Prince 13

63 5 0
                                    

When they say business meetings over lunch, I didn't expect it to be like this.

Napabuga na lang ako ng hangin sa inis na nararamdaman sa mga oras na ito.

"So this is what you called meeting?" Sarkastiko kong tanong na nakatingin kay Emett.

"Yes Sweetheart, ganito kami nagbi-business meeting lalo na pag sila ang ka meeting ko." Sagot nito na tumatawa dahil sa kwento ni Ian na hindi ko naman maintindihan kung ano.

"You jerks!" Singhal ko sa sobrang inis. Napatigil naman sila sa pagku-kwentuhan at nakatanga sa akin dahil sa aking pag singhal. "I'm outta here, you guys are impossible!"

Napabalik naman ako sa pag-upo ng hatakin ako pabalik ni Emett at Iñigo. Masama ko silang tinignan, mabilis naman nila akong binitawan at itinaas lang ang mga kamay sa pagsuko.

"What's your problem Daserie?" Tanong ni Ian.

I rolled my eyes in annoyance "you guys are my problem." Binalingan ko naman si Emett na nagta takang nakatingin sa akin. "Ikaw naman" turo ko sa kanya "bakit mo pa ako sinama dito? Alam mo bang marami pa akong trabaho na hindi pa natatapos?"

"Sweetheart, I'm the boss so it's okay if you'll stop for a while."nakangiting sabi nito sa akin.

Inirapan ko naman siya. "Boss, baka nakakalimutan mo may pina patapos ka sa akin ngayong araw dahil kailangan sa meeting mo bukas ng umaga."

"Shit! I remember." Napatapik ito sa noo ng maalala "Don't worry babalik din tayo pagkatapos dito."

"Bahala ka." Inis kong sabi.

Nagpatuloy naman sila sa pagkwentuhan. Akala ko ba meeting tungkol sa commercial land na kailangan niya para sa patatayuan niya ng mall? Ang lalaking ito talaga!

Isa-isa kong tinitigan ang mga kalalakihang kasama sa lamesa. Walang tulak kabigin ang mga lalaking ito. Every woman out there will surely spread their legs without inhibitions. Pero kilala ko ang mga lalaking ito, sa dinami-dami ng babaeng kanilang sinaktan at pina-iyak may mga hinihintay itong bumalik. Hindi lang halata.

Si Mark kahit bad boy look iyan, hinihintay niyan yung babaeng kapitbahay nila noon na nawala nalang bigla, na siya ring nagpatino dito. Iyang si Ian? Hinahabol-habol pa ang 'the one' kuno niya. Si Benjamin naman ay hindi pa nata tagpuan ang babaeng nawala na lang daw ng parang bula, kung siya ang tatanungin. Iyang si Joshua naman? Di ko alam. Kong may babae na ba siyang iniibig? O wala. Malihim kasi ang isang iyan. Naiyak nga si Val dahil sa kanya. Wala naman akong magawa, naiipit ako, kaibigan o pinsan?

Pati naman iyang si Emett may hinihintay. And Iñigo? Well Iñigo didn't find his match yet. But I feel it will be soon. And then my eyes landed at the guy next to Joshua.

The guy who came back, for how many years he was gone. Prince Jasper Silvestri. Who matured through the years. His coffee like eyes that I love to look at back then, his thick eyebrows, long thick eyelashes, pointed nose, pink kissable lips. Strong jaw, broad shoulders and I believe he has more defined body muscles. Nahuli ko siyang nakatitig sa akin na para bang nababasa niya ang mga iniisip ko. Kahit gusto ko ng umiwas ng tingin ay hindi ko ginawa, my insides were shaking but I manage to hide that at the outside. Lumaban ako ng titigan. I want him to know that I've move on. Na hindi na ako marupok. At hinding-hindi na ako magiging marupok. ulit.

Dahilan sa karupukan ko sa kanya noon, saan ako napadpad? Ayon lagapak sa pagkahulog dahil hindi niya sinalo.

