Pearl's Point of View
Nagising ako dahil sa naramdaman kong pagtawag at pagyugyog sa akin ni riahna habang nakaupo siya sa kama ko. Pero hindi ako dumilat at tumalikod lang sa kanya.
Inaantok pa ko huhuhu.
"Cup gising na" mahinahong sabi niya habang niyu-yugyog parin ako hinawa ko ang kamay niya saka umiling.
"Butter antok pa ko 30 minutes" pagpupumilit ko naramdaman ko naman na umalis siya sa pagkakaupo at tumayo.
Oh diba ang bait niy-Fuck! Napabalikwas ako dahil sa lamig na naramdaman ko sa binti ko nilingon ko si Riahna na nagpipigil nang tawa.
Binabawi ko na yung sinabi ko kanina hindi talaga siya mabait,hindi talaga.
Sinamaan ko siya nang tingin saka tumayo sa kama ko at naglakad papunta sa pinto nang banyo nilingon ko siyang muli nang may masamang tingin.
"Buwiset!" sigaw ko saka padabog na sinara ang pinto. Narinig ko pa ang malakas na pagtawa niya sa labas.
"Kainis! Puwede naman akong gisingin nang maayos" hanggang ngayon ramdam ko parin ang lamig na iniwan ni Riahna sa binti ko.
"Eh sa ayaw mong gumising eh" napalingon ako nang bahagya sa gilid ko nang may narinig akong bumulong.
Psh, bakit ba kasi nakalimutan ko na kaya niya akong marinig kahit ata bulong naririnig niya. Agad kong tinapos ang pagligo nandito na rin sa banyo ang damit ko napangiti naman ako nang maisip na hinanda ni Riahna to para saken.
Pero hinde! May kasalanan siya sakin hindi dapat ako ngumingiti hmpt!
Nang matapos ako sa pagsusuot ay lumabas na ako nang banyo at tinignan ang sarili ko sa salamin.
Ang ganda talaga nang taste ni Butter pagdating sa damit. Nilingon ko si Riahna na nakatalikod sa gawi ko naka sayad ang dalawang kamay niya sa lamesa habang nakatayong binabasa ang libro nang Cascero.
Siyempre obvius naman maganda talaga siya lahat ata nang damit bagay sa kanya kaya nga ang daming nagkakagusto sa kanya pero ni isa sa mga yon wala siyang nagustuhan.
Pero pag dating kay Walter? I smell something fishy.
Lumapit ako kay riahna saka sinandal ang dalawang kamagy ko sa balikat niya at sinandal ang ulo ko doon.
Shet! Galit ako sa kanya diba? Aish! Sira na naman plano ko huhuhu.
"Ready kana?" tanong niya habang nasa libro parin ang tingin. Bumuntong hininga naman ako.
"Actually i'm ready but i'm afraid" nilingon niya ako at binigyan niya ako nang nagtatakang tingin.
"Afraid of what?" tanong niya.
"Nagaalala ako sayo....satin, what if may mapahamak satin? What if magkahiwahiwalay tayo? What if may mawa-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil itinaas niya ang kanang kamay niya para patigilan ako saka niya hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Cup...as long as we are together we're safe as long we are together nothing will harm us okay?" nakangiti niyang sabi.
Ramdam ko ang lakas nang loob niya kaya napangiti na lang ako saka tumango kinuha ko ang bag ko saka hinawakan ang kamay niya.
"Hindi tayo maghihiwalay" nakangiting sabi ko saka hinila na siya pababa dahil alam kong nandoon na din sila.
"Magandang umaga mga ihja" nakangiting bungad sa amin ni Master Ceriaco.
BINABASA MO ANG
A Charmer's Revenge [ON- GOING]
FantasyEnglish-Tagalog story Meet Riahna isang dalagang inakalang ordinaryong babae na may ordinaryong pamumuhay sa mundong kanyang kinalakihan. Isang dalagang walang kaalam-alam sa tunay niyang pinanggalingan. Namuo ang kanyang kagustuhang maghiganti sim...