"Ang tagal mo naman" inis na salubong ko kay Pj sa labas ng bahay.
"Sorry naman po at natagalan ako, wala pa po kase akong sasakyang pangsundo sa iyo." His voice is full of sarcasm.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sinabi ko ba sayong sunduin ako?"
"Hindi. Sinabi ko bang nagrereklamo ako?" Aniya.
Inirapan ko siya at saka nagpatiunang naglakad. Malayo kasi ang kanila sa amin. Kong maglalakad ka matatagalan ka talaga. Kong sasakay ka ng tricycle, mag-aabang kapa sa kanto.
"Bilisan mo kaya ang paglalakad ano?"
Napapailing nalang ito sa pagtataray ko. Nawala na kase ako sa mood dahil ang tagal niyang dumating. Kanina pa ako naghihintay sa bahay umalis na nga lang si Mama para mamalengke hindi pa din siya dumarating. Ayaw ko sa lahat eh yung pinaghihintay ako.
"Dinugo ka na ba?" Tanong nito bigla. Namula naman ako sa sinabi niya. Puta tong lalaking ito oh.
"Ano ka ba! Baka may makarinig sayo. You know it's not good asking a girl like that in a public place like this." Inis kong sabi.
Nanlalaki naman ang mata ko ng paglingon ko sa kanya ay hinubad nito ang suot na itim na sweater. Natira na lang siya sa puting sando niya.
"Cover your back with this." Utos niya.
"Bakit ba?" Nalilitong sabi ko.
His face crumbled by my reply. Siya na mismo ang nagsuot sa akin nito, para ng dress sa akin ang sweater niya dahil sa laki. Hindi na kita ang puting shorts ko.
"You're bleeding..." aniya.
Napamulagat ako sa sinabi niya. "Huh?"
"Tsk. Uwi nalang tayo. Next time nalang tayo gumala. Dinudugo ka na." Sabi nito.
Namula naman ako sa hiya. Siya pa talaga ang nakakita. Kakahiya talaga. Kaya pala sumasakit na ang puson ko at may nakikita na akong spot ng dugo sa suot kong underwear. Mabilis ang bawat hakbang nito habang hawak-hawak niya ako pauwi. Buti nalang talaga at hindi pa kami gaanong nakakalayo sa bahay, kaya mabilis lang kaming nakauwi. Pumasok ako agad sa banyo at napaluha ng makita ang dami ng dugo sa panty ko.
Kumalampog ang pintuan ng banyo dahil sa pagkatok ng tao sa labas.
"Daserie hija si tita mo ito." Anito.
"Tita huhuhu." Iyak kong tawag sa kanya.
"Oh ba't umiiyak ka? Buksan mo itong pinto dali!" Utos nito. Binuksan ko naman ang pinto para makapasok siya.
"Kumatok yung kaibigan niyo sa bahay at hinahanap si Valerie ang sabi may dugo ka daw sa shorts mo patingin nga." Si Pj ata ang sinasabi niyang kaibigan namin.
"Tita kailangan ko na po bang magpa doktor?" Lumuluhang tanong ko sa kanya nagtataka naman itong tumingin sa akin.
"Bakit kailangan mo mag padoktor?" Aniya.
"Kase po dumudugo po yong vagaygay ko. May sakit po ba ako? Oh baka nasugatan po ako sa internal ko kaya ganito." Tumawa naman si Tita sa mga pinagsasabi ko. Napahinto naman ako sa pagluha ng hindi na ito magkamayaw sa pagtawa.
"Nako! Ikaw talaga Daserie ang bata mo pa talaga ano? Wala kang sakit. Nagdadalaga ka na kaya ganyan." Nakangising sabi nito.
Hay nako! Loka ka talaga Daserie! Kaya pala may dugo kase menstruation na ito.
"Eh Tita bakit ang aga ang sa akin?" Litong tanong ko. Huminto na ang aking mga luha sa pagtulo.
"Ganyan talaga yan, may iba bata palang dinadatnan na ang iba naman kahit 18 years old na saka palang dinudugo. Hala! at maglinis ka na kukuha ako ng pasador dahil unang dugo mo pa lang yan hindi magandang mag napkin ka agad. Banlawan mo ng isang beses yang panty saka ipunas sa mukha." Napangiwi naman ako sa sinabi ni Tita.
