"Oh? Ba't busangot ka diyan? Ke pasko-pasko parang biyernes santo yang mukha mo." Sabi ni Valerie na katabi ko ngayon.
Andito na kami sa bahay ng Tita ko para sa pagsalubong ng pasko. Tapos na kaming magsimba, naghahanda na lang sila Mama sa hapag. Our relatives our also here, nagmumukha ng reunion.
"Hindi pa ba tumatawag?" Tanong nito. Kanina pa kase ako tahimik at nagmumukmok sa gilid niya habang nagkukwento yung pinsan namin. Hindi naman ako nakikinig, aside sa wala ako sa mood, hindi din ako interesado dahil puro kahanginan sa sarili lang naman ang kwento niya. Nakakainis.
Umiling naman ako para sagutin si Valerie dahil alam kong kanina pa ito nag-aalala sa akin. Sa lahat ng pinsan ko, si Val ang aking close. "Kinontak niya ako noon lang pagdating nila doon." Malungkot na amin ko.
"Tsk. Hayaan mo na tatawagan ka niyan mamaya, kong hindi e ikaw na tumawag. May internet naman dito." Tumango nalang ako dahil ayaw ko talagang magkwento. Nakakalungkot, nakakainis, nakakatampo, pero wala akong magawa nasa malayo siya ngayon eh.
"Sa kwarto lang ako." Paalam ko sa kanya. Dito kasi kami matutulog, kasama ko naman si Val sa kwarto.
Tumango ito saka ngumiti ng pag-unawa sa akin. "Susunod nalang ako, da dalhan kita doon ng pagkain. Ako na ang bahala kina Tita." Nagpasalamat naman ako bago umakyat sa ikatlong palapag ng bahay. Doon kasi ang kwarto namin.
Nakasalampak ako ng higa sa kama at ipinikit ang mga mata. Busy ba siya? Nakakain na kaya yun? Oh baka nakatulog lang kaya hanggang ngayon wala paring paramdam? Ang lupet naman niyang matulog DD. Noon pang 22 sila umalis 24 na ngayon hindi pa rin siya gising?
Tawagan ko na kaya? At batiin ng Merry Christmas? 12 midnight na. Dali-dali kung kinuha ang aking phone sa ibabaw ng kabinet at umupo sa sahig. Buti nalang at online siya kaya madali lang na makontak . Online naman pala pero hindi man lang gumalaw para makontak ako, baka nakakalimutan niyang may naghihintay sa kanya dito sa pinas. Nakakabanas talaga!
Natataranta na ako. Hindi ako mapakali sa kaba. Miss na miss ko na siya. Grabi siya magpa miss ha! Ang lupet talaga. Habang naghihintay na sagutin niya ang pakikipag video call ko, nagsend muna ako kila Kuya ng Merry Christmas sa gc namin. Nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag ko ay walang tao. Nagtataka naman ako ng walang taong bumungad sa akin.
"Pj?" Tawag ko. Wala pa din ni anino niya. "Prince?" Mukhang umalis muna. When I was about to end the call, a girl my age appear at the screen.
"Ah hello!" Bati nito. Napangiti naman ako. Baka isa ito sa pinsan niya sa states.
"Hi! Ahm... may I know where Prince is?" Masayang tanong ko. Dapat good shot ako sa pinsan niya.
"Ah sorry Prince left his phone here. Umalis muna siya." Marunong naman pala itong mag tagalog. Pinapahirapan pa akong mag english, nakaka dugo sa ilong.
"Who are you? Pinsan niya?" Tanong ko. Nabigla naman ako ng tumawa ito. Ang ganda nya naman. Walang mintis walang kulang.
Umiling-iling siya at pinahiran ang luha dahil sa tawa. "Do I look like one?" Balik tanong nito habang nagpipigil ng tawa. Napangiti naman ako ng hilaw dahil doon. Eh sino pala itong babaeng ito?
"No I'm not one of his cousins. By the way I'm Joana, his fiance." Anito.
Parang may nabasag na bagay sa loob ko ng marinig ang sinabi niya. Huh? Ang bata pa nila para magkaroon ng fiance ah? Gino-good time ata ako ng babaeng ito. Hindi magandang biro yun. Naiiyak na ako.
Pina tatag ko ang sarili at mapaklang natawa. "Girl, you are too young to be engage." Nawala naman ang ngisi niya sa labi at poker face na ang mukha ng nakatingin sa akin.
