Chapter Eight

506 64 1
                                    

-Madi's Pov-

Nagprisinta syang ihatid ako sa mismong tapat ng dorm ko. Nagpaalam ako pero di nya ako pinansin at humarurot ng alis.

Nakakalungkot man pero pinilit ko na lang na kalimutan ang nangyare kanina.

Pumasok na ko ng dorm nasa kwarto na sila Shayne sigurado ako nagantay sakin yung mga yun.

Hindi na ko kumain dahil nawalan na rin ako ng gana. Dumiretso na ako sa kwarto. Tinignan ko ang kama ni Hazel, siguro kapag nalaman ng magulang ni Hazel na ganito lang ang kinaibigan nya paniguradong lalaitin din nila ako.

Nahiga ako sa kama ni Hazel At doon na ako nakatulog......

*Sabado*

Nagising ako ng maaga ng marinig ang lakas na katok sa pinto ng kwarto ko.

"Sino yan?"tanong ko habang antok na antok na bumangon.

"Madi!"tawag ng mga ito sakin mula sa labas ng kwarto.

Binuksan ko ang pinto habang kinukusot ang mata.

"Bakit?"tanong ko.

Lahat ng kadormate ko andito sa tapat ng pinto ko.

"San ka galing kagabe?Dumaan si Hazel dito,mga isang oras din syang naghintay bago sya umalis." Nang marinig ko ang sinabi ni Claire kumunot ang noo ko.

"Bakit daw?"tanong ko.

"Ano kaba? Malamang binibisita tayo."sabe naman ni Janeth.

"Anong tayo? Baka si Madi lang."Sabe naman ni Lora.

"May sinabe ba sya bago umalis?"tanong ko.

"Oo sabe nya alis nako."napangiwi ako sa kapilosopohan ni Janeth.

"Ang ibig kong sabihin may pinapasabe ba sya sakin?"tanong ko.

"Wala eh."sagot ni Shayne.

"Ah."tanging nasabe ko na lang.

"San ka nga ba galing kagabe?"tanong ni Rose.

"May binili lang."pagsisinungaling ko.

"San ka bumili?sa Makati pa?"natatawang sabe ni Shayne.

"Hindi."sagot ko."Sge na maghihilamos at sipilyo lang tapos lalabas nako."sabe ko sa kanila at isinara na ng pinto.
Naalala ko ang nangyare kagabe,napabuntong hininga na lang ako bago pumasok sa banyo.

Nang matapos ako lumabas nako ng kwarto at nakita ko silang abala sa pagaaral.

"Madiiiiii."tawag ni Rose sakin ng makapasok sya dito sa dorm.

"Bakit?"tanong ko.

"Anyare sayong bruha ka?"tanong ni Van kay Rose.

"May lalaki sa labassss."kinikilig na sabe nito.

"Ha?" Taka ko.

"Sino Rose?"tanong ni Claire.

"Diko kilala pero ampogi at eto pa....naka kotse ang kuya mong boyyyyy!."parang bulating nilagyan ng asin si Rose sa kilig. Napangiti sila Janeth at halos mangisay sa kilig."Ikaw ang hinahanap Madi."dag-dag pa nito.

"Si Madi?"tanong ni Lora.

"Oo si Madi."sagot ni Rose.

"Ako?sino ba yun?"takang tanong ko.

»My Probinsyana Girl« [COMPLETED]Where stories live. Discover now