Riahna's Point of View
I'm not your stalker, I'm your knight my princess.
I'm not your stalker, I'm your knight my princess.
I'm not your stalker, I'm your knight my princess.
"Kainis!" singhal ko habang nagpapagulong-gulong sa kama ko.
Parang sirang plaka na patuloy nag sisink-in sakin ang mga huling sinabi nang lalaking yon.
Nakakainis!naiinis ako kasi hindi ko siya natanong bigla nalang kasi siyang umalis pagkatapos sabihin yung mga nakakabaliw na salita.
Tumayo ako at pumunta sa veranda napapikit ako dahil sa sumalubong sakin na malakas na hangin umupo sa isang cotton chair at tinignan ang mga bituin.
"Your'e my knight? okay, just let me meet you again"
Napatakip ako sa aking bibig matapos ko sabihin ang mga yon.Ano bang sinasabi ko? Hindi ko nga kilala yon tapos hihilingin ko pa na magkita kami?
What the fuck is wrong with me.
Napatayo ako dahil sa nadinig kong kumatok sa sliding door nang veranda.Binuksan ko iyun at pumasok si ate Mindy.
"Kamusta?" tanong niya.
Hindi ko siya nilingon at nanatili lang nakatingin sa mga bituin.
"Lagi naman ayos" sabi ko.
"Little sis what if buhay pa si dad?"
Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya.Napabuntong hininga nalang ako at niyakap ang braso niya.
"Syempre masaya ako,ilang beses ko nang hiniling na sana nga buhay pa si dad pero hindi naman diba?" malungkot kong sabi.
"Alam mo may napanood akong movie yung girl akala niya patay na ang daddy niya pero yun pala hindi kung sayo mangyari yon anong mararamdaman mo?" tanong ni ate.
Hindi ko siya agad sinagot.
"Kung may dahilan naman yung pagsisinungaling nila matatanggap ko yon kung yun naman yung mas makakabuti ayos lang ang mahalaga kasi don ay yung buhay pa siya at makakasama ko pa siya nang matagal na panahon" sagot ko pinigilan ko na rin ang mga nagbabadyang luha sa mata ko.
I miss my dad.
"Yan very good little sis matured kana talaga" sabi niya bago tinap ang ulo ko saka tumayo. "Magpahinga kana may pasok ka pa bukas okay?"
"Masusunod ate!" masigla kong sabi tumango naman siya nang nakangiti bago tuluyang lumabas nang kwarto ko.
Nanatili lang ako sa veranda nang ilan pang minuto bago tumayo at pumasok sa kwarto ko.
Nahiga ako sa kama at nakatingala sa kisame.
Siguro kung buhay pa si dad hindi ko sasayangin yung mga araw na makakasama ko siya.
Mapait akong napangiti.
"Sana nga dad buhay ka pa mas tatanggapin ko ang pagkawala niyo nang mahabang panahon kesa naman sa habang buhay na kayong mawawala sa tabi ko"
BINABASA MO ANG
A Charmer's Revenge [ON- GOING]
FantasíaEnglish-Tagalog story Meet Riahna isang dalagang inakalang ordinaryong babae na may ordinaryong pamumuhay sa mundong kanyang kinalakihan. Isang dalagang walang kaalam-alam sa tunay niyang pinanggalingan. Namuo ang kanyang kagustuhang maghiganti sim...