"Don't you know that in our world, marriage for convenience exist?" Tumaas ang kilay nito, "at teka sino ka ba? Bakit ka tumatawag sa fiance ko?"mataray na sabi nito na pinag diinan pa talaga ang salitang 'fiance'.
Hindi ko na siya sinagot at pinatay ang tawag. Is this a kind of joke? If it is, then it's not funny. It fucking hurts. Pinaglalaruan niya ba ako? Pinaasa?
Nakatulala lang akong nakatingin sa kawalan ng bumukas ang pintuan at pumasok si Val na may dalang plato. Nag-aalalang tumakbo naman siya papunta sa akin at lumuhod.
"What happen? Bakit ka umiiyak?" Valerie.
Tama nga si Val, umiiyak ako. Hindi ko namalayang pumapatak na pala ang mga luha ko sa pisngi. Napa buhos na ang masagana kong luha dahil sa bumalik sa aking isip ang nangyari kanina.
"Oh! DD!" Niyakap niya ako at inalo. I cried harder is her arms. Wala akong ibang matatakbuhan kong hindi siya lang. My heart. It hurts so much like someone had run onto it.
Umiyak lang ako ng umiyak. My young heart just broke. It just broke.
Ng tumahan na ako ng kaunti ay bumitaw ako sa yakap, kaagad naman akong pina-inom ni Val ng tubig.
"Sa-salamat." matamlay na sabi ko.
"Can you tell me now?" Mahinang sabi nito.
"Val..." another fresh tear rolled down. "He... he has,.... he has a fi-fiance." Kahit hirap akong sabihin iyon, nakuha naman ni Val. Bumuhos na naman ang aking luha. Unli ata ang mga luha ko dahil hindi mapigilan sa pagtulo.
"Fuck!" Malutong na mura nito. Kita na ang inis at galit sa kanyang maamong mukha. "That jerk! Tangina! Dahan na DD. You don't need to cry to a jerk like him." Galit na sabi nito.
Umiling naman ako. "I can't stop it Val. I love him. I know it's too early to say this, but I am. It hurts Val. My heart Fucking hurt so much." Umiiyak na sabi ko.
"Damn. I want this pain to stop." Pinokpok ko ang aking dibdib kong saan banda ang aking puso. I just heard it crushed. "Please I just want this to stop."
Umiiyak na din si Val na nakatingin sa akin. "Oh my gosh! DD I'm here, don't worry hindi kita iiwan." Mahigpit kaming nag yakapan. I cried to sleep that night. Hanggang sa lumipas ang isang buwan. Hindi na siya umuwi. Naghintay ako kahit masakit. Naghintay ako na mag pakita siya oh kahit tumawag man lang para magpaliwanag. At sabihing hindi iyon totoo. Pero wala. Hanggang sa magbakasyon nalang wala siyang paramdam.
Noong malaman nila Kuya Josh ang nangyari ay galit na galit ito kay Prince. Pati si Val galit na galit. Silang lahat. Binlock nila si Prince sa lahat ng social media pati sa contacts. Pati social media ko at number niya sa phone ko bi-nlock nila. Walang pinalampas. Pati pictures namin dinelete nila. Walang iniwan na bakas niya, ng bakas ng pagsasama namin. Hindi ko naman mapigilan. Wala akong lakas. Pati si Mama nag-aalala na sa akin. Kahit mahirap, pina pasigla ko ang sarili pagkaharap sila. Sinabihan ko din ang mga kaibigan ko at si Val na huwag sabihin kila Mama at Papa ang nangyari. Kahit sinaktan niya ako, still I don't want my parents to hate him.
Kahit mahirap, I need to let go. I need to forget him. I need to move on. Tama si Kuya Benj. I'm still young. Hindi siya kawalan. Kahit alam kong may parte na sa akin ang nawala kasama niya.
He barged into my life without a notice. Then claim me as his, and keep my heart with him. Then, he just left me. He didn't give my heart back, dinala niya ito o mas tamang sabihin na ninakaw niya. He disappeared bringing my heart and never returned.
At a young age. I just had my first love. And it will also be my first heartbreak.
I'm broken. He broke me. And left.
I thought he would be my charming prince. But, he turns out to be the monster in my nightmare.
~Imnotyours_48~
BINABASA MO ANG
Prince Jasper Silvestri
RomanceKuya Series #1 Completed Karamihan sa atin kahit sa murang edad ay nagkaroon na ng crush. Matanda man o bata. Artista man o hindi. Kaklase o kaibigan. Hindi maiiwasang humanga sa opposite sex o pwede rin sa kauri. Katulad nalang ni Deila Daserie a...