sa dalas kong maghugas ng pinggan,
minsan ay may sari-sari akong nabubuong mga talinghagaat sa magulong kumpol ng mga hugasin,
napapaloob ang mga kwentong natipon,
natuyo sa dulo ng babasaging baso,
naisaboy sa kalatagan ng kurbadong mga kutsara
at kumakapit sa espasyo sa gitna ng rehas ng mga tinidorna ako ay isang espongha
nakatakdang suyurin at pahiran ang mga maruruming sulok
isa-isang titipunin ang mga natirang butil- natirang kwento
at sa halip na paanurin sa tumatakbong tubig
ay aking igigilid, ibabalangkaskatulad ng isang manunulat
ako- isang manunulat
isang esponghana sa aking gaan ay walang mailalabas na katas
at sa aking bigat ay may dadaloy, may bubulaako ay mananatiling uhaw habang-buhay
sa tubig at kahit anong maaaring lunukin
upang makapaglabas ng sining sa aking mga salita
at makapagbuga ng usok na kay bigat; na nanahanan na sa kambal kong mga bagakung hindi ako isang espongha,
tiyak na ang hindi ko paghinga
ibon sa dagat
o
isda sa himpapawid;
paglabag sa panuntunan ng buhayisa akong espongha
sapagkat sa aking pagkakapuno't sa bawat pagtanggap ng likido,
ako ay sumasaya
at sa pagpapakawala't sa bawat pagbigay- pagbitaw ng bigat,
ako ay lumalayaisda sa dagat
at
ibon sa himpapawidisa akong espongha
isa akong manunulat
at ako'y may layunin
[ika-19 ng abril, 2020]

BINABASA MO ANG
𝙨𝙞𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙩 𝙠𝙞𝙨𝙖𝙢𝙚
Şiir𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙩𝙖𝙢𝙖𝙙 𝙢𝙖𝙜-𝙞𝙨𝙞𝙥. | 𝘢𝘯𝘵𝘰𝘭𝘰𝘩𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭𝘰𝘨 | naumpisahan: 𝟏𝟎|𝟏𝟐|𝟏𝟗 natapos: ㅡ