Riahna's Point of view
~~
Nasa kalagitnaan ako nang isang gubat habang mabilis na naglalakad.Kanina ko pa napapansin na may mga matang nakatingin at tila nagbabantay sa akin.
Huminto ako dahil nakaramdam na rin ako nang pagod at hindi na kaya nang mga paa ko.Napalingon ako sa likod dahil sa narinig kong kaluskos mula sa likod nang mga halaman.
Tinitigan ko ito at unti-unting lumabas ang isang misteryosong lalaki.Lalo pa kumunot ang noo ko nang ngumisi ito sakin.
Nakaramdam ako nang kaba ngunit hindi ko ito ipinahalata.
"Well,well,well" sabi nito habang naglalakad nang mabagal paharap sa akin.
Sino siya?
"Who are you?" mataray na tanong ko upang matabunan at hindi niya mahalata ang kaba ko.
Lalo pang kumabog ang dibdib ko nang tumawa ito.
Damn this guy!Ano bang nakakatawa?
"Hindi mo na kailangan malaman pa pero ako lang naman ang taong papatay sayo" mula sa pagkakatawa ay biglang sumeryoso ang mukha nito.
Gusto ko nang umalis dito pero parang bumibigat ang katawan ko at nanghihina ako dahilan para hindi ako makaalis sa kinakatayuan ko ngayon.
Huminga ako nang malalim at tinaasan siya nang kilay.
"Ikaw ba yung taong papatay sakin?Psh bakit ngayon ka lang?Ang bagal mo naman ang tagal na kitang hinihintay" sarkastikong tonong sabi ko
Shit!Ano ba tong sinasabi ko?Baka mamaya patayin talaga ako neto eh.
Hindi na siya nagsalita pa at ngumisi nalang sa akin.Kumunot ang noo ko nang paglapatin niya ang dalawang palad niya na parang may kung anong binubo doon.
Problema neto?nagdadasal?Psh!
Tumaas ang mga balahibo ko nang may makitang nabubuong bato sa kanyang mga palad nanlaki naman ang mata ko nang ituon niya ang bato sa direksyon ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/225059433-288-k417166.jpg)
BINABASA MO ANG
A Charmer's Revenge [ON- GOING]
FantasyEnglish-Tagalog story Meet Riahna isang dalagang inakalang ordinaryong babae na may ordinaryong pamumuhay sa mundong kanyang kinalakihan. Isang dalagang walang kaalam-alam sa tunay niyang pinanggalingan. Namuo ang kanyang kagustuhang maghiganti sim...