Buti na lang kinalabit ako ni Ian na hindi ko namalayan na napunta na sa aking likuran. Kaya naputol ang titigan contest namin ng palihim.

"Daserie date tayo?" Sabi nito na naka ngisi.

Tinaasan ko naman siya ng kilay at taas noong tinitigan sa mata. "Saan? Gastos mo ba lahat? Sa beach house mo ba na naman tayo? Tulad ng dati?"

Palagi naman kaming nagdi-date. It's just a friendly bro kind of date. Walang malice at alam ng lahat iyon. Except lang kay Emett, Iñigo, and of course Prince na nakasalubong na ang dalawang kilay ngayon at madilim ang bakas ng mukha. Anong problema naman ng isang ito?

"Oo dating gawi." ani ni Ian.

Tumango-tango naman ako. Alam ko kase kapag ganito siya nagyayaya may problema siyang kinakaharap at kailangan niya ang tulong ko.

"Sige just call or text me. Sunduin mo din ako sa apartment ko." Wika ko.

"Sige." Masayang aniya. Pero alam ko sa kaloob-looban niyan ay malungkot ito at nasasaktan.

Hinalikan naman niya ako sa noo saka bumalik sa tabi ni Benj at nagsimula na naman silang magkwentuhan.

Nang may maalala ay tinanong ko sila. "Magkakilala na pala kayo?"

"Oo matagal na." Maikling sagot ni Mark.

"Weh? Teka so close kayo? As in bro close?" Naguguluhan na tanong ko.

Tumango naman silang lahat.

"We're college classmate. Sasama din sila sa palawan." Pagbibigay alam ni Benj

"You didn't tell me?" Baling ko kay Emett na kumibit balikat lang.

"I know your coming with them, so I thought it would be okay not to tell you." Emett

"Boss, you should have." Inis na wika ko.

Kinurot naman niya ang pisngi ko sa panggigigil, tinapik ko paalis ang kamay nito dahilan para mahina siyang natawa. "Wag kanang mainis sabay nalang tayong pumunta doon, sunduin kita." Anito.

Napangiti naman ako. Yes! Makakatipid na naman ako nito ng pamasahe. Masaya kong sabi sa sarili.

"Ah yes! Val will be there too." Sabi ko.

"Buti at sasama?" Ani ni Ian sabay pasaring ng tingin kay Joshua.

"Sasama naman talaga iyong si Val, nag walk-out lang iyon noong nakaraan dahil ininis mo." Natawa lang ito sa sinabi ko.

After that talk nag-umpisa na nilang pag-usapan ang lupa na kailangan ni Emett. Hindi naman nagtagal ay napagkasunduan na nila lahat.

"So goodbye guys!" Paalam ko sa kanila ng nasa labas na kami ng restaurant.

Niyakap naman ako ni Iñigo at hinalikan sa pisngi. Sanay na ako sa mga panggaganyan niya, ang sweet nga eh!

"Take care babe." Aniya. Ngumiti lang ako saka isa-isang niyakap sila Ian, except of course sa kay Prince. Haba't masasabi ko talagang makapal ang kanyang mukha kong gagaya siya sa ginawa nila.

"Call us baby okay?" Ani ni Joshua.

Baby'ng baby talaga ako ni Joshua. Spoiled ako sa kanya kung alam niyo lang, iniinggit ko nga si Val kaya ayon laging inis sa akin ang babaeng iyon.

"Noted. Bye guys see yah!" Paalam ko ulit sa kanila, pinasibat ni Emett ang sasakyan paalis.

"If looks could kill, kanina pa kami pinag lalamayan." Wika bigla ni Emett habang nakangisi.

Naguguluhan ko naman siyang tinignan "huh? Bakit naman?"

"Wala!" Anito.

Kahit nagtataka sa pinagsasabi nito ay binalewala ko nalang saka umidlip kasi mahaba-habang trabaho ang magaganap pagbalik sa opisina.

Me vs paperworks.

                 ~Imnotyours_48~

Prince Jasper SilvestriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon