Author's Note:
This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.All rights reserved, including the right to reproduce this book or portions thereof in any form whatsoever.
Kinabukasan...
"Good morning sunshine!"
Mabilis akong bumangon, inayos ang kama at saka tuluyang tumungo sa bathroom para sa daily routine ko.Nagsuot lang simpleng oversized na gray shirt, maiksing maong short, at puting sandal.
No more make up, just a natural beauty. Messy bun for my long ash-gray hair. Thick eyebrow, long eyelashes, periwinkle deep set eyes, sunspot and rosy cheeks, pointed nose, red lips like a bow, hourglass body in a cute height like 5'5 and pale skin color.
Mabilis akong nagtungo sa dining area matapos kong pagmasdan ang sarili ko sa full-body mirror.
Oh my gosh! Hunks! Shocks! Bwisit ka Calix! Bakit hindi mo sinabi may kasama akong mga anim na mga gwapong adonis dito!
"Serinity, nandyan ka na pala, halika ka na dito." anyaya ni Manang Feli.
"Ah, eh, manang sino po sila?" nag-aalangang tanong ko at napatingin anim na lalaking nakangiting nakatingin din sa akin.
"Mga barkada ni Calix, hija. Hindi ba niya sinabi sa'yo?"
Umiling lang ako.
"Dito din sila nakatira hija."
"Ah okay po, Manang."
"Hija, sila Clark, Pablo, Fritz, August, Valentin at Eusebio, barkada ni Calix. Mga anak, si Serinity, ang pamangkin ni Calix." pagpapakilala ni Manang.
Pare-parehas sila ng physical features na mala-adonis na katawan at mukha tulad ng isang anghel pero magkakaiba sila ng skin color tulad na lang nila Valentin, Pablo at Eusebio na moreno at, sila August, Clark at Fritz na mala-amerikanong kulay. Kulang na lang ang pakpak para mukha na silang anghel.
"Hello sa inyo hehe." nakangiting bati ko kahit naiilang ako.
Tumango lang sila sa akin.
"Ah, manang, sa kwarto na lang po ako kakain ng almusal hehe tatawag pala si Calix ngayon." paalam ko saka mabilis na bumalik sa kwarto.
Mabilis kong binuksan ang laptop at kinontak si Calix through video call.
Ringing...
"Hello Seri, bakit?""Caliiiiiiiiiixxxxxxx, bakit hindi mo sinabing nakatira dito mga barkada mo?!"
"Hindi ka nagtanong Seri, sasabihin ko sana sa'yo kahapon kaso kung ano-ano namang sinasabi mo, saka bakit hindi mo ba sila nakita kagabi?"
"Hindi po. Pero kahit na!"
"Huh? Hindi mo sila nakita? Diba gabi ka na nakarating dyan? Bakit hindi mo sila nakita?"
"Opo, gabi na kaso dumiretso ako dito sa kwarto at nakatulog. Nagulat nga lang ako nung bumaba ako kanina kaya tinawagan kita ngayon."
"Don't worry, hindi ka naman nila sasaktan at mababait yon kaso mga babaero sila kaya lumayo ka sa kanila lalo kay Clark, maliwanag?"
"Opo, kailan ka ba uuwi dito Cal?"
"Next month pa Seri, anong gusto mong pasalubong?"
"Alam mo na yon Cal hehehe."
"Sige, I have to go Seri. May meeting pa akong pupuntahan."
"Okay, see you soon! Bye!"
Nagmuni-muni lang ako hanggang dumating si Manang Feli kasama ang almusal ko. Matapos noon ay ibinalik ko sa kusina ang pinagkainan at hinugasan ko na siyang nakita ni Manang Feli kaya medyo napagalitan ako pero sabi ko okay lang at sanay ako sa gawaing-bahay dahil kay Mommy.
Naisipan kong maglakad-lakad sa hardin. Napangiti na lang ako kapag napapadaan ako sa mga bulaklak.
