DIX-HUIT

15 2 0
                                    

Nagising na lang ako na masakit ang buong katawan ko at biglang bumangon sa pagkakahiga.

Nasaan ba ako? Paano ako nakarating dito? Bakit ang dami kong benda sa katawan? Sinong nagdala sa akin rito?

"Hay, mabuti at gising ka na."

Nagulat ako sa lalaking nagsalita mula sa paanan ko.

"S-sino k-ka?" utal kong tanong dito.

"I'm Dr. Isaac, ikaw?" aniya.

"P-paano ako nakarating dito?"

Napalingon naman ako sa bagong dating na dalaga.

"Kuya gising na ba siya?" anito.

"Oo. Ikaw na bahala sa kanya. Alis na ko." tugon nila at lumabas sa kwartong kinalalagyan ko.

"Hello! I'm Dorothy, and you are?" masayang bati nung dalaga sa akin habang nakaupo sa gilid ng kama ko at hinawakan ang kamay ko.

"S-serinity. Paano ako nakarating dito?"

"Si kuya Isaac ang nagdala sayo dito."

"Huh?"

"Basta iniuwi ka na lang niya dito sa bahay namin na walang malay at maraming sugat sa katawan kaya inasikaso ka namin. Huwag kang mag-alala ako ang nagpalit ng damit mo pero si kuya ang gumamot sa sugat mo."

"S-salamat."

"Anong nangyari sayo?"

"May kumidnap sa akin."

"Tapos tumakas ka kaya ang dami mong sugat?"

"O-oo."

"Bakit ka nila kinidnap?"

"Hindi ko alam."

"Ahh, mabuti na lang nakita ka ni Kuya ko at nakatakas ka."

"Uhmm, nasaan pala ako?"

"California po. Sa family house namin."

"C-california?"

"Opo."

"Paanong-"

Nagkibit-balikat siya sa akin.

"Taga-saan ka po ba?"

"Sa Pilipinas pa ako." malungkot kong sagot at napayuko.

"Isang linggo ka nang walang malay. Wala din naman kaming nakuhang kahit anong I.D. mo kaya di namin alam kung paano ka namin matutulungan para makabalik sa inyo."

"S-salamat Dorothy."

"Welcome po ate."

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Sige ate, may mga damit ng nakahanda dyan at labas muna ako para tumulong sa tanghalian natin."

Tumango ako bago umalis siya.

[Dining Room]
"Upo ka ate." anyaya ni Dorothy.

Naupo lang ako sa tabi niya at tahimik na kumain nang biglang sumulpot si Isaac sa harapan ko para umupo.

"Hey Lady, are you okay now?" anito sa akin.

"I-I'm fine. Thank you for helping me."

"You're welcome. What is your name?"

"I'm S-Serinity."

"I'm Dr. Isaac Cox. May I ask what happened to that night when I found you?"

"I... I was run away from my... k-kidnapper."

KISSING MONSTERWhere stories live. Discover now