Prince 17

59 5 0
                                    

Hindi na ako marupok.

Hindi na ako marupok.

Hindi na ako marupok.

Oo! Hindi na talaga ako marupok! Oh, eh hindi na!

Bwisit talagang si Emett na iyon! Kinukwestiyon ko na tuloy ang pagiging retired marupok ko dahil sa sinabi niya. May pa 'let's see' pa siyang nalalaman. Letse talaga!

Napabaling naman ako sa elevator ng bigla itong bumukas at lumabas ang isang lalaki na may dala-dalang paper bag at nakatatak ang isang pangalan ng sikat na filipino restaurant. Filipino restaurant talaga dahil lahat ng pagkain na sineserve nila ay purong filipino dish walang halong foreign dish.

"Hello po good noon!" Bati nito sa akin.

"Yes? How may I help you?" Tanong ko dito. Ngumiti naman ito sa akin. Gosh! Ang cute naman ng delivery man nila. Dahil sa pagngiti nito ay nakita ko ang dalawang dimples niya. Ang sarap lang talagang kurutin ito sa pisngi.

"Ah, ikaw po ba si Ma'am Santos? Na secretary sa kumpanyang ito?" Nahihiyang tanong naman nito sa akin. Nginitian ko kasi pabalik kaya nahiya.

Ang ganda ko talaga!

Tumango naman ako. "Oo ako nga iyon."

"Ah Ma'am ito po food delivery para sa inyo." Tinanggap ko naman ang paper bag ng pagkain "wag po kayong mag-alala bayad na po iyan." Kahit nalilito ay tumango-tango lang ako.

Umalis na din siya kaagad matapos ako kuhanan ng litrato na tinanggap ko ang paper bag. Documentation daw 'kuno' nila. Sosyal din ang restaurant na iyon.

Sinilip ko ang loob ng paper bag at naglaway naman ako sa nakita. Ang bango! Ang saraappp! Nagutom ako bigla dahil sa pagkain na binigay sa akin. Nilabas ko ang tatlong lalagyan ang isa ay kanin, ang isa naman ay adobo, at ang isa ay puto maya pang desert. Nakakita naman ako ng post in notes na nakapikit sa isa sa mga lalagyan kinuha ko ito at binasa.

'Eat your lunch. Wag magpalipas ng gutom.

Enjoy!

-P'

Napapangiti nalang ako, kahit hindi niya pa isulat ng kumpleto ang pangalan niya, kilala ko na kong sinong P ito. Syempre si Papa Piolo. Charott syempre si Prince. Shet! Hindi mapuknat ang ngiti ko sa labi kahit anong gawin kong pagpigil na huwag ngumiti.

Akala ko ba hindi na marupok?

Hindi naman talaga!

Bahala ka diyan inner self! Pasalamat nga tayo at palagi niya tayong pinapadalhan ng lunch kong hindi magpapalipas ka na naman ng gutom dahil tamad kang bumaba para bumili ng lunch.

Hala sige lang! E convince mo yang sarili mo. Defensive ang loka!

I shook my head to stop talking with myself saka sinimulan ng kainin ang ibinigay niyang pagkain. Blessing to sabi nga nila na huwag tanggihan ang grasya dahil maraming tao ang walang kinakain ngayon.

"Ready na ba ang gamit mo Val?" Tanong ko. Andito siya sa apartment ko ngayon dahil dito daw siya matutulog at sabay kami papuntang palawan. Yes! Ngayon na ang business convention daw nila. Hindi ko alam na meron pala at kasama pa si Emett ni hindi nga ako nakatanggap ng sulat o invitation para sa convention na iyan. Sekretarya pa ako sa lagay na to?

Tamad naman itong nakatingin sa akin bago tumango. "Antok pa talaga ako DD! Anong oras ba darating si Ian?" Inis na tanong nito.

"Darating na iyon maya-maya lang." saad ko. Napabuntong hininga naman ito at ipinikit ang mga mata.

Prince Jasper SilvestriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon