hindi tayo nagiging abo kapag tayo ay namamatay
ang katawan ng tao, maari, oo
pero ang malulunok mo sa isang baso ng tubig ay ang mismong likido— hindi ang sisidlan
naniniwala akong sa ating pagpanaw, ang kaluluwa ng tao ay nabubuong tula
na ang mga berso ay dinampot mula sa pinakapaborito nating mga alaala
inihatid ng hangin,
ibinalangkas
gamit ang letra na ating inipon
sa habang-buhay
at mula sa sining na ating nasaksihan,
makakabuo ng taludtod na tutugma
kalaunan ito'y
isasawika ng Panginoon kasama ang isang mahiwagang musikadahil ang buhay ay isang balagtasan
na hindi natatapos habang may paghinga,
tinatanong kita ng maibabahagi mong mga katagaano
ang
magiging
taludtod
mo?
[ika-12 ng oktubre, 2020]

BINABASA MO ANG
𝙨𝙞𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙩 𝙠𝙞𝙨𝙖𝙢𝙚
Поэзия𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙩𝙖𝙢𝙖𝙙 𝙢𝙖𝙜-𝙞𝙨𝙞𝙥. | 𝘢𝘯𝘵𝘰𝘭𝘰𝘩𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭𝘰𝘨 | naumpisahan: 𝟏𝟎|𝟏𝟐|𝟏𝟗 natapos: ㅡ