Riahna's Point of View
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata pero lahat ay malabo sa aking paningin. Bahagya kong itinukod ang isa kong braso upang makaupo ako nang maayos pero hindi pa ako tuluyang nakakabangon ayaw napahawak ako sa kanang batok ko nang makaramdam ako nang hapdi mula rito.
Kahit nanghihina ay pinilit kong umupo nang maayos at muling ipinikit ang aking mga mata. Hawak-hawak ko parin ang aking kanang batok habang bahagyang iniikot ang aking ulo.
Nang-magmulat ako nang mata ay tumumbad sa akin ang isang kwarto. Inilibot ko ang aking paningin at napaawang ang labi ko nang walang kahit anong gamit rito maliban sa hinihigaan ko at maliit na bintana na kung saan ay may lumalabas na liwanag.
Doon ko lang muli na-alala lahat nang nangyari bago ako mawalan nang malay. Napailing na lang ako nang maalala kong muntik ko nang sugurin si Himonier nang makita ko siya pero pinigilan ko ang sarili ko.
Masisira ang plano.
Nahagip nang mata ako ang isang pinto at tinangkang tumayo ngunit muli lang ako napaupo nang may kung anong bagay na mabigat na pumigil sa akin upang makatayo. Tinignan ko ito at doon ko lamang napagtagtuan na may kung anong metal pala ang nakakabit sa magkabila kong paa.
Ngunit ipinagtataka ko kung bakit magaan naman ito kung igagalaw ko tinangka ko muling tumayo habang nakatingin rito at sa inaasahan kong muli ako napaupo kasabay nang pagliwanag nang isang butil na nakabaon sa gitna nito.
Tsk. may spell.
Nabaling ang paningin ko nang maramdaman kong bumukas ang pinto hinintay ko kung sino ang papasok at isang hindi kilalang lalaki ang tumumbad sa akin nasisiguro akong kasing edad siya ni ate.
He was wearing a gray shirt and black pants with his brown coat. Nakita kong may nakadikit na dagger sa magkabilang baywang niya.
Nakatitig lang ako sa lalaking nakatayo ngayon habang ang isang kamay ay nasa doorknob parin nang pinto. Sinara na niya iyon at naglakad hanggang sa makaharap ko na siya bahagya siyang lumuhod para mapantayan ako.
Nakatitig lang ako sa kanya at hindi nag-salita ganoon din siya...tumingin siya sa kamay kong hawak-hawak ang kanang batok ko. Hahawakan niya na sana iyon pero iniwas ko ito habang walang emosyong nakatingin sa kanya. Bahagya siyang natawa habang nakatingin parin sa kamay ko tinignan niya na ako sa mata at saka ito ngumiti sa akin.
Walang halong sarkastiko. Walang halong pangiinis. Totoong ngiti.
Dahil doon ay dahan-dahan kong tinanggal ang kamay kong nakatakip sa kanang batok ko bahagya niyang tinabingi ang ulo niya upang tuluyang mapagmasdan ito.
Nakatitig lang ako sa kanya... isa ba siyang trenquer? Pero parang nakita ko siyang kasama ni Himonier nang magkita kami sa gubat at higit sa lahat... bakit ang gaan nang loob ko sa kanya gayong alam kong kalaban siya?
"Magpapahatid ako nang healer para gamutin ang sugat mo" saad niya habang nakatingin parin sa batok ko at sinusuri ito nabalik na rin ako sa reyalidad at tinakpan na muli ang kanang batok ko.
Nilingon niya ako atsaka muli na namang ngumiti tumayo siya at pinagpag ang kamay niya at iniabot sa akin ang kanang kamay niya.
"Vimo" pagpapakilala niya hindi ko alam kung bakit ako napangiti at tinaggap iyon saka nakipag-shake hands.
"Riahna" tugon ko at saka binawi na ang aking kamay.
Nabaling ang atensyon namin sa pinto nang may kumatok dito at isang babae naman ang pumasok.
BINABASA MO ANG
A Charmer's Revenge [ON- GOING]
FantasyEnglish-Tagalog story Meet Riahna isang dalagang inakalang ordinaryong babae na may ordinaryong pamumuhay sa mundong kanyang kinalakihan. Isang dalagang walang kaalam-alam sa tunay niyang pinanggalingan. Namuo ang kanyang kagustuhang maghiganti sim...