Chapter 15: Let's Begin

97 58 54
                                    

Third Person's Point of View

Narito ako sa bayan nang Light Kingdom habang namimili nang makakain pero hindi naman talaga iyon ang aking sadya sa pesteng bayan na to.

Bakit ba kasi hindi kami nagwagi na patumbahin sila psh. Bahagya akong napalingon nang makilala ko kung sino ang naglalakad sa daan.

Si Queen Mindy kasama ang mga guards at kapatid niyang si Riahna.

Habang namimili ay sinusulyapan ko sila na tiyak kong hindi naman nila ako makilala dahil naka sumbrero ako. Daretso lang sila sa paglalakad nang tumingin sa likuran si Riahna ay agad kong itinuon ang paningin ko sa paninda nang tinderang nasa harap ko.

Narinig ko ang malakas na sigawan kaya naman unti-unti akong napalingon sa kanila at nagulat nang makitang may sumaksak kay Queen Mindy.

Lahat ay gulat lahat ay nagsisigaw lalong-lalo na ang kanyang kapatid na mabilis na sinugod nang charm ang sumaksak sa ate niya at tumilapon ito sa sahig.

"Dakpin niyo siya!" halatang galit at may halong pagaalala mabilis siyang tumakbo sa ate niya kinausap niya pa ang isang guard at ginamit niya na ang charm niya para maglaho silang bigla.

Nilingon ko ang lalaking naglakas loob na saktan ang reyna nang Kingdom na ito hindi ako galit subalit mangha ako sa ipinakita niya. Kaso sayang kasi paniguradong bilang na ang oras niya.

Napadako ang paningin ko sa kutsilyo na tumilapon malapit sa harapan ko na siyang ginamit upang saksakin si Queen Mindy. Pasimple ko iyong kinuha at napaiwas ko ang mukha ko nang inamoy ko ito.

May lason at tiyak kong napakadelikado nito dahil sa amoy.

Napangiti ako siguradong matutuwa si Himonier sa balita ko. Agad akong lumabas nang Kingdom at tinahak ang daan patungo sa Black Kingdom.

Well, I belong here.

Pinapasok ako nang trenquers at tumungo ako sa palasyo kung naasan naron si Himonier nang makarating ako doon ay nakaupo lang siya sa kanyang trono.

"Ulat?" tanong sakin ni Vimo na siya namang anak ni Himonier.

Ngumisi ako at ipinakita ang kutsilyo na nakuha ko. Nagkatinginan silang lahat nang may pagtataka.

"May naglakas-loob na paslangin ang reyna nang Light Kingdom at nasisiguro kong bilang na ang oras niya pero nasisiguro ko ring magkakakaroon nang magandang resulta ang kanyang ginawa"

Tumayo si Himonier at lumapit sa akin para kuhanin ang kutsilyo inamoy niya ito at gaya ko ay napaiwas din siya nang tingin dahil sa tapang nito.

Naglakad siya pabalik sa trono niya habang nakatingin sa kutsilyo na hawak niya humarap siya samin at saka muling umupo.

"Sa tapang nang lason na ito ay nasisiguro kong mamatay si Mindy gayong alam kong walang lunas na magpapagamot sa sugat niya na may halong lason dahil iisang paraan lang ang makakagamot sa sugat niya"

"Ang bunga ng Puno nang Asceras?" nakangising tanong ni Hesan na siyang isa sa magaling na charmer sa panig namin.

"Oo, at alam kong hindi nila iyon matatagpuan dahil walang nakakaalam kung nasaan ang punong iyon kaya magsaya tayo dahil alam kong bilang narin ang oras nang bagong reyna nang Light Kingdom"

Halos lahat nagdidiwang dahil sa saya ako naman ay naupo sa isang bangkuan at doon sila pinagmasdan napadako nag paningin ko kay Vimo na iiling-iling pa.

Alam kong tutol siya sa ginagawa nang kanyang Ama pero wala siyang magagawa dahil sa oras na pigilan niya ito katapusan niya na.

Naramdaman ko naman na may lumapit sa akin nilingon ko ito at nakita ko si Himonier tumayo ako at bahagyang yumuko.

A Charmer's Revenge [ON- GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon