Riahna's Point of View
Naglalakad na ako ngayon papunta sa kwarto ko para magpahinga kakatapos ko lang din makipag-usap sa mga kaibigan ko.
Pinanood ko din si Blight kung pano mag-training at hindi ko naman maitatanggi na magaling ito. Nakakabigla din na ang amo nang a song lumapit sa akin ay ang charmer na nagbuwis nang buhay para sa lahat.
Ang sabi kasi ni Walter simula nang mawala ito ay hindi na siya lumapit sa kung sino pero masaya ako dahil ang asong katulad niya ang naging partner ko.
Nakapasok na ako sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Nang makaramdam ako nang pagka-bored ay muli akong lumabas nang kwarto ko.
"Gabi na pala" bulong ko pero lumabas parin ako nang kwarto dahil wala rin naman ako gagawin sa loob.
Naglakad-lakad ako may nakakasalubong pa akong mga tao pero kakaunti nalang din.
Natigilan ako nang may madaanan akong pinto unti-unti ko itong binuksan at bumungad sa akin ang isang library pumasok ako dito at nagsimulang ilibot ang paningin ko.
May nakita pa akong isang babae na ngumiti sa akin librarian ata.
Madami ding nandito sa loob naglakad-lakad ako sa may mga libro natigilan ang daliri ko sa paghahanap nang may makita akong libro na kakaiba ang disenyo.
Kinuha ko iyon at tinignan habang papaupo sa upuan.
Kulay berde ito at sa gitna ay parang may bilog na salamin.
Binuksan ko iyon at sinimulang tinignan.
Namangha pa ako sa mga kagamitan na nakaukit dito bawat gamit ay may kapangyarihan natigilan ako sa isang kuwintas at napatingin sa kuwintas ko.
Magkamukha to ah?
Binalik ko ang tingin ko sa libro at binasa ang nakasulat doon.
"This necklace has an power to protect you against a black dragon in case you encounter it. It also possesses power to manipulate animals"
Muli kong tinignan ang kuwintas ko at iniangat. Napangiti na lang ako dahil sa akin pa napunta ito sa amin ni Pearl.
Pero...
Kung galing ito dito sa Encharm World paanong napunta ito sa mundo nang mga ordinaryong tao? At nasisiguro ko dung ang nagbigay nito ay galing sa mundong ito.
Pero sino? Isa kaya siya sa isa sa mga pinakamagaling na charmers?
Napaisip ako kung saan puwede malaman iyon at Tama! Tumayo ako at hinanap ang librong sasagot sa tanong ko pero wala dito.
Lumapit ako sa librarian at tinanong ito.
"Uhm..excuse me" sabi ko dahil nagbabasa siya mamaya masungit to paalisin pa ako dito.
"Yes? May I help you young lady?"
Ayon naman pala mabait naman saktong-sakto sa ganda niya. Yung librarian kasi don sa school ko ang sungit.
"Itatanong ko lang po sana kung saan po makikita ang libro kung saan nakasulat ang mga malalakas na charmers?" tanong ko.
Natigilan naman siya sa pagbabasa at ngumitu sa akin maya-maya ay dumapo ang tingin niya sa kuwintas na hawak ko.
Noong una ay parang nagulat pa siya pero agad din siyang nakarecover. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako.
Umalis siya sa inuupuan niya at parang may kinuha ilang saglit pa ay bumalik siya sa akin at ibinigay ang isang libro.
BINABASA MO ANG
A Charmer's Revenge [ON- GOING]
FantasyEnglish-Tagalog story Meet Riahna isang dalagang inakalang ordinaryong babae na may ordinaryong pamumuhay sa mundong kanyang kinalakihan. Isang dalagang walang kaalam-alam sa tunay niyang pinanggalingan. Namuo ang kanyang kagustuhang maghiganti sim...