SINQ

23 3 0
                                    

[Subic Bay International Airport]
"CALIXXXXXXXXX!!" bati ko dito noon makita siya na palabas at tumakbo ako papalapit sa kanya saka yumakap ng mahigpit.

"I miss you, Cal. Do you missed me too?" parang bata kong pagtatanong.

"Of course, my niece. I missed you too." aniya at yumakap din sa akin.

Lumapit naman ang mga barkada niya at nakipagbatian din.

"Kamusta ang hotel natin?" ani Calix.

"Ayos naman at prepared na para sa dadating na investors." sagot ni Pablo.

"Ang pinapabantayan ko?" tanong ni Calix ulit at lumingon pa sa amin ni Clark.

"They're fine but the predator was secretly sneaking around the prey." August answered.

Clark tsked.

Napalingon naman ako sa kanya.

"Cal, gutom na ko hehehe kumain muna tayo, please?" biglang sambit ko at inosenteng nakangiti sa kanya.

"Sure." aniya.

[The Aristocrat Restaurant, Olongapo]
Habang kumakain kami ay tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila patungkol sa hotel nila.

Dahil nasa tabi ko si Clark ay busy itong nilalaro ang darili ko matapos siyang kumain at hindi naman nila pinansin iyon maliban kay Calix na nasa tabi ko na panay ang masamang tingin sa akin at kay Clark.

"Your soft hand is perfectly fit with my rough hand." mahinang bulong ni Clark sa akin at hinawakan ang buong kaliwang kamay ko.

"Hey Clark, how's Cynthia?" biglang tanong ni Calix at nakangisi pa itong nakatingin sa akin bago kay Clark.

Napalingon ako na parang nagtatanong kay Clark na napatigil at napalingon din sa akin.

"Who's Cynthia?" patanong na tugon niya.

Mukhang nakalimutan na nga niya. Pero sino naman kaya iyong Cynthia? Fling ba niya?

"Ow? You already forgot that young woman. Maybe, you already get what you want for her, so, you dumped her now." natatawang sambit ni Calix.

Napataas naman ang kaliwang kilay ko dahil sa parang pang-iinsulto ni Calix kay Clark na natahimik pati ang ibang kasama namin.

Parang may namumuong tensyon sa kanilang dalawa. Why are you so mean, Cal? Is this because of me being chill with Clark? Or he asked it in a purpose for me to see Clark and his past behavior?

"Hey Cal," pang-aagaw ng pansin ko sa kanya, "..how's ate Kleng? Have you talk to her?" pangangamusta ko.

"Sino si Kleng, bro?" ani Eusebio.

"Parang wala kang nakukuwento tungkol sa babae sa amin maliban sa flings mo." komento naman ni August.

"Oo nga bro, sino si Kleng? Secret girlfriend mo ba iyon?" tanong pa ni Valentin.

"Siya ba iyong nabanggit mo sa amin na ipapakasal sa'yo ng parents mo?" tanong din ni Pablo.

"Naks! Magcecelebrate na ba tayo na nalalapit mong kasal?" biro pa ni Fritz.

Natatawa naman ako sa reaksyon ng mga kaibigan nila at mukhang clueless sila kung sino si ate Kleng.

"You will gonna pay for this later, Seri." bantang bulong ni Calix sa akin kaya napailing naman ako.

"Yeah, Kleng is my fiance, but not a secret girlfriend. She is a public school teacher that's why she talks a lot and she's not my type. No more questions about her. Soon, you will gonna meet her." maikling sagot ni Calix.

"Thank you." mahinang sambit ni Clark sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

Nangulit pa din ang ibang kasama namin hanggang makauwi kami sa mansion.

Kinabukasan...
Halos mapabangon ako sa pagkakahiga ng makita ko si Calix na nakatayo sa gilid ng kama ko at nakapameywang sa akin na seryosong nakatingin.

"C-calix, bakit ka nandito sa kwarto ko?" pautal kong tanong rito.

Naupo naman siya sa gilid ng kama ko at niyakap ako.

"May problema ka ba?" pangungulit ko.

No response.

"Tito Cal, are you okay?" ulit ko pa.

Humiwalay naman siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"Umamin ka nga sa akin Seri," panimula niya.

"Na ano?"

"Pumapasok ba dito si Clark ng walang paalam sa'yo?"

"Minsan?"

"Ginalaw ka ba niya?"

"Ih?"

"Nakahomerun na ba?"

"No."

"3rd base? 2nd or 1st?"

"Ano ba yan, Cal? Pabreakfast mo na ba sa akin iyan?" sarkastikong tanong ko.

"ANSWER IT!" medyo galit niyang sambit.

"No. He just kiss and hug me, that's it! Promise, he didn't touched me aside of that, Cal." depensa kong sagot at sinalubong ang seryosong mukha niya.

"Why did you let him do it to you?" mahinahong tanong niya.

"I don't know, all I know that he needs it, so I let him to kiss and hug me. I don't know if he likes me or not."

"But you like him?"

Napayuko na lang ako dahil hindi ko din alam ang sagot doon.

"You liked him already, don't you?" aniya, at iniangat niya ang mukha ko.

"I don't know Cal, all I know is I'm comfortable when he's around even if I am look like a prey to him." seryosong paliwanag ko.

"Tsk. He already got you that easy as a simple snap." nakangiting sambit niya.

Napasalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya dahil hindi ko naintindihan.

"Ano kamo?" takang tanong ko.

"Nothing. Dress up, young lady." aniya at tumayo na.

"Okay." tugon ko at napakamot ng ulo.

"By the way, sa hotel tayo kakain ngayon ng agahan at itutour ka namin ngayon."  aniya bago lumabas ng kwarto ko.

Natural beauty on and messy bun for my hair. Wearing a white zip crop bra top, a black sailor pants, a gray flip-flops, and a black phone pouch.

"Hey,"

Napalingon naman ako kay Clark.

"Morning!" nakangiting bati ko, "..may kailangan ka?" dagdag ko pa.

Lumapit naman niya sa akin, niyakap at hinalikan niya ako sa noo.

"Morning, mon amour." aniya.

Napatingin lang ako sa kanya na nakayakap pa din sa akin.

"Bakit ka nga nandito?" pangungulit ko.

"Inutusan ako ni Calix na sunduin ang pinakamamahal niyang pamangkin dahil nauna sila sa hotel at may kailangang asikasuhin." bored niyang sagot.

"Talaga lang ha?" paniniguro ko pa.

"Pero kung gusto mo naman ay dito na lang tayo at huwag nang sumunod sa kanila. Ano sa tingin mo diba maganda ang ideya ko?" pilyong biro niya.

"Tse!" asik ko at humiwalay sa yakap niya, "Tara na nga at medyo nagugutom na din ako." mataray kong  tugon at naunang naglakad palabas ng kwarto ko.

Natatawa naman siyang sumunod sa akin.

Napansin ko iyong pasa niya sa pisngi, saan naman kaya niya nakuha iyon?

To be continue...

KISSING MONSTERWhere stories live. Discover now