What should I do? Hindi niya naman kasalanan na may nangyari sa amin dahil kusa akong bumukaka. Hindi din ako lasing, oh my gosh!
Sigurado akong gising na iyon ngayon. At hinahanap ako. Bakit ba kasi naging marupok ka Daserie! Isang haplos niya lang nabaliw ka na, isang halik niya lang naging bumigay ka na! Pa'no na yan ngayon. Mas lalo yung maghahabol sayo dahil nakuha ka na niya? O baka titigilan na niya ako.
Pero bakit feeling ko mabigat ang aking dibdib? Kumirot ang aking puso sa sakit sa kaisipang iyon?
"Ano ba kasi ang nangyari Daserie?" Tanong ng isang boses sa likuran ko. Nakalimutan ko saglit na nandito pala sa villa kasama ko si Val. Pagdating ko kanina nandito na siya, hinihintay pala ako dahil nag-aalala siya ng kaladkarin ako paalis kanina ni Prince. Oh my Prince!
"Val!!" Lumuhod ako sa harapan ni Val. Napaigik naman ako dahil sa kakagalaw sumasakit lalo ang parte sa gitna ng aking hita.
"Ano ba! Nag-aalala na ako. Sumagot ka nga ng maayos." Inis na sabi nito. Tumayo ako at lumayo sa kanya bago umamin.
"Val insan, wala na."
"Huh?" Ay ano ba yan!
"Punit na hymen ko." Mahinang sambit ko sa takot sa kanya.
Namayani ang ilang minutong katahimikan. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Lumingon ako ng bahagya sa kanya para silipin kung anong nangyayari at bakit wala akong narinig na reaksyon mula dito.
Tulala lang itong nakatingin sa kawalan. "Val?" Tawag ko sa pansin niya. Lumingon naman siya ng dahan dahan at malungkot akong tinitigan. Kumunot naman ang aking nuo. What? Walang violent reaction?
"Hindi ako galit." Malamyang sabi nito na mas lalong ikina pagtaka ko. Lumapit ako at umupo sa tabi nito sa kama.
"Bakit? I'm expecting a sabunot or hindi kaya kurot at sigaw mula sayo."
Umiling ito "hindi ko magagawa yan sayo ngayon dahil..." tinaasan ko siya ng kilay. Napalunok naman ito at iniwas ang tingin sa akin "dahil pareho tayo."
"Ah! Akala ko- -" marahas akong bumaling sa kanya ulit "ANO!" Malakas na sigaw ko.
Napatakip naman ito ng tenga kaya natauhan ako. "Oh! Ikaw na ang nag violent reaction. Ang OA mo parehas lang tayo wag kang ano diyan!" Inis niya akong kinurot sa tagiliran kaya masama ko siyang tinitigan.
"Kailan pa?" Naguguluhan na tanong ko.
She's fidgeting while sitting awkwardly beside me. "Noong sa beach house nina Ian..." amin nito bago nagbaba ng tingin.
"Kay Joshua?" Hula ko. Sa sinabi palang niyang beach house nina Ian, unang pumasok na lalake sa isipan ko ay si Joshua. Imposible namang si Ian? Si Benj? O si Mark? At mas lalong-lalo na si Prince.
She nod her head then bit her lower lip. I shook my head in disbelief. Nakonsensya pa ako dahil binigay ko ang pagkababae ko na hindi pa kasal. Nangako kasi kami sa isa't isa na sa lalaking papakasalan lang namin iyon ibibigay, pero wala na. I cannot undo the things that are already done. Ang mas mabuting gawin, ay tanggapin nalang ito.
"Ikaw? Bumigay ka kaagad. Akala ko ba hindi ka na marupok?" Nahihiya naman akong ngumisi sa kanya.
"Akala ko din eh." Nagkatitigan kami, mata sa mata at napabunghalit na lang ng tawa.
"So walang galit dahil sa napakong pangako, okay?" Natatawang ani nito. Tumango naman ako habang napabungisngis. Times like this with Val is so relaxing and full of giddiness.
"Paano si Micheal?" Tanong ko ng maalala ang manliligaw nito.
"Binasted ko na siya pagkatapos ng nangyari sa amin ni..." tumango ako.
BINABASA MO ANG
Prince Jasper Silvestri
RomanceKuya Series #1 Completed Karamihan sa atin kahit sa murang edad ay nagkaroon na ng crush. Matanda man o bata. Artista man o hindi. Kaklase o kaibigan. Hindi maiiwasang humanga sa opposite sex o pwede rin sa kauri. Katulad nalang ni Deila Daserie a...