-Madi's Pov-
Pagpasok ko nakita ko syang nakahiga sa kama nya habang nakapikit. Hindi pa sya tulog. Siguro ninanam-nam nya lang ang katahimikan sa paligid.
"Close the door Madi."utos nito habang nakapikit.
"Sge."sinara ko ang pinto at naupo sa gilid ng kama ko habang nakaharap sa kanya.
"You know Madi? He's my ex."sabe nito at ibinukas ang mga mata. Nakatingin lang sya sa kisame ng kwarto.
"Sino?"tanong ko.
"Si Shan yung humiklat sa braso mo.Ako na ang humihingi ng pasensya sayo Madi."sa pagkakataong yun napatingin sya sakin.
"Wala yun,Ex mo pala sya."
"Yup pero hindi na pwedeng maging kame."sabe nito. Medyo malungkot ang boses nya ng sabihin nya yun.
Pano naging sila eh ang bait ni Hazel tas yung lalaki........
Ay ewan.....
"Bakit?"tanong ko.
"Dahil hindi boto sa kaniya ang family ko. Kakompitensya ng company namin ang company nila at dahil nalaman nila mommy ang tungkol saamin ni Shan pinagkasundo nila ako sa ibang lalaki in short may arrange marriage na magaganap. Hindi ako pumayag at lumayas sa bahay,handa akong hiwalayan si Shan pero hindi ako handang magpakasal sa hindi ko mahal."pagkukwento nito.
"Ang laki palang pagsubok na dumating sa relasyon nyo sayang lang at di kayo nagkatuluyan."sabe ko.
"Yung mga tingin nya sayo at kung pano sya magsalita sayo kanina? Ganyan ko sya nakilala pero nagbago sya para sakin ng di ko naman sinabe na magbago sya. Pero bumalik sya sa dati ng magkahiwalay kame."sabe nito.
"Sa tingin ko mahal na mahal mo pa din sya. Bakit hindi mo ilaban o ninyo ilaban kung talagang mahal na mahal nyo ang isa't isa?"tanong ko.
"Kapag ginawa ko yun hindi na nila ako ituturing na isang Adamson.I love Shan but I also love my name. Adamson is my weapon para di maliitin ng iba."ramdam ko ang sakit sa bawat letrang sinasabi nya.
"Galing kaba sa mayamang pamilya?"tanong ko sa kanya. Kahit alam kona gusto ko pa ding makasiguro.
"Yes. My father is a head chairman of Adamson Corporation. Lumayo ako dahil ayoko sa gusto nilang mangyare." Sabi nito. Tama si Lora may problema nga sa pamilya si Hazel.
Kung may maitutulong lang ako.....
"Thank you Madi for listening. It's up to you kung ipagsasabe mo ang sikreto ko. Di kita masisisi."nakangiting sabi nito sakin.
"Mapagkakatiwalaan moko Hazel,sabihin mo lang kung may maitutulong ako sayo ha?andito lang kame para sayo."nakangiting sabe ko. Hinawakan ko ang kamay nya para mas lalo nyang maramdaman na hindi sya nagiisa.
May mabuti syang puso nagkataon lang na naipit sya ng pagkakataon.
Wala man akong karanasan sa pagmamahal nagpapasalamat pa din ako dahil nakakapag aral ako ng libre.
.
.
.
.
.
.Gaya kahapon maaga ang pasok nila Vanessa. Nauna ring umalis si Janeth dahil may bibilhin sa National Book Store. Kaya ngayon kami lang ni Hazel ang magkasabay. Isang sakay lang naman papunta at pauwe kaya madaling tandaan.
YOU ARE READING
»My Probinsyana Girl« [COMPLETED]
FanfictionA Simple Probinsyana who wants to study in Manila. Different from another story about Probinsyana. This story will make you feel annoying, exciting, laughing and touching. Maraming wrong grammar and english words na mababasa sa My Probinsyana Girl...