Riahna's Point of View
The days past...
Ilang araw na simula nang ipabalita namin na namatay si ate dahil sa pagkakasaksak batid din namin na nakarating na rin ito sa Black Kingdom.
Halata ang pagluluksa nang mga tao sa bayan pero sana ay mapatawad nila kami sa pagsisinungaling namin sa kanila.
Ilang araw na din simula nang magawa namin ang planong gawing bagong reyna si Pearl. Doon tatakbo ang plano namin alam naming magtataka sila Himonier kung bakit hindi ako ang sumunod kay ate upang mamuno dito sa Kingdom.
We'll that's what we want. We want him to confused.
At alam ko rin na ito na ang araw para lumabas ako sa Kingdom at simulan na ang totoong Plano.
Nasa harap ako ngayon nang pinto nang kwarto ni ate para pumasok nagpakawala pa ako nang malakas na buntong-hininga bago pinihit ang doorknob at pumasok nilingon ako ni ate na hanggang ngayon ay nakakulong dito sa kwarto at hindi lumabas.
Nginitian ko siya at lumapit sa kanya nginitian niya rin ako habang nakahiga hinila ko ang upuan at tinabi ito sa kama niya saka umupo.
"Hi?" natatawa kong sabi simula kasi nung mangyari ang pagsaksak sa kanya ay ngayon ko lang ulit siya nakausap.
Hindi niya ako sinagot at tumawa lang ibinuka niya ang dalawang braso niya para yakapin ako napangiti naman ako at niyakap siya nang mahigpit.
"Alam kong ngayon ka na aalis" sabi niya humiwalay naman ako sa kanya saka ngumiti.
"Yup, don't worry I'll be back" nakangiti kong sabi.
Pero sa loob-loob ko ay may parteng kaba dahil baka hindi ako magtagumpay at hindi na tuluyang makabalik.
Ilang oras din akong naroon nang tuluyan na akong umalis sa kwarto niya dahil sakto naman na may dumating na tao sa kwarto niya.
Lahat nang charmer ay alam na hindi totoong patay si ate dahil alam din nila ang plano. Puwera na nga lang sa mga tao sa bayan.
Naglalakad ako nang mapatigil ako sa kwartong nasa gilid ko ngayon ilang araw na niya akong hindi kinakausap. Ano ba kasing problema niya? Simula nang makauwi kami hindi niya na ako gaanong kinakausap.
Napailing nalang ako at akmang lalakad na nang may tumawag sakin.
"Riahna!" nilingon ko iyon at nakita ang nakangiting si Rio.
Buti pa to lagi nandyan.
"Hi! Kuya!" natatawang bati ko lumapit siya sakin at umakbay.
"Nah, lagi mo na lang ba akong tatawaging Kuya?" kunwaring naiinis pa niyang sabi.
Ngumisi naman ako ang cute niya kasing tawaging Kuya. Tinaas niya ang dalawa niyang kilay na nagpatawa sakin.
"Okay fine. Hi Rio!"
Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko habang akbay parin ako niyaya ko na din siyang samahan ako papunta sa palasyo dahil naghihintay sila sakin.
Lahat nandoon pati narin si Walter... pero hindi niya ako tinitignan psh. Sige ganyan pala ha. Lumapit ako sa kanila nang hindi pinapansin si Walter nakangiting lumapit si Pearl sa akin pero nakikita mo sa mga mata niya ang pagtutol na umalis ako.
"Butter... Magiingat ka i-promise mo sakin na babalik ka ha?" malungkot niyang sabi ngumiti ako sa kanya at niyakap siya.
"Masusunod Queen Pearl" at pagkatapos ko sabihin yon ay kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Nilibot ko ang tingin ko at nakita kong nakangiti lang sila sa akin. Nakangiti ko rin silang tinanguan at saka naglakad na palayo.
BINABASA MO ANG
A Charmer's Revenge [ON- GOING]
FantasyEnglish-Tagalog story Meet Riahna isang dalagang inakalang ordinaryong babae na may ordinaryong pamumuhay sa mundong kanyang kinalakihan. Isang dalagang walang kaalam-alam sa tunay niyang pinanggalingan. Namuo ang kanyang kagustuhang maghiganti sim...