oda para kay abo

81 8 1
                                    

the penalty we pay for believing that death comes only to others is that it takes us by surprise

— avery weisman

for my kitten who passed.

rest in peace, gray.

may patunay ang hungkag kong tahimik
sa pagbitaw sa patuloy na daloy ng oras—
tila buhangin na kumawala sa pagitan ng aking mga daliri't
ang hangin ay masuyong pumatpat
na parang nagsasabihing
"ayos lang ang magpalamon sa dalamhati,
ayos lang na sa kasalukuya'y tumitig sa kawalan,
ayos lang ang hindi muna pagpatak ng luha"
kung ang katumbas ay ang malalimang
pagkakaunawa na ikaw ay pinitas na ni kamatayan
mula sa hardin ng pinakamalapit kong mga nilalang
ni wala ang manghahalaman
walang pinaghingan ng pahintulot
walang ako— tanod na sana'y babarikada
mula sa mangungumit na nakakubli sa dulo ng eskinita
kayamanan sa isang misteryosong baul ang dalawang buwan
na ikaw ay aking diniligan
at sa iyong pagkakawala
ako'y mangungurong bilang tagapagsanggalang na wala nang pakinabang
sana nabigyan kita ng maayos na pangalan
sana'y nayakap kita bago ako umalis
sana'y lumaki ka bilang isang matamis na halaman,
mamumutawi sa abong lupa at luad

hangal ang paniniwalang ikaw ay may siyam na buhay
hangal ang magkunwaring sukdulan ang pag-iral sa mundo
sa iyong pagkawala
muli akong naitanim sa lupa
ambon ang unang pumawi sa aking uhaw
at sa pagdaloy ng tubig sa aking tangkay
ipaalala mo sa akin, abo
na balang araw
babalik si kamatayan. . .
babalik ang magnanakaw. . .
at balang araw
ako'y kanya ding pipitasin


[ ikalima ng agosto, 2020 ]

𝙨𝙞𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙩 𝙠𝙞𝙨𝙖𝙢𝙚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon