❝ mga istoryang
napagkalooban ng buhay
sa espasyong
napapagitnaan
ng bubong at lupa,
nabigyan ng tinig
sa madaling araw,
at maiaawit
sa pamamagitan
ng mga tula ❞silong at kisame
ⓒ cthrcsts
a/n:
ang kamay na nag-akda ng mga susunod na tula ay buong-buhay na nabulag, nabingi at napipi sa wikang filipino
sa labing-walong taon niyang paninirahan sa mundo, ang mga salitang napapaloob sa aklat na ito ay unang katas ng prutas na matagal nang nakabaon sa lupa, kaya't paumanhin kung sa unang tikim ito'y hilaw
balang araw, siya ay nangangako
sisikapin niyang gamayin ang paggawa ng prosas at mga tula sa tinig ng sariling bansamaraming salamat.
ㅡ c.
BINABASA MO ANG
𝙨𝙞𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙩 𝙠𝙞𝙨𝙖𝙢𝙚
Poesía𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙩𝙖𝙢𝙖𝙙 𝙢𝙖𝙜-𝙞𝙨𝙞𝙥. | 𝘢𝘯𝘵𝘰𝘭𝘰𝘩𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭𝘰𝘨 | naumpisahan: 𝟏𝟎|𝟏𝟐|𝟏𝟗 natapos: ㅡ