Riahna's Point of View
Mahimbing akong natutulog nang makarinig ako nang ingay sa baba napaupo ako sa kama ko at takang tumingin sa pinto nang kwarto ko.
Mabilis na akong tumakbo sa pinto nang muli na naman akong makarinig nang kalabog sa baba. Bubuksan ko na sana ang pinto pero ayaw bumukas nito.
Paulit-ulit kong binubuksan at tinutulak pero ayaw sunod-sunod na kalabog ang narinig ko at may nadinig akong sumigaw.
Tumaas ang mga balahibo ko at sinubukang buksan ang pinto.
Naiinis na ako! Muli kong tinulak ang pinto at bumagsak ito sa sahig.
Napatulala ako at nanatiling nakatingin sa pintong bumagsak.
Kanina ayaw bumukas tapos ngayon halos mawasak na. Ano bang nangyayari! Nakarinig muli ako nang kalabog sa baba kaya naman dali-dali akong pumunta sa hagdan.
Madilim walang ilaw wala na rin akong kalabog na naririnig pero sino yung babaeng nakatayo.
Kinuha ko ang baseball bat na nasa tabi nang vase at dahan-dahang bumaba sa hagdan akmang papaluin ko na yung babae nang lumutang ang baseball na hawak ko.
The fuck?!Nanaginip ba ako?
Sinundan ko ang baseball na lumulutang hanggang sa bumagsak ito papunta sa sahig.Agad naman bumukas ang nga ilaw.
What is going on here? Ang gulo nang bahay namin nakita ko si mom na nakatayo malapit sa pinto nilingon ko naman ang babaeng hahampasin ko na sana kanina.
"Ate?" tawag ko sa kanya at nag-iwas diya nang tingin."Tell me anong nangyari?"
Nilapitan ako ni mom at niyakap.
"Malalaman mo din anak pero sa ngayon kailangan mo munang mahimbing"
Nilingon ko si mom nang nagtataka ano bang sinasabi niya? Maya-maya ay may naramdaman ako malamig sa batok ko at unti-unting napapikit.
...
Napaamang ako dahil sa sakit nang ulo na naramdaman ko unti-unti kong iminulat ang mata ko at bumungad sa akin nag isang magarang kwarto.
Inilibot ko ang mata ko at talagang nakakamangha ito pero...
Nasaan ako?
Tumayo ako at pumunta sa verandang nakita ko,may kalakihan ang verandang iyon at talagang aakma sa design nang kwarto.
Nang makarating ako sa dulo nang veranda ay nanlaki ang mata ko nang bumungad sa akin ang magandang paligid.
Sa isang banda ay may mga bahay at sa iba ay parang gubat na ang mga puno ay kulay...orange?
Teka nga! Nasa langit ba ako? At bakit ang taas naman nang kinatatayuan ko.
Napalingon ako sa pinto nang maramdaman kong gumalaw ang doorknob nito hinintay kong makapasok kung sino man yon at bumungad sa akin si ate.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ilang saglit pa ay kumalas din ako.
"Ate anong nangyari? Nasaan tayo? Si mom?" sunod-sunod na tanong ko. Hindi niya ako sinagot at ngumiti lang sa akin saka niyaya akong muli sa veranda.
Kakagaling ko lang dito eh.
Humarap siya sa akin at huminga nang malalim saka ngumiti.
"Little sis welcome to encharm world"
BINABASA MO ANG
A Charmer's Revenge [ON- GOING]
FantasyEnglish-Tagalog story Meet Riahna isang dalagang inakalang ordinaryong babae na may ordinaryong pamumuhay sa mundong kanyang kinalakihan. Isang dalagang walang kaalam-alam sa tunay niyang pinanggalingan. Namuo ang kanyang kagustuhang maghiganti sim...