"Bakit naman po?"
"Para hindi marami ang tigyawat mo habang lumalaki." Napatango-tango nalang ako. Lumabas naman si Tita para kumuha ng pasador at ako ay nagsimulang gawin ang sinabi ni Tita.
"Nako! Ang anak ko dalaga na, pwede ng magka baby..." tumatawang sabi ni Mama. Nalukot naman ang mukha ni Papa sa narinig.
"Ano ka ba Dyla, ano - anong pinagsasabi mo diyan sa anak mo." Inis na sabi nito. Tinaasan naman siya ni Mama ng kilay. Nakadapa akong humiga sa kama dahil masakit ang puson ko. Nang dumating si Mama at Papa ay dumiretso sila sa kwarto ko.
"Totoo naman ang sinabi ko ha!" Singhal ni Mama na nag paamo kay Papa. Takot ma under da kulambo.
"Oo naman mahal alam kong totoo iyon pero bata pa iyang anak natin." Mahinang pag pupunto ni Papa.
"Anong tingin mo sa akin? Hindi alam iyon? Nagsasabi lang ako ng totoo para malaman ng anak mo."
Sumusukong tumabi naman si Papa sa kay Mama na inirapan lang siya ng huli.
"May gusto ka bang kainin anak?"
Malambing na tanong ni Mama. Umiling naman ako.
"Anak bawal ang lalaki ha! Dalaga ka na. Lumayo layo ka sa mga kalahi namin ni Adan hanggat di ko sinasabing okay na." Papa
"Opo pa, alam ko po iyon. Kaibigan lang talaga ang mga lalaki para sa akin at saka konting crush crush lang ako."
"Aba't ang batang ito.."
"Sige ituloy mo? Pati ba naman ang magkaroon ng inspirasyon ay ipinagbabawal mo?" Inis na sabi ni Mama.
Hindi naman nakasagot si Papa at tumahimik na sa tabi.
Dinalhan lang ako ni Mama ng pagkain sa kwarto dahil hindi ko pa kayang gumalaw-galaw sa sakit. Pagkatapos makakain ay iniwan na nila akong makapag-pahinga.
Ano kayang iniisip ni Pj kanina ng makita ang dugo sa shorts ko? Nailang ba siya? Kinabahan? Natakot o ano?
Nakakahiya naman talaga oh! Ba't lalaki pa ang makakita non. Napasigaw ako sa unan dahil sa nangyari kanina.
Napabaling ang atensyon ko sa cellphone ng nag vibrate ito.
From: cold na friend
Can I call?
Hindi pa ako nakapag reply ay tumunog na ang phone ko sa tawag niya.
"Hello?"
[How are you? Do you need anything? Like cravings? Oh may masakit ba sayo?] Sunod sunod na tanong nito.
Natawa naman ako sa inakto niya.
"Okay lang ako. No cravings yet, pero masakit lang ang puson ko." Totoo naman ang sinabi ko.
[Okay I'll ask mommy kong anong gamot diyan sa sakit ng puson.]
How thoughtful and sweet of him. Sa ganitong gesture ni Pj ay napapangiti na ako. Yes his cold and snob, pero he's caring deep inside. Kaya crush ko ang isang ito eh!
Yes I like Prince. As in like na like. Tama si Val naiinis ako sa kanya dahil crush ko siya at ang snob niya. In denial pa ako noong una pero sa dahil palagi na kaming nagsasama ay nalaman ko ang totoo. His curly hair, sharp pointed noise, pink kissable lips, and strong jaw. His features are showing kahit sa murang edad. Ang mature na niyang tignan.
[Hello D? Are you still there?] Aniya.
"Yes, I'm still here pero inaantok na ako Pj." Sabi ko habang luma langhab.
[Okay you rest. You end the call, goodnight.]
"Goodnight."
~Imnotyours_48~
BINABASA MO ANG
Prince Jasper Silvestri
RomanceKuya Series #1 Completed Karamihan sa atin kahit sa murang edad ay nagkaroon na ng crush. Matanda man o bata. Artista man o hindi. Kaklase o kaibigan. Hindi maiiwasang humanga sa opposite sex o pwede rin sa kauri. Katulad nalang ni Deila Daserie a...