"Ang ganda mo namang bulaklak." nakangiting sambit ko.
"Mas maganda ka pa."
Napaatras naman ako nung sumulpot si Eusebio sa gilid ko.
"A-andyan ka pala hehehe sige, alis na ko." biglang paalam ko at tumakbo na ako paalis.
Napadpad naman ako sa pool area.
"Whew! Nagulat ako doon! Bakit kasi pakalat-kalat sila dito- AAAAAHHHH!" nagulat ulit ako sa lalaking sumulpot sa harapan ko, si Valentin, at mabuti na lang nasambot niya ako kaya hindi ako nahulog sa swimming pool.
Bigla namang nagsulputan sila Eusebio, Pablo, August, at Fritz. Pinaupo naman ako ni Valentin sa rattan na upuan.
"Ayos ka lang, Seri?" nag-aalalang tanong ni Fritz at inalukan ako ng isang basong tubig.
"A-ayos lang po ako." nanginginig kong tugon habang umiinom.
"Ano bang nangyari?" singit ni Eusebio.
"Nagulat lang ako kay Valentin kanina at mabuti na lang nahawakan niya ako kaya hindi ako nahulog sa pool." paliwanag ko.
"I'm sorry kung nagulat kita kanina, tatanungin ko lang sana kung bakit ka kumakaripas ng takbo galing sa hardin." pagpapaumanhin ni Valentin.
"Nagulat din kasi ako kay Eusebio kasi bigla siyang sumulpot sa hardin." paliwanag ko ulit.
Sumulpot naman si Manang Feli at may hawak na telepono. Sabay-sabay kaming napalingon sa kanya noong iabot niya sa akin yong wireless na telepono.
"Seri, tumawag si Calix at gusto kang kausapin." aniya.
"Sige po," at tumango sa mga kasama ko, "..excuse me at thank you." paalam ko saka inabot ang telepono kay Manang at naglakad paalis habang kausap si Calix.
Matapos kong kausapin si Calix at ibinalik ko na kay Manang Feli ang telepono saka nagpaalam na babalik sa kwarto ko para magpahinga at maliligo mamaya sa swimming pool.
Nang makapasok ako at maisarado ang pinto sa kwarto ko ay nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Clark sa loob ng kwarto ko.
"Anong ginagawa mo dito?" pagtatanong ko pero hindi sumagot at naglakad siya papalapit sa akin.
"May kailangan ka ba?" muling tanong ko pero hindi pa din siya umimik sa akin at patuloy pa din sa paglapit sa akin kaya lalo kong napapaatras.
"...lumayo ka sa kanila lalo kay Clark."
"Teka, bakit ka ba lumalapit sa akin?" naiilang kong tanong.
Hindi talaga siya umimik hanggang maramdaman ko na lang ang edge ng kama ko at lalo akong nataranta dahil sa mas malapit pa siya na halos 1 inch na lang ang pagitan namin. Nagulat ako doon kaya nahila ko siya na pahiga na kasama ako.
"AAAAHHHHHHH-hmm!" naputol ang tili ko nang maglapit ang mga labi namin sa isa't-isa na mas lalo pa niya akong hinalikan na nakapikit ang mga mata niya habang ako ay mulat na mulat ang mga mata pero nang matauhan ako ay naitulak ko siya ng malakas para mapaalis sa ibabaw ko.
Natulala ako sa kawalan habang nakahawak sa mga labi ko. Samantalang nakayukong nakaupo sa sahig.
"C-clark, ba..kit ka nandito?" wala sa sarili kong tanong habang tulala pa din.
Hindi siya umiimik, tumayo lang at lumabas ng kwarto na parang walang nangyari.
To be continue...
YOU ARE READING
KISSING MONSTER
RomanceWould you help to save a girl from death threats? Would you be source of strength and happiness? Would you die for her or just walk away? Serinity: "I'm oxygen and he's dying to breath." Start: JUNE 09, 2020 End: JULY 03, 2020