa
walang maigagatong na kahoy
walang tubig na ikukulo
walang sining na aagos— dadaloy
gayong nasimot na ng lahat
saan ako lilikom
ng aking isusulat?[ ika-12 ng setyembre, 2020 ]
BINABASA MO ANG
𝙨𝙞𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙩 𝙠𝙞𝙨𝙖𝙢𝙚
Puisi𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙩𝙖𝙢𝙖𝙙 𝙢𝙖𝙜-𝙞𝙨𝙞𝙥. | 𝘢𝘯𝘵𝘰𝘭𝘰𝘩𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭𝘰𝘨 | naumpisahan: 𝟏𝟎|𝟏𝟐|𝟏𝟗 natapos: ㅡ