Prince 6

66 6 0
                                    

Ang bilis ng panahon. Ngayon Grade 7 na ako, pati ang pinsan kong si Val. Dito din kami nag-aaral kung saan ang limang lalaki.

Parang kahapon lang ang lahat. Marami ng nangyari sa amin kasama ang limang lalaki. Masaya, magulo, basta...

"DD! Valerie!" Napabaling kami sa mahabang hallway ng makita ang lima na tinatawag kami. Patakbong sinalubong ko sila ng yakap. Nakakahiya lang dahil pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Girls we're sending daggers on our way. Selos lang sila dahil close kami sa mga lalaking pinagkakaguluhan nila.

"Yuck! You're all sweating." Inis na tinaboy ni Val si Kuya Ian na hinahabol siya ng yakap. Tumatawang tumabi naman ako kay Pj na nakangiti na sa akin ngayon.

"How's your day?" Tanong nito habang nakaakbay sa akin.

Kumibit balikat lamang ako. "The usual. Kayo? Kamusta practice niyo?"

Silang lima ay kasali sa varsity. Kaya sikat sila, captain din kasi si Kuya Joshua. Ang galing nga nila maglaro pag nanonood ako. Parang pwede na silang e sali sa PBA. Walang char dahil kaibigan ko sila. Totoo talaga.

"Ayon bogbog kami sa practice kaya pagod pagkatapos." I pout.

"Kawawa naman ang bebe ko."Hinalikan naman niya ako sa aking ulo na ikinapula ko.

As years passed by, ang relasyon namin ni Pj ay lumevel up. Ay shet!! The day after nung nakita niya na tinagusan ako nagkita kami sa parke. Doon umamin siyang may gusto siya sa akin. Ako naman speechless ako. Pero umamin na rin ako. Ayaw kong magpakipot, crush ko eh. Pero hindi pa kami. Nililigawan niya na ako simula noon, hanggang ngayon. Nagpaalam na siya kay mama nong simula ng klase. Pumayag naman si mama pero huwag daw kaming magmadali dahil ang bata pa namin. Dahan-dahan lang daw. Matagal na niya akong nililigawan. Mas mabuti lang ang panliligaw niya ngayon dahil pareho na kaming nagsasama sa iisang campus. Si papa naman ang alam niya ay kaibigan lang talaga kami. Sa aming mga kaibigan naman ay hindi sikreto ang namamagitan sa amin. Wala naman silang problema hanggat masaya daw kami. O diba? Supportive.

"Tara kain na tayo!" Aya ni Kuya Mark.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa paborito naming karinderya sa labas lamang ng campus. Suki na kami dito lalo na sila Kuya dahil madalas sila dito simula ng mag high school.

"The usual ba mga magaganda at mga pogi?" Napahagikhik nalang ako sa tawag ni Nana Sinya sa amin. Si Nana Sinya ang may ari ng karinderya na ito. Katuwang naman niya ang pamangkin na working student at nasa kolehiyo na.

"Upo Na!" Sagot ko at tumango-tango naman ang iba.

Nang makaalis si Nana para ihanda ang order namin ay nagsimula na silang mag kwentuhan sa nangyari sa kanila ngayong araw. Tawa naman ako ng tawa ng magbangayan na naman si Val at Kuya Ian. Napahalakhak naman ang katabi ko. His chuckles are music to my ears. Walang halong biro. Silang lahat simula ng mag high school ay nag mature ang pangangatawan at ang boses.

"Nako! Ikaw diyan Prince, wag kang tawa-tawa bakuran mo ng mabuti yang si DD dahil may umaaligid-aligid diyan pag wala ka." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Valerie. Bakit kailangan pa niyang e sumbong, umiiwas na nga ako.

Napatingin naman ako kay Pj at nakitang nag salubong ang makapal niyang kilay at umigting ang panga.

"Who?" Maikli lang ang sagot pero naninindig na ang aking balahibo. Hindi ako takot sa kanya, ayaw ko lang siyang maka kita ng away. Una nilang pasok bilang high school ay nagiging basagulero na ang lima kaya ng dito na din kami nag-aaral ay binabantayan ko sila lahat, lalo na itong si Prince at Kuya Mark. Takaw sa gulo.

"Wala lang yun, ano ka ba." Sabi ko. Pinanlakihan ko naman ng mata si Valerie dahil akmang magsasalita na naman siya. May plano pa atang ilaglag ako.

Matalim naman akong tinitigan ni Pj. Napalunok ako sa kaba. Ayaw niya pala yung may tinatago ako. Pahamak talaga yang bibig ni Val.

"Sino DD?" Tanong naman ni Kuya Benj. Napailing lang ako.

"Ah! Oo narinig ko din yan kela Cindy. Yong Team Captain ng soccer ata yon?" Muntik na akong mahulog sa aking kinauupuan. Shet! Isa pa itong chismoso at madaldal.

"Juros?" Joshua.

"Oo yun nga!" Kumpirma ni Ian.

Napa facepalm nalang ako sa isip. Wala na gulo na naman ito. Persistent pa naman si Juros na ligawan ako. Fuck!

"The guy who's always chatting with you?"

"That's him. Ayaw niya talagang tigilan itong pinsan kong si DD. Kahit ilang beses ko ng sinabihan na kayo, ayaw maniwala."

"Then what should we do?" Tanong ni Kuya Mark.

Mabilis naman akong lumingon sa kanya at umiling iling. "Wala kayong gagawin. Hayaan niyo na yung tao, ako na ang lalayo."

Narinig ko naman ang inis na pagbuga ng hangin ni Pj sa aking tabi.

"Pinoprotektahan mo siya?" Anito.

"Hindi. Ayaw ko lang kayong humanap ng gulo at mapaaway kong pwede namang mapigilan." Napatango lang siya at tumahimik na hanggang sa matapos kaming kumain. Napagkasunduan naman naming tumambay muna sa usual naming tambayan. Ang aga pa kase para umuwi.

"Malapit na ang pasko. Saan kayo? Kami kase sa Bicol" Benj.

"Pupunta kaming Davao. Gusto kase nila Mama na makasama sina Lolo." Sagot ni Ian.

"Kami rin sa Cebu, uuwi kase yong kapatid ni Papa at gusto mag reunion." Mark

"Kami dito lang." simpleng sagot ni Val. Wala kasing plano sina Mama na bumiyahe.

"Ako rin baka dito lang." sabi naman ni Kuya Joshua.

Napatango-tango ako at bumaling kay Pj na tahimik lang na nakatabi sa akin. "Eh ikaw ba Prince?" Ian.

"Sa states. My Great Grandfather wants us there." Nanghina naman ako sa narinig. Hindi niya kasi nasabi sa akin na aalis sila papuntang ibang bansa.

Nang naramdaman ko ang kanyang titig sa akin ay masaya ko siyang nilingon. I don't want him to know, na malungkot ako. Baka hindi siya sumama. Pabor sa akin pag ganun, pero ayaw ko namang ipagkait iyon sa kanyang lolo. Sa kanyang pamilya.

As long as kaya kong itago, gagawin ko. Magkikita pa naman kami ulit. Uuwi naman siya dito, dahil nag-aaral pa siya. Pwede naman din siyang tumawag o mag chat pag andon siya.

"You okay?" Aniya.

Tumango namang akong nakangiti sa kanya. "Oo naman. Mag ingat ka doon ha?" Sabi ko.

"Of course! Uuwi pa ako dito para mapa oo ka." Napa hagikhik nalang ako sa sagot niya.

                 ~Imnotyours_48~

Prince Jasper SilvestriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon