Chapter Eleven

492 57 1
                                    

-Madi's Pov-

Sinuot ko ang bigay na damit ni Hazel baka kase magalit ito kapag hindi ko sinuot. Dala ko din ang naiwan nya sakin na maliit na paper bag. Pero diko sya nakita o nakasalubong manlang dito sa AU.

Hindi siguro sya pumasok ngayon dahil kakauwe lang nila kahapon.

.
.
.

"Hala anlakas ng ulan." Reklamo ni Janeth. Nagkita kame dito sa Hallway nang maguwian na.

"Pano yan?wala tayong payong."sabe ko naman habang pinag mamasdan ang malakas na ulan.

"Oo nga eh I'm sure na walang pasok nito bukas. Ang swerte nung ibang istudyante oh mga nakasasakyan sana lahat noh Madi." Sabe nito habang tinuturo ang mga istudyanteng may mga payong at sasakyan.

"Di naman kase tayo mayaman Janeth."natatawang sabe ko.

"Oo nga eh."malungkot na pagsang ayon nya.

Nang mapansin namin na may paparating sa gawi namin...

Nakita ko si Paul na may dalang payong habang nakangiti ito sakin.

"Ampogi Madiiii."bulong ni Janeth habang kinikilig. Lumapit ito at inabot ang dalawang payong.

"Hindi na hihintayin na lang naming tumila yung ulan."sabe ko at inabot sa kanya ang dalawang payong.

"Mukhang matatagalan bago tumila yung ulan Madi."sabe nito,hindi nya tinanggap ang payong na inaabot ko.

"Oo nga gusto ko nang umuwe Madi."reklamo ni Janeth. Wala akong choice kundi ang tanggapin ang payong na inabot nya samin.

"Can we talk?kahit sandali lang?"tanong nya.

"Of course pwede kayong mag-usap ni Madi. Dun muna ako sa banda dun ah usap lang kayo." Sabe ni Janeth habang tinuturo ang dulo nitong hallway.

"Janeth."tawag ko pero dire-diretso lang sya.

"Ahm Madi pwede bang wag mo na kong iwasan?"tanong nya. Napapaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa ilang.

"Ayoko lang talaga ng ano...."

"I know pero handa naman akong ilayo ka sa gulo eh. Sinabihan kona si Shan kaya sana wag ka nang umiwas sakin pls?." Hinawakan nya ang kamay ko. Biglang tumibok ng mabilis ang dibdib ko kaya napahawak ako dito.

Bakit ganon?

"Are you okay?May masakit ba?"alalang tanong nya.

"A....ano...oo okay lang ako."utal ko.

"Are you sure?"tanong nya.

"O....oo."

"Hahatid kona kayo."pagpiprinsinta nya pero tumanggi ako.

"Hindi na kailangan Paul kaya na naming umuwe." Aalis na sana ako kaso pinigilan nya ako.

"Wait! I'm sure mahihirapan kayong makasakay kung magku-commute lang kayo. Tara na."hinila nya ako sa kamay at nakita yun ni Janeth. Halos mangisay sya sa kilig.

"Oh my god!kayo na ba?"tanong nya.

"Hindi ah."tanggi ko. Binabawi ko ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak nya dito. "Hindi mo na ko kailangang hawakan."

"I'm sorry pero ayoko." Ugh ang kulit nya at ang bilis nya pa maglakad kinuha nya ang payong sa kamay ko at binuksan ito. Pinayungan nya ako at si Janeth naman nakasunod samin. "Antahimik mo naman."sabe ni Paul habang diretso ang tingin.

»My Probinsyana Girl« [COMPLETED]Where stories live. Discover now