Pagkatapos ng discussion sa araw na to pumunta na kami ni Valerie sa canteen para kumain ng lunch. It's a peaceful friday. Bukas wala na namang pasok.
Busy rin ang mga teachers ngayon pati ang Supreme Student Government o mas kilalang SSG. Malapit na kasi ang foundation day. Nakalipas ang dalawang buwan, hindi ko na nakita si mang aagaw ng notebook. Di ko rin alam kong dito ba siya nag-aaral.
"Ay oo nga pala dd" tawag sa akin ni Valerie.
"Oh?"
"Sasabay sa atin ngayon sila Joshua."
"Ah.. akala ko- - Oy! Bakit sasabay sa atin ang mga grade six? ba't - anong meron? Huh?" Lito kong tanong.
"Easy... Eh sasabay raw sila eh, hayaan mo na" wika niya.
"Ikaw maharot ka talaga eh noh?" Ngumisi lamang siya sa akin.
Ano bang meron sa kanila ni joshua? Magdadalawang linggo na silang nagsasabay. Wala naman kaso sa akin, kaya lang nakakalito at saka bata pa kami di pa pwede iyang ganyan.
"Hoy babae ka! kahit pinsan kita hindi ko ku-kunsintihin ang mga pinaggagawa mo."
"Ano ka ba dd wala lang ito ano. At hindi pa ako mag jojowa kong yan ang iniisip mo" aniya.
"Buti ng magkaintindihan tayo. Nako, nako baka lang kasi nakalimutan mong grade four pa tayo" paalala ko sa kanya.
"Oh ayan na pala sila" nguso niya sa likuran ko. Paglingon ko nakita ko na nga sila. Si Kuya Joshua kasama ang tropa niya na sina Kuya Mark, Ian, at Benj. Kaya lang may isang tao na naka agaw ng atensyon ko. Isang asungot na nakahalo sa grupo nila.
"Hi Valerie! Hi Daserie!" Bati sa amin ni Ian. Sa kanilang mag babarkada si Ian ang maloko.
"Hello upo na kayo mga Kuya" aya sa kanila ni Valerie, emphasizing the word 'KUYA'. Sila kase ang nagsisilbing mga big brothers namin. Kaya close kami sa kanila. Aside sa matagal ng crush ni Valerie si Joshua matagal na din namin silang kilala.
"Ay siya nga pala DD kilala na siya ni Valerie kaya sayo ko nalang ipakilala, kaibigan namin si Prince bago lang siya dito sa atin." Pakilala ni Benj sa lalaking kasama nila.
Gusto niyong malaman kung sino? Edi yung lalaking nang agaw ng notebook sa mall.
"Nakita ko na siya dati sa mall pero ngayon ko lang nalaman pangalan niya"sabi ko kay Kuya Benj "at saka paki ko kung bago lang siya dito" pagtataray ko.
"Ano ka ba DD bat ang taray mo sa kanya" tanong ni Valerie sa akin.
"Siya yung kinukwento ko sayong nang agaw ng notebook nong bumili kami ni Mama ng gamit" napatango lang siya sa sinabi ko.
Habang kumakain kami nagkwekwentuhan naman sila, ako naman tahimik lang na kumakain. Kahit bata pa kami alam ko na ang mga bagay bagay. Pinagsasabihan na kami nila mama at tita habang maaga pa. Minulat na nila kami sa murang edad sa lahat ng nangyayari sa paligid.
Hindi lingid sa aking kaalaman na tinitigan ako ni Prince. Nasa kaharap ko kasing upuan siya umupo. Ayaw ko rin mag angat ng tingin dahil nahihiya ako sa pagtataray ko kanina.
Pagkatapos kumain ay nagsitayuan na kami para bumalik sa aming kanya-kanyang classroom.
"Sabay tayo sa foundation day ha!" Mark.
"Oo ba! Saan tayo magkikita kita?"tanong ko sa kanila.
"Dito nalang sa classroom niyo kami nalang ang pupunta dito para hindi na kayo mahirapan" napatango nalang kami ni Val bilang sang ayon sa desisyon ni Kuya Josh.
"Sige, next week na rin yon so whole week tayong magkakasama?" Tanong ni Val.
"Ganun na nga. Wala naman din tayong klase non." Ani ni Benj.
Pansin ko lang ang tahimik ni Prince. Makikita mo sa kanyang snabero siya. Ang cold niyang tignan. Parang isang salita mo lang sa kanya baka sisinghalan kana. Hindi sa natatakot ako, never noh. Pero ang cold niya talaga.
Hindi ko alam kong bakit pero naiinis talaga ako sa kanya. Kahit wala siyang ginagawa sa akin, kumukulo na ang dugo ko.
"Sige pasok na kayo at aalis na rin kami baka ma late pa kami, terror yong subject teacher namin ngayon" wika ni Mark kaya natawa kaming lahat.
"Sige bye!"sabay naming paalam ni Val. Kumaway lang sila at naglakad na paalis. Hindi man lang nagpaalam yung isa, kahit naiinis ako sa kanya hindi ko naman maiwasang malungkot dahil sa ginawa niya.
'Nako Daserie umayos ka nga diyan' suway ko sa sarili.
"Val maaga akong uuwi ngayon. May gagawin ka pa ba?"
"Oh! wala na sasabay na ako sayo"aniya.
"Hindi ba kayo mag sasabay ni Kuya Josh?" Tudyo ko. Umiling lamang siya at binalewala ang pag tutudyo ko.
Tumango lang ako saka tumingin sa harap at nakinig.
Ilang sandali tumunog na ang bell hudyat ng katapusan ng klase sa araw na ito. Nagsitayuan na ang lahat pagkalabas ng huling guro namin at nag siayos na ng gamit bago lumabas ng classroom.
Pagkalabas namin ni Val ng classroom, agad na kaming naglakad palabas ng gate para umuwi. Hindi na namin hinintay sila Josh dahil mamaya pa sila mas ma uuna lang kami sa kanila ng uwi.
~Imnotyours_48~
BINABASA MO ANG
Prince Jasper Silvestri
RomanceKuya Series #1 Completed Karamihan sa atin kahit sa murang edad ay nagkaroon na ng crush. Matanda man o bata. Artista man o hindi. Kaklase o kaibigan. Hindi maiiwasang humanga sa opposite sex o pwede rin sa kauri. Katulad nalang ni Deila Daserie a...