-Madi's Pov-
"Tao po!tao po?"tawag ko habang kinakatok ang dormitoryong tutuluyan ko habang nagaaral ng kolehiyo.
"Sandaleeee! grabe naman makakatok!"huminto ako sa pagkatok ng marinig ang boses ng isang babae mula sa loob ng dorm. Maya maya ay bumukas na ang gate.
"Ay hello po kamusta po kayo?ako po yung bagong magdodorm sainyo."nakangiting bati ko.
"Alam ko,sge pasok." Medyo may kagaspangan ang paguugali nya pero okay lang yun basta ang importante may matutuluyan ako. Habang papasok kame sa loob.... "Ako nga pala si Iza may ari nitong dorm na tinutuluyan ng ibang nakatanggap ng scholarship katulad mo,may mga rules dito gaya sa iba unang una bawal magpapunta ng lalaki o magpapasok dito ng kung sino at lalo na nga ang mga lalaki. Mukha ka namang matino."huminto ito at tinignan ang kabuuan ko ng banggitin nya ang huli nyang sinabe.
"Opo naman."sabe ko habang bit-bit pa din ang bagahe ko.
"Sge,sila pala yung mga kadormate mo..."nginitian ako ng mga ito at kumaway pa saakin nasa walo ang kadormate ko at sa tingin ko mababait naman ito maliban sa isang babaeng nagbabasa ng pocket book ni hindi nya ko tinignan baka di nya lang narinig si ate Iza."At dito ang kwarto nyo ni Hazel."binuksan nya ang pinto ng isang kwarto,maayos naman ang kwarto dito may dalawang kama at dalawang cabinet para sa mga damit.
"Sino po si Hazel?"tanong ko.
"Yung babaeng di pumansin sayo,sya yun."sabe nito at binuksan ang isang cabinet."Dito mo ilalagay lahat ng damit mo tuwing linggo bumibisita ako dito para tignan ang sitwasyon ng mga nakatira dito katulad ngayon buti naabutan moko na nandito dahil kung nagkasalisi tayo malamang magdamag ka jan sa labas dahil dika talaga papapasukin dito hanggat diko alam."sabe nito at lumapit saakin.
"Salamat po."nakangiting sabe ko.
"Sge mauna nako."pagpapaalam nito at lumabas na ng kwarto.
Sinimulan kona ang pagaayos sa mga damit ko habang inilalabas ko ang mga damit ko sa bagahe ko nakita ko ang litrato namin ni papa. Bata pako dito sa litrato at ito lang ang natatanging litrato naming dalawa. Namatay ang mama ko nung pinapanganak ako at si papa naman namatay nung 6 yrs old pa lang ako dahil sa sakit. Lumaki ako sa tiyahin ko,mabait naman sila saakin at malaki ang pasasalamat ko dahil nakapagaral ako ng high school dahil sa kanila at ngayon nakakuha ng scholarship dahil sa pangarap ko talagang makapunta ng maynila at dito magaral. Nilagay ko ang litrato namin ni papa na nakaframe sa maliit na mesa sa tabi ng magiging kama ko. Simple lang ang mga gamit sa dorm na ito pero nakapalinis naman at alagang alaga ng may ari.
Nasa kalagitnaan ako ng pagaayos ng damit ko ng mapansin kong may pumasok sa kwarto namin.
"Ikaw pala."nakangiting sabi ko at hininto ang pagaayos. "Ako nga pala si Madi."pagpapakilala ko iniunat ko ang palad ko pero tinignan nya lang ito. Napansin ko ang pocket book na hawak nya ibinaba ko na lamang ang kamay ko.
"Saang university ka magaaral?"tanong at naupo sa kama nya.
"Sa Athena's University ako magaaral."sagot ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Same."sabe nito kaya napatingin ako sa kanya.
"Talaga?gano ka na katagal sa dorm nato?"tanong ko tumayo ako para ipasok sa loob ng cabinet ang natirang damit ko.
"Nauna lang ako ng two months sayo."sagot nya.
"Edi philosophy din course mo?"tanong ko ulit at naupo sa kama ko.
YOU ARE READING
»My Probinsyana Girl« [COMPLETED]
FanfictionA Simple Probinsyana who wants to study in Manila. Different from another story about Probinsyana. This story will make you feel annoying, exciting, laughing and touching. Maraming wrong grammar and english words na mababasa sa My Probinsyana Girl...