"Nagsumbong kaba kay Hazel?"napalingon ako sa nagsalita, si Eunice kasama sila Rhaine."H...hindi."sagot ko.
Eto na naman tayo....
"H....h...hindi?"pang-gagaya nito sa sinabe ko. "Siguro hinuhut-hutan mo ng pera si Hazel."sabe nito.
Hala....
"Ha?hindi."sagot ko aktong aalis na sana ako pero hiniklat nya ang kamay ko.
"San ka pupunta?magsusumbong ka ulit?ha?!"tinulak nya ko ng malakas dahilan para mapaupo ako sa sahig ng classroom namin.
Halos mapangiwi ako sa sakit.
"Bakit mo ba ko pinagiinitan?wala naman akong ginawa ah." Naiiyak na sabe ko.
"Nakakairita ka kase dapat di kana lang dito nagaral!"galit na galit nyang sabe.
"Sino ka para diktahan sya kung saan sya magaaral?" Napalingon ako sa boses ng isang lalaki.
"Paul?"sabe ni Eunice at lumayo sakin.
"Gusto mo bang ipaalam ko kay Hazel yang ginawa mo? Wala lang kadala dala ah Walang kalaban laban yung tao oh."sabe nung lalaki. Tumayo ako at medyo kumirot ang binti ko. "Are you okay?" Tanong nito sakin. Lumapit ito at pinaupo ako para tignan ang binti ko.
"W...wag na."hiya ko pero tinanggal lang nya ang kamay ko sa binti ko. Napapangiwi ako sa sakit kapag ginagalaw.
"Ang arte!"inis ni Eunice at lumabas na ng silang magkakaibigan naiwan kaming dalawa ng lalaking ito.
"Ayos lang ako."sabe ko pero tinitigan nya lang ako. Agad akong umiwas ng tingin dahil sa nakakailang na tingin nya.
"Hindi ka okay."sabe ni nito."Kailangan mong madala sa clinic."pagkasabi nya nun itinayo nya ko at inalalayang maglakad. Grabe ang kirot ng binti ko dahil siguro sa lakas ng pagkakatulak sakin ni Eunice. Di na ko tumanggi pa at tinungo namin ang sinasabe nyang clinic mabuti naman at sa first floor lang ang clinic. Pagdating namin agad nya kong iniupo sa kama na narito sa clinic.
"What happened to her?"tanong ng isang babae.
"I don't know pero sa tingin ko matindi ang kirot ng binti nya."sabe ng lalaki.
"Okay ilagay mo itong yelo na nakabalot sa towel jan sa binti mo iha para mawala ang pangingirot. Can you tell us kung anong nangyare?para malaman ko kung gano kalala ang binti mo."tanong ng babae. Siguro ay nurse sya,hindi mo kase mahahalat dahil hindi sya nakauniform. Itinaas ko ang pantalo ko hanggang tuhod bago magsalita.
"A.....a...ano po kase eh."utal ko habang nakayukong hawak hawak ang inabot nyang towel na may yelo sa binti ko. Narinig kong bumuntong hininga ang lalaking tumulong sakin.
"Hindi ko nakita pero I think tinulak sya."sabe nito. Hindi nako nagsalita pa.
"Kumirot ang binti mo iha dahil sa pagbagsak mo pero don't worry mawawala din ang pangingirot."sabe nung nurse at umalis na.
"Are you feeling well now?"tanong ng lalaki. Tumango ako bilang sagot pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. "My name is Paul.....Paul Monteverde. What's your name again?"tanong nya. Tinignan ko sya kahit na naiilang ako.
"Ako si Madison De Vega, Madi na lang for short."pagpapakilala ko.
"Madison? Magandang pangalan."nakangiti nyang sabe. Ngumiti rin ako sa kanya baka kase isipin nya na hindi ako marunong ngumiti o baka bungi ako hehe.
*************
Enjoy muah❤
»Makadyosa«
YOU ARE READING
»My Probinsyana Girl« [COMPLETED]
FanfictionA Simple Probinsyana who wants to study in Manila. Different from another story about Probinsyana. This story will make you feel annoying, exciting, laughing and touching. Maraming wrong grammar and english words na mababasa sa My Probinsyana Girl...