Prince 30

47 4 0
                                    

"You don't have work today right?" Bungad na tanong ni Prince pagkalabas ko ng kwarto. He's topless, tanging boxer short lang ang kanyang suot tapos ang black ko na apron. Nagluluto kasi siya ng breakfast namin.

Mabuti pa siya ang lakas pa din, parang walang naganap na bakbakan kagabi kong kumilos ito. Eh, ako parang dinaganan ng malaking truck ang buong katawan ko sa pagod.

He turned my way after putting the cooked bacon, egg, and hotdog to a plate and placing it at the table.

Umiling ako, umupo sa hinila niyang upuan, pinagsandok naman niya ako ng fried rice sa pinggan.

"So? Do you have plans for today?" Tanong niya ulit.

I nod my head. Naalala ko na nagtext pala si Emett at sabi na he will let us meet na, his fiancee and her fiance's friend at Iñigo Restaurant.

"I'll be meeting Emett with her fiancee and the fiance's friend at Iñigo's restau." Sabi ko bago sumubo. Napa 'hmmm' naman ako sa sarap ng pagkain.

Ngumiti at umiling lamang ito bago sumubo ng kanya. Tahimik lamang ako habang kumakain at ganun din siya. I gotta feeling na gusto niyang sumama pero ayaw magsabi baka humindi ako.

"Why? Do you want to come with me?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, can I?" He asked expectantly.

Tumango ako. "Don't you have work?"

Uminom ako ng tubig at nag sandok ulit ng fried rice. Sa masarap kase eh!

Umiling siya sa akin, sumandig sa kanyang upuan at tinitigan ako. Nailang naman ako kase nakatingin siya habang kumakain pa ako. Eh! Nahihiya akong sumubo ng malaki, para lang yan kung nandiyan ang crush mo so dapat pabebe ka lang kumain para hindi ma turn off yung crush mo, ganun ang nafefeel ko ngayon.

"Stop looking, please." I plead. Ngumisi siya ng nakakaloko.

"You're that hungry huh? Napagod ba kita ng husto?" He grinned boyishly.

Umirap ako. "Malamang Prince Jasper! Hindi mo ako pinatulog kagabi." I chided.

Ang loko mas lalong ngumisi. Antok na ako kagabi hala siya sige pa rin ng sige. Ako naman si marupok hala go din ng go kahit inaantok na.

Gaga ka pala!

Eh se mesherep eh!

Ay landi!

Bumungisngis lang ako sa naisip.

"You'll take a bath first, ako na dito." Aniya. Umiling ako, hindi.

"No, ako dapat ang maglilinis pagkatapos kumain kasi ikaw na ang nagluto ng agahan. Mahiya naman ako." Tututol pa sana siya pero pinanlakihan ko na siya ng mga mata. "Sige na ikaw na ang maunang maligo, do you have extra clothes with you?"

Tumango siya. "Nagpadala ako sa sekretarya ko habang tulog ka pa." Tumayo na ito at hinalikan ako sa noo at dumiretso sa aking kwarto para maligo.

Parang nagbahay-bahayan lang kami nito. Dito na siya tuwing gabi natutulog, ayaw umuwi sa kanila parang tanga. He let me choose, payagan ko siyang dito matulog sa akin tuwing gabi, o ako ipapa tulog niya sa condo niya kasama siya. I chose the first one pero mas better yung huli pero hehehe ang landi ko.

Niligpit ko ang aming mga pinggan at hinugasan lahat ng pinag gamitan niya sa pagluluto. Pinunasan ko ang lamesa at nagwalis na din ako ng sahig. Pagpasok ko ng kwarto ay nagbibihis na ng damit si Prince. I look at the other direction and get my towel saka deritsong pumasok ng CR. Mas mabuti yung hindi pinapansin si Prince pag ganun ang ginagawa niya baka mas lalo akong maging makasalanan dahil sa kanya.

Prince Jasper SilvestriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon