Prince 4

77 6 1
                                    


After that day we tried to be relax with each others presence. Hanggang sa naging close na talaga kami sa isa't-isa na ikinabigla at ikinataka nina Val at nila Kuya Ian, na tinawanan lang namin ang mga tanong tulad nalang ngayon.

"Okay na ba talaga kayo? Anong nangyari at close na kayo sa isa't-isa?" Nakakunot ang noong tanong ni Kuya Mark.

Nakisali na rin sa pagtatanong si Val na halatang naguguluhan sa nangyayari, "oo nga! nong nakaraan lang ay inis na inis pa iyang pinsan ko sayo. Nagka himala ba habang wala kami?."

Nagkibit balikat lang si PJ. He's cold and snob to everyone except me and our friends. Minsan ko na ngang tinanong sa mama niya kung saan niya pinaglihi itong si PJ at napakasungit. Oo, I already met his parents. Tuwang tuwa nga iyong mama niya dahil may babae na raw na dinala sa kanila si PJ kahit kaibigan lang. And it's kinda weird hearing it.

His mom is too jolly na minsan ay hindi ko na nasa sabayan. His father is so kind and sweet towards his mom. And kapatid niya namang babae na si Princess ay napaka mahiyaing bata. She's only 3 years old. Ang kuya niya namang si Kuya King ay napaka masayahin, at nasa 2nd year College taking up Medicine. Oh diba napaka opposite niya sa lahat.

"Matagal na yon Val. Napag usapan na namin ang tungkol doon and were cool about it. Kaya friends na kami" masayang sagot ko sa mga tanong nila ng lumingon ako sa katabi ko ay ngumiti lamang ito.

Nabigla naman kami ng biglang tumawa ng mahina si Kuya Josh. Napabaling kaming lahat sa kanya.

"You know we're too young, but I can't do anything about it. Basta ba Prince friends lang muna ngayon? Bata pa kasi tayo lalo na itong si Daserie" untag nito habang seryosong nakatitig kay PJ na malamig lang ding nakatingin sa kanya.

"I know that Josh no need to tell me" wika ng huli.

"Bakit anong problema Kuya Josh? Pj?" Singit ko sa usapan nila.

"Pj?" Ian.

"Oo Pj short for Prince Jasper. Right?"

"Wow Pj! May pa nickname kana pala." Humagikhik lang ako. Ang haba kasi ng pangalan niya tinatamad akong banggitin.

"Prince bro binabalaan ka na namin bata pa tayo." Benj

"Prinsesa ata namin itong si DD at Val kaya wag kang magkakamali." Mark

Naglalaban sila gamit ang mga mata. Ang mga ito parang ano talaga! Kahit nalilito ako may clues na akong nakukuha sa usapan nila. Kaibigan lang naman kami ah! Nilalagyan na nila ng malisya. Ang bata ko pa ano!

"Mga Kuya right here, masyado kayong seryoso tara na nga DD" hinatak na ako paalis ni Val palabas ng campus.

Kahit naguguluhan ay hindi na ako nakapag tanong dahil sa bilis ng lakad nitong si Val.

Pagpasok ko ng kwarto agad akong naglinis ng katawan saka bumaba para magsaing ng kanin. Nang luto na ito ay umakyat ako ulit ng kwarto para gawin ang assignment namin.

Makalipas ang ilang sandali ay tumunog ang cellphone kong nilagay ko sa kama. Yes kahit na sa grade 4 pa lang ako tinrain na ako nila mama na gamitin ito para makontak daw nila ako. Perks of being the only child. Pero nakakalungkot din naman na walang kapatid.

Seeing who's the sender napa iling nalang ako.

From: Cold na friend

Bakit hindi ka online?

To: Cold na friend

Gawa pa akong assignments.

Wala ba itong ginagawa at ang bilis mag reply? May mga maid naman kase. Nakapagtataka nga na kahit mayaman sila sa public school pinag-aaral si Pj. E si Kuya King ay sa private nagkolehiyo.

From: cold na friend

Wala namang pasok bukas ah?

To: cold na friend

Ginawa ko lang ng maaga para wala na akong alalahanin.

From: cold na friend

Am I disturbing you?

Napaka english spokening talaga nito pati ako napapa english nalang bigla. Tsk.

To: cold na friend

No, actually patapos na po ako kuya.

Pang iinis ko sa kanya ang tawagin siyang Kuya. I don't know what's his reason, but he doesn't like to be called kuya by me. Pag tinatanong ko naman mas lalong naiinis kaya tuma tahimik nalang ako.

Cold na friend is calling...

"Hello po kuya!" Pigil kong tawa na sagot sa tawag niya.

"You! I told you to stop calling me that, right? I said it very clearly last time" masungit na sabi niya.

"Eh bakit nga?" Pangungulit ko sa kanya.

"Just... basta! Punta tayong parke bukas" His changing the topic again. Hmp! Parang matanda na kung maka asta. Matanda na nasa batang katawan.

"Anong oras ba?" Tinarayan ko na siya agad. Ayaw pa kaseng umamin eh.

"Sunduin nalang kita"

"Sige na po KUYA at kakain na kami" pinatay ko agad ang tawag dahil alam kong maiinis na naman iyon sa pagtawag kong kuya sa kanya at hahaba na naman ang usapan dahil lang sa diniinan ko pa ang pagkabigkas. Napatawa na lang ako sa sarili.

Kumpleto kami ngayon sa hapag na kumakain. Maaga kasing naka uwi si papa at sinundo niya si mama. Ang sweet lang.

"Ma, Pa, gala po ako bukas ha? Kasama ko naman po si Prince" paalam ko sa kanila.

"O sige basta wag lalayo Daserie ha? Malalagot ka talaga sa akin" napangiwi nalang ako sa sagot ni mama.

"Daserie anak paalala ko lang na ikaw ay bata pa at ayaw kong maba balitaang nag nonobyo ka na" singit ni papa sa usapan namin ni mama. Namula naman ako sa hiya.

"Si papa talaga alam ko naman po iyon. Kaibigan-kaibigan lang po talaga ako ngayon. At saka isa si Prince sa mga Kuya na close ko ano."

"Buti ng alam mo. Prinsesa kita, at saka ka na mag nobyo pag 50 kana" natawa naman bigla si mama sa tinuran ni papa. Pati ako natawa na rin. So possessive of me, dahil nag iisang munting prinsesa lang naman nila ako.

"Ikaw talaga Anton at kung ano-ano ang sinasabi mo diyan sa anak mo" hinampas niya pa si papa sa panggigigil "wag mong pansinin iyang papa mo basta pag nasa tamang gulang ka na papayagan ka namin basta ba huwag kaligtaan ang mga responsibilidad sa buhay. Maliwanag ba anak?" Ani ni mama.

"Opo mama" ngumiti namang tumatango si mama pagtingin ko kay papa ay nakabusangot lang ito. Kaya natawa kaming dalawa ni mama.

Kahit ganito lang kami, namumuhay ng simple ay napakasaya na. Walang mas hihigit pa sa mga magulang ko. They are my precious treasure that are very irreplaceable. Kong wala sila, walang ako na mabubuo at maisilang sa mundong ito.

We should take care of our parents, because we can never find another like them in this lifetime.             

                                                               ~Imnotyours_48~

Prince Jasper SilvestriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon