ibalik niyo ako sa Albay
kung saan minsang hinasa
ng tadhana ang mga ilog at puno
upang ang masaligutgot kong undang ay may paglagyanang kaluluwang natupok sa
lungsod na malangsa'y
muling namukadkadkung saan hindi kimi ang
dahon ng makahiya
hindi balawis ang kakahuyandumaan na ang isang taon
ng hindi pagkapawi ng pagnanais kong
pag-usisa sa kariktan ng mayonkung saan ang tuktok ng mga bulubundukin
ay babaeng nagdadalaga
sa mga ulap sila'y nakalukobbuwan ng mayo, taong nagdaan
kinang sa lupa matapos ang ulan,
hindi pa rin kita nakakalimutanikaw, taong gala sa harap ng salamin
sa mumunting tahanan ni auntie vivian,
kailan ka muling sasanib?kung kailan kupas na ang mga
natitirang alaala ko sa tag-init ng
dalawanglibo't labing-siyam?ibalik niyo ako sa Albay
kung saan tinunaw ng araw ang aking talim,
sinilid sa malambot na saha,
at inangkla ang bulak sa aking kaloob-loobanpayapa sa Albay
ibalik niyo ako sa Albay
[ikaapat ng hulyo, 2020]
BINABASA MO ANG
𝙨𝙞𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙩 𝙠𝙞𝙨𝙖𝙢𝙚
Поэзия𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙩𝙖𝙢𝙖𝙙 𝙢𝙖𝙜-𝙞𝙨𝙞𝙥. | 𝘢𝘯𝘵𝘰𝘭𝘰𝘩𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭𝘰𝘨 | naumpisahan: 𝟏𝟎|𝟏𝟐|𝟏𝟗 natapos: ㅡ