Riahna's Point of View
Nakatayo ako ngayon malapit sa bintana. Halos wala ako makita kung hindi ang araw na nagsisilbing liwanag sa madilim na silid na ito. Halos dalawang araw na ako rito at paulit-ulit lang ang nang-yayari, hinahatidan ako nang pagkain, nagamot na rin ang sugat ko sa kanang batok dumadating minsan si Vimo pero hindi siya nagtatagal at umaalis na ulit. Pagkatapos non...mag-isa na naman ako dito. Walang araw na hindi ko iniisip kung ano ang mangyayari sa susunod na araw.
Lagi kong iniisip kung kailan ba ako makakalabas dito, kung kamusta na ang mga importanteng taong naiwan ko. Kung ano ang sikretong nasa likod nang black kingdom. Muli akong napabuntong-hininga dahil sa lungkot na nararamdaman ko.
Pero lagi kong sinasabi sa sarili ko na kailangan kong lumaban, masasayang ang mga plano kung magpapadala ako sa emosyon ko ayokong biguin ang mga taong umaasang makakabalik pa ako.
Nabaling ang atensyon ko nang may kumatok sa pinto at bumungad doon si Vimo at Sevilia. Gaya nang mga nakaraang araw they both smiling at me ngunit parang mas lalo akong hindi nagiging kumportable sa tuwing gagawin nila iyon. Matapos isara ni Sevilia ang pinto ay tumitig lang sila sa akin ganon din ako. Ngunit hindi ka-gaya nila nakatingin lang ako sa kanila nang blanko. Ayokong ngumiti sa kanila. Ayokong maging kumportable ayokong magsisi sa huli.
"Maghaharap na kayo ni Himonier" otomatiko akong naging interesado dahil sa sinabi ni Vimo. "Maghanda kana, isuot mo ito" sabi niya kasabay nang pagbigay niya sa akin nang mga damit. Tumango lang ako sa kanila atsaka lumabas na si Vimo pero nagtaka ako nang hindi sumunod si Sevilia.
"What?" tanong ko habang blanko paring nakatingin sa kanya. Narinig ko ang pag buntong-hininga niya hinintay ko lang siya hanggang sa magsalita siya.
"Why are you doing all of these?" nakakunot-noong tanong niya. Ngunit nakaramdam ako nang pag-kabigla dahil sa sinabi niya. Bakit parang tutol siya na maging kasapi nila ako? Hindi ba't dapat ikatuwa niya pa iyon? Mabilis kong tinanggal ang pag-kabigla sa aking mukha at walang emosyong tumingin sa kanya.
"Beacuse i want to" deretsong sabi ko.
Umiling-iling siya na parang hindi siya makapaniwala "Riahna are you crazy? You're being careless. Alam mo ba kung anong puwedeng mangyari sayo? Riahna puwede kang mapaha-"
"Why do you care then? I don't even know you, well yeah i know your name but we're still strangers" pag-putol ko sa sinasabi niya nakita ko ang pag-iwas niya nang tingin na parang may gusto siyang sabihin. Kahit ako nalilito na sa lahat nang kanyang mga sinasabi.
"Okay. Do what you want" mabilis niyang sabi saka lumabas nang silid. Doon ko lang nailabas ang pagtataka at gulat sa aking mukha. Bakit ganoon ang reaksyon niya? Bakit niya ako pinipigilan? At nararamdaman ko ring may nais siyang sabihin sakin ngunit hindi niya ito maituloy.
Napailing na lang ako at inalis na iyon sa aking isipan dahil ginugulo lang ako non. Ilang saglit pa ay natapos na ako magbihis. Pinagmasdan ko ang aking sarili nakasuot ako nang isang red-sando habang naka-tackin ito sa aking babyblue short. May kung anong itim na tela ang nakalagay sa magkabila kong tuhod pati na rin sa aking magkabilang siko. Natapos ako sa pagtitig ko sa aking sarili nang isang trenquer ang nagbukas nang pinto tumango ito sa akin kaya naman nauna na akong lumabas sa kanya.
Umawang ang labi ko nang makita ko ang apat pang trenquer na naghihintay sa labas. Nauna nang maglakad ang trenquer na nagbukas nang pinto kanina sinundan ko lang siya. Nang makalabas kami sa isang malaking pinto ay bumungad sa akin ang sikat nang araw kaya naman naiharang ko ang aking kanang kamay sa aking mukhang natatamaan nang liwanag. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang malalakas na alon sa ibaba atsaka ko lang napagtantuan na ang Lugar na ito ay pinalilibutan nang tubig-dagat. Nasisiguro ko ring na kung anong panghimpapawid ang ginagamit upang makarating dito.
BINABASA MO ANG
A Charmer's Revenge [ON- GOING]
FantasíaEnglish-Tagalog story Meet Riahna isang dalagang inakalang ordinaryong babae na may ordinaryong pamumuhay sa mundong kanyang kinalakihan. Isang dalagang walang kaalam-alam sa tunay niyang pinanggalingan. Namuo ang kanyang kagustuhang maghiganti sim...