Riahna's Point of View
5 days later...
Ilang araw na ang nakakalipas simula nang kilalanin si ate bilang bagong mamumuno sa kaharian ilang araw na din ang nakakalipas simula nang magplano kami.
Naghahanda na ako ngayon para sa mga dadalhin ko sa paglalakbay dinala ko ang libro na binigay ni Ms.Nicole sa akin. Ang sabi niya pa nga ay kailangan ko daw ito.
Maglalakbay kami ngayon nila Leo,Pearl at Walter para makapitas nang bunga nang puno nang Asceras sa gitna nang kagubatan.
Ang bungang iyon ay nagtataglay nang kapangyarihan na kayang gumamot sa isang nalason na tao. Kailangan namin iyon sa oras na magsimula na ang plano.
Pinaalam na din nila Ate sa lahat nang charmer's ang plano nila. Lumabas na ako nang kwarto at nagsimulang maglakad palabas nang academy papunta sa palasyo kung nasaan sila Ate.
Nang makarating ako doon ay naghihintay na sa akin ang mga makakasama ko. Sinalubong ako ni ate at saka niyakap.
"Take care little sis" bulong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap ko saka ako tumango nang nakangiti.
Nilingon ko sila Mr.Elix,Ms.Nicole,Mr.Greg na nakatingin sa amin nakangiti naman akong tumango sa kanila saka lumapit kila Pearl.
"Posibleng may mga makaharap kayong mga kakaibang nilalang kaya maging alisto kayo" bilin ni Mr.Elix
Tumango naman kaming apat saka muling ngumiti bago umalis sa palasyo maya-maya naglalakad na kami ngayon dito sa bayan.
Tinignan ko ang mga tao dito makikita ang saya sa kanilang mata paano napapatay ni Himonier ang mga inosenteng taong kagaya nila?
Lahat nang nakatira sa bayan ay ang mga taong walang sapat na charm para lumaban may nga charm sila pero hindi iyon magagamit sa paglaban.
Nang makalabas na kami nang kingdom ay huminto na kami at tinignan ang paligid mas maganda pala pag nasa labas ka nang kingdom pero mas delikado pag nasa labas ka.
Huminga ako nang malalim saka tumingin sa mga kasama ko maging sila ay nakatingin lang din sa paligid.
"Ready?" tanong ko.
Nilingon naman nila ako saka ngumiti pero alam kong kagaya ko ay may kaba din silang nararamdaman dahil hindi na kami ligtas dito sa labas kahit anong oras puwede namin makaharap ang mga trenquers at mababangis na hayop dito.
Nauna na akong maglakad na sinabayan naman nila pagtapak palang namin papasok sa gubat ay isang malakas na hangin na ang sumalubong sa amin.
Sandali akong pumikit saka muli nang naglakad.
Hindi ko mapigilan na mapatingin sa paligid napakaganda...
Nang tumigil kami sa isang malaking bato na sinabi nila ate ay may nakita kaming nakaukit dito,Isa itong hugis bilog
"Riahna ito na yung sinasabi nila sa atin pero anong gagawin natin? Wala naman silang sinabi" singhal ni Pearl.
Muli kong tinitigan ang nakaukit hinawakan ko ito at dun ko napagtantuan na malalim pala ito at parang naghihintay na may ilagay sa kanya.
Naalala ko ang sinabi ni Ms. Nicole sa akin nang may ibigay siyang libro sa akin kahapon.
Magagamit mo ito at dito mo makikita ang lahat nang makikita mong bagay na hindi niyo mabatid kung ano ang kahulugan.
BINABASA MO ANG
A Charmer's Revenge [ON- GOING]
FantasyEnglish-Tagalog story Meet Riahna isang dalagang inakalang ordinaryong babae na may ordinaryong pamumuhay sa mundong kanyang kinalakihan. Isang dalagang walang kaalam-alam sa tunay niyang pinanggalingan. Namuo ang kanyang kagustuhang maghiganti sim...