Chapter 15: Asceras

90 61 59
                                    

Mindy's Point of View

"Come in" sabi ko nang may marinig akong katok habang nasa main office ako nang academy. Pumasok ang kumatok pero nanatili lang akong nakatingin sa mga papel. "Ulat?" seryosong tanong ko.

"Kasama na po nila riahna ang mga charmers na ipinadala niyo upang sila ay matulungan"

Tumango ako nang hindi tumitingin sa kanya. "How about trenquers?" muli kong tanong.

"Ang ulat nang mga nagbabantay ay tahimik lamang sila at hindi nanggagambala nang mga tao"

Napatingin ako sa kanya, nakakapagtaka bakit hindi sila kumikilos bakit parang ngayon lang nangyayari ito. Panigurado akong may balak na naman sila kailangan maging alisto.

"Kung ganon tell the guards to on the charm shield panigurado akong gumagawa na naman sila nang paraan at nagpaplano"

Tumango ito at bahagyang yumuko saka tuluyang umalis at lumabas nang office. Napatingin ako sa lamesa kung nasaan ang mapa nang buong nag paningin ko sa Black Kingdom.

Nasisiguro kong may gusto silang gawin na hindi kanais-nais kaya kailangan nang makabalik agad nila riahna at masimulan na ang plano.

Kailangan naming sila maunahan kailangan niyo nang makabalik riahna.

...

Riahna's Point of View

Napalingon ako sa gilid ko nang may marinig akong kaluskos kanina ko parin napapansing may nakasunod sa amin. Naglakad lang ako na parang walang napapansin napatingin ako sa mga kasama ko na halata namang maging sila ay nakakaramdam na rin.

Malapit na kami sa lagusan kung saan mapupunta kami sa totoong pinaroroonan nang punong iyon.  Pero hindi na talaga ako mapakali dahil sa mga napapansin kong matang nakabantay sa amin.

Nang maramdaman kong may nakasunod sa likod namin gumawa ako nang hangin sa kamay ko at saka isinugod iyon na kanya pagkaharap ko. Muli kong sinugod ang isa mula sa tagiliran ko.

Hindi sila mga trenquers at hindi ko din alam kung ano sila nakabalot ang katawan nila nang itim na kasuotan tanging ang mga mata lang nila ang makikita.

Nagsimula nang sumugod ang iba kaya naman lahat na kami ay nakipaglaban maging ang mga alaga naming aso ay sinusugod din sila at inaakmaan. Agad kong pinalutang sa hangin ang mga matutulis na kahoy na nasa gilid ako at mabilis na isinugod ito sa mga lalaki ngunit may halong pag-iingat ang ginawa ko dahil dinaplisan ko lang sa mga balikat ang mga tinamaan ko. Nang makita ko ang isang lalaking nagpalipad nang dagger papunta sa aking puwesto ay agad akong gumulong at mabilis na tumayo upang maabutan ang dagger at kontorlin ito saka mabilis itong isinugod sa kanila. Agad akong humarap nang may maramdam akong lalaki sa likod ko kitang-kita ko ang dagger na hawak niya papalapit sa balikat ko ngunit agad kong iginalaw ang kanang kamay ko para mabilis siyang mapigilan at umikot sa likuran niya dahilan upang ako naman ang nasa likod niya habang nakalagay sa leeg niya ang dagger na hawak ko.

Habang hawak-hawak ko ang kanang kamay niya ay napansin ko ang nakaukit malapit sa pulso niya.

Golden Guards

Biglang nanumbalik sa akin ang nabasa ko sa librong binasa ko sa library noon. Sila ang mga taga-bantay sa teritoryong ito. Binitawan ko ang kamay niya at lumayo ngunit nakacontrol parin ang hangin sa kanya.

"Paumanhin pero hindi kami narito upang guluhin kayo" sabi ko at saka tinanggal ang hangin na nakacontrol sa kanya.

Hindi niya na muli akong sinugod pa at tumango sa akin tinaas niya ang kamay na siya na mang nagpatigil sa mga kasama niya. Lumapit siya sa mga iyon at maging kami nang mga kasama ko ay lumapit sa kanila.

A Charmer's Revenge [ON- GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon