DEUX

41 4 0
                                    

Huhuhu iyong first kiss ko nakuha ni Clark huhuhu saka bakit ba nandito sa loob ng kwarto ko siya? Huhuhu ang creepy naman ng lalaking iyon tapos tatanungin mo, hindi naman umiimik huhuhu grabe siya sa akin. Nilayasan ako na parang walang nangyari. Pero who cares? Halik lang iyon.

Napasabunot ako ng buhok ko sa ulo bago ko naisipang magpalit ng itim na two piece bikini at puting sarong saka lumabas para pumunta sa pool. Pero nagsabi muna ako kay Manang Feli na hatiran ako ng makakain at tinanong ko kung nasaan ang mga kasama namin pero ang sabi lang sa akin ay namamasyal sila sa hotel at ang iba ay pumasok na sa trabaho dahil nabobored daw dito.

Habang mapayapa akong lumalangoy ay narinig ko ang isang pagbagsak sa tubig pero hindi ko pinansin iyon. Kaso nagulat na lang ako ng mga humila sa paa ko pailalim na tipong gusto ako lunurin nang kung sino mang humila sa akin pero bago pa man ako maubusan ng hininga ay naramdaman ko na naman ang pamilyar na labi.

Napamulat ako ng mata at nakitang kong nakatingin sa akin ang dalawang pares ng mata ni Clark. Dahil sa hangin na binigay niya ay nagkaroon ako ng lakas para itulak siya papalayo sa akin at mabilis akong lumangoy para makaahon at makalayo sa kanya.

Ano bang problema ng lalaking iyon?! Bakit ba siya nanghahalik?! Gusto ba niya ako?

Saktong dumating si Manang Feli na kasama ang dalawang batang maids na may hawak ng pagkain.

"Ito na yong pinahanda mong pagkain, Seri." aniya at napalingon siya sa gawi ni Clark.

"Oh Clark, halika dito at kumain din."

"Sige lang po, Manang. Busog pa po ako." nakangising tugon niya habang nakatingin sa akin.

"Manang akala ko po ba ako lang ang tao dito at nasa labas yong anim? Bakit nandito ang isang 'yan?" iritang tanong ko.

"Ah, eh, akala ko din umalis siya kanina pero bumalik din pala. Clark, akala ko ba sumama ka kila August, Pablo at Eusebio sa hotel niyo?" usisa naman ni Manang.

"Nagbago po ang isip saka tinatamad akong sumama sa kanila sa club ngayon." tugon niya at kumuha ng isang hiwa ng pakwan.

"Magcluclub na naman kayo tapos uuwi na lang kinabukasan, kasama na din siguro si Fritz at Valentin?" usisa ulit ni Manang.

Kumuha na lang din ako ng pagkain ko habang nakikinig sa kanilang dalawa.

"Hindi kami sasama, Manang." biglang singit ni Fritz.

"May kailangan kaming tapusin para hotel at may pinababantayan si Calix sa amin." dagdag pa ni Valentin at nakatingin sa akin.

"Oh bro napaaga yata kayo ng uwi." komento naman ni Clark.

Napataas naman ang kaliwang kilay ko dahil sa kanila pero nagulat naman ako sa sunod-sunod na bumagkas sa tubig at lumitaw naman sila sa harapan ko.

"August, Pablo, Eusebio, akala ko ba magcluclub kayo sabi ni Clark?" usisa ni Manang.

"Cancelled po, Manang." ani August.

"Alam mo naman Manang, habulin kami ng mga babae baka mamaya di na naman nila kami pauwiin." singit ni Pablo.

"Saka Manang, hindi kami pwedeng umalis ngayon at kakausapin kaming lahat ni Calix mamaya." dagdag naman ni Eusebio.

Tumayo na lang ako at kinuha ang sarong saka isinuot ito pabalik.

"Ah, Manang, balik na po ako sa kwarto ko at sinabi pala ni Raffy na tatawag siya ngayon." paalam ko saka dinala ang isang bowl ng fruits at naglakad paalis roon.

Teka, sino ba si Raffy? Hahaha mga palusot mo Serinity, makalayas lang hahahahaha abnormal ka talaga.

Two hours later...
Matapos kong maligo ay nagpalit lang ako ng mint green na off-shoulder cropped top at puting high-waisted shorts. Double dutch braid for my hair and bare face. Hindi ako mahilig sa make up ih.

Narinig ko na lang ang tatlo katok sa pinto ko.

"SANDALI LANG!" sigaw ko rito at mabilis na kinuha ang iphone ko sa ibabaw ng kama ko.

"Eusebio, ikaw pala? Anong kailangan mo?" bungad ko.

"Pinapasundo ka lang." aniya.

"Nino?"

"Basta, sumama ka na lang sa akin."

"Saan?"

"Conference Room."

"Bakit naman?"

"Calix."

Tumango ako at sumunod sa kanya sa paglalakad.

[Conference Room]
Napansin ko na nandoon silang lahat na barkada ni Calix. Napatingin silang lahat sa pagpasok namin. Pinaupo ako ni Eusebio sa gitnang upuan.

[Pablo, August, Clark, Me, Eusebio, Fritz, at Valentin]

Napalingon kaming lahat sa malaking monitor kung saan lumabas ang mukha ni Calix.

"Calix? Anong meron?" bungad ko sa kanya.

"Seri, mag-ingat ka lagi."

"Yeah, thanks for the concern Cal."

"Bakit mo ba kami pinatawag dito, bro?" ani Pablo.

"Like what I said to all of you, my niece Serinity, she was chasing by someone because she is only the witness of her family's death. They wanted to kill her, that's why she was staying with you. Can I count you all to protect her until I found out the suspect?"

Tumango naman silang lahat.

"Seri, huwag kang aalis na walang kasama, okay?"

Tumango naman ako.

"Calix kailan ba ang balik mo?" tanong ni Eusebio.

"Oo nga bro, may kailangan din tayong pag-usapan privately about sa hotel natin at other matters." singit pa ni Valentin.

"Next month pa bro pero depende pa din sa kung anong magiging outcome ng business trip ko dito."

"Nga pala Calix, may bago tayong hardinero, mukha namang okay siya kaya tinanggap ko na." ani August.

"Sige, basta kayo munang bahala sa hotel at kay Serinity. At ikaw Seri, mag-iingat ka palagi at huwag kang nag-iisa baka umaaligid lang sa paligid ang humahabol sa'yo."

"Copy that master!" seryosong sambit nila kay Calix.

"At isang paalala, bantayan ang dapat bantayan, iwasan ang dapat iwasan. I'll call you later, Seri. Have a nice day! See you soon! Bye!"

At para saan naman kaya iyong ipinaalala niya sa amin? Ang weird niya talaga. Pero who cares! Bahala siya dyan! Safe and sound naman ako rito ih hehehehe!

"Seri, anong paborito mong ulam?" pagtatanong ni Eusebio.

"Bakit?" simpleng tugon ko.

"Ako ang magluluto ng dinner natin ngayon." aniya.

"Adobong sitaw?" patanong kong tugon.

Ngumiti siyang tumango sa akin.

To be continue...

KISSING MONSTERWhere stories live. Discover now