Prince 32

43 4 0
                                    

"Tell Anjiela, that I'm sorry tungkol sa nangyari kahapon. Nasira pa tuloy ang bonding sana namin. Tell her I'll just give her a ring. Bye." Paalam ko kay Emett.

Diretso naman kami palabas ni Prince sa Restaurant na nilabasan. Napahaba ang kwentuhan naming tatlo kaya hindi namin namalayan ang oras. We are about to head at Prince parents house to meet them again. Excited nga masyado si Tita at tinawagan pa talaga ako kagabi nong nagkabati kami ni Prince.

"Watch your steps honey, ayaw kong matapilok ka." Paalala niya sa akin. Naka 3 inch heels kasi ako ngayon at black bodycon dress. Kahit naka heels na ako, hanggang leeg pa din niya ako.

"Wait lang naiihi ako. Balik lang ako sa loob."

"Samahan na kita." Umiling naman ako. Wala na siyang nagawa ng mabilis akong naglakad pabalik sa loob.

"Hay salamat!" Sabi ko ng mailabas ang ihi na pinipigilan ko kanina pa pero nawala at bumalik ngayon. Nang matapos ay naghugas ako ng kamay sa sink at lumabas ng ladies comfort room. Dahil glass door at glass wall ang Restaurant kita ko sa labas kong sinong babae ang namimilit kay Prince.

Kita ko ang todo pag-iwas ni Prince sa kanyang mapangahas na mga kamay. This Joana girl is persistent.

Lumabas ako at naglakad palapit ng walang ingay. Nang makita ako ni Joana ay nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

She grab Prince neck and kiss him full on the lips. Naestatwa ako sa kinatatayuan. Mabilis naman siyang tinulak ni Prince. Dahil sa lakas ng tulak muntik na siyang mapaupo sa sahig. She balance herself by the help of the parked car at her back.

"What the fuck! Joana! Why did you do that!" Malakas ang boses na tanong dito ni Prince.

Nasa likod lang ako nakikinig. I didn't let Prince know my presence, yet. Gusto kong marinig ang mga sasabihin niya at makita ang gagawin niya.

"I said I love you! Please be mine. Prince akin ka nalang please. I can take care of you, I can love you the way she can." Desperadang sabi ni Joana. Napahigpit ang hawak ko sa pouch na dala.

"Just like what I said before Joana, stop your bullshit attacks on me. I don't love you, and I never will, I never did. You know who I loved. Alam mong mahal na mahal ko si Daserie..."

"No... please, choose me." Pa histeryang sigaw nito. Napailing nalang ako. I pity her. So much.

"I'm sorry. Sa simula palang walang pilian na naganap dahil matagal na akong tali sa babaeng mahal ko." Sumusukong sabi ni Prince.

And it's my cue to insert ng subukin na namang halikan ni Joana si Prince.

Tinulak ko siya at sinampal ng pagka lakas-lakas sa pisngi.

"Don't be a desperate bitch. Maganda ka sana pero maninira ka ng relasyon. Prince said it loud and clear. He only loved me, hindi ikaw so stay away from us. Dahil bubuo na kami ng pamilya. Be a decent woman and stop chasing a man that owned by someone. And Prince is already owned by me. So back off." Kinaladkad ko na si Prince pasakay sa kanyang porsche

Hindi naman niya ako binigo at pinasibad ang sasakyan paalis sa lugar na iyon kung saan umiiyak pa din si Joana.

"I'm sorry about that honey. I promise I tried pushing her away." Tinigil niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan at pumupungay ang mga matang tumingin sa akin nakahawak sa aking dalawang kamay ang kanyang mga kamay.

Hinigit ko ang aking kanang kamay at pinunasan ang kanyang labi gamit ang aking mga daliri.

"Ako lang..." hinalikan ko siya sa labi. "Ang dapat na humalik sa mga labing iyan." Tumango siya kaya hinalikan ko ito ulit. I want to erase Joana's kiss and replace it by mine.

Prince Jasper SilvestriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon