Prince 3

93 7 0
                                    

"Oh bakit ka nakabusangot diyan" ewan ko ba pero naiinis talaga ako.

Hindi ko alam kong binibwisit niya lang ako oh ano? Panira din kasi itong si Valerie, iniwan ba naman akong kasama iyong panget na iyon dito kanina.

'Talaga Daserie pangit siya?'

Isa pa itong isip ko oh! Oo na, hindi na siya panget gwapo siya ang gwapo. Tsk.

"Ba't mo naman kase ako iniwan na kasama siya. Val, naman eh!" Pa padyak-padyak kong ani sa kanya.

"Eh bakit ba ang init ng ulo mo sa kanya ha?" Tanong niya pabalik.

"Eh diba nga dun sa mall?" Paalala ko sa kanya "at saka ang cold niya, hindi ba siya marunong ngumiti? At wala siyang modo basta naiinis ako sa kanya at parang bato yong kasama ko dito, ke bata - bata pa ang cold na" maktol ko.

"Nako DD baka crush mo lang yang si Prince ha! Tapos pa ganyan ganyan ka lang, pabebe mo!" Aniya.

"Anong crush? Ako crush siya? High ka ba Val? Ang labo naman kase niyang sinasabi mo" inis kong sagot.

Huh? Ako may crush sa lalakeng yon? Oo Prince ang pangalan niya pero hindi niya bagay.

"Asan na ba kase sila Kuya Ian? Papagalitan tayo nila Mama niyan eh! Pagabi na"

"Akong bahala at saka foundation day naman bukas, so okay lang late pumasok"

"Ba't ba ang tagal nilang makapili? Nako parang mga ano, grade six lang naman sila kung gusto pumorma akala mo highschool oh college na" umirap lang sa akin si Val saka humalukipkip.

"Sorry! Kanina pa ba kayo diyan?" Hinihingal na tanong ni Kuya Mark sa amin. Tumatakbo kasi sila papunta sa amin.

"Ang tagal niyo pasalamat talaga kayong malapit lang tong mall sa atin at walking distance lang kundi papagalitan kami ng mga nanay namin" pagtataray ko.

"Sorry na DD" umakbay sa akin si Kuya Benj umirap lang ako bilang ganti. Pagbaling ko naman sa kanan ay nagtagpo ang paningin namin ni Prince.

Tagos na tagos ang kanyang mga titig sa akin na para bang binabasa niya ako. Una akong bumitaw sa aming titigan dahil naiilang ako sa kanya, at saka kami nagsimulang maglakad.

Hanggang ngayon ramdam ko pa din ang titig niya kahit nakatalikod na ako.

'Ano ba yan Daserie akala ko ba inis ka sa kanya?'

'Inis naman talaga ako ha!'

'Talaga lang ha! Eh bat ka naapektuhan sa mga titig niya'

'Hindi kaya'

Naiinis na talaga ako pati sarili ko kalaban ko na pagdating sa lalaking yan. Nababaliw na ata ako.

"Oh dito na kami magsi-uwi na kayo! Kuya ha! may simba pa bukas" sabi ko. Bago kase magsisimula ang program para sa foundation day bukas ay may mass muna.

"Sige bye" paalam nila ang isa naman tumango lang. Wala talagang modo ang lalakeng yon.

"Hay nako! Val pasok na ako at maaga pa tayo bukas" tumango lang si Val, pumasok naman ako ng bahay. Pagkatapos kong bumati kela Mama ay dumiretso na ako sa kwarto para magbihis. Buti naman at hindi ako pinagalitan.

Good mood ata sila ngayon.

Kinaumagahan ay himala at maaga akong nagising. Nasa tamang side ata ako ng kama nagising. Bahala na nga basta maganda araw ko today.

"Good morning Mama good morning Papa ko!" Bati ko, nag aalmusal na si papa saka si mama. Kahit nabigla sa paghiyaw ko ay todo ngiti nila akong sinalubong.

Prince Jasper SilvestriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon