Chapter Twenty Six

388 46 0
                                    

-Paul's Pov-

Papaano sya nakarating dito!

Tinignan ko sila Jericho na umiling.

"Pasok ka iho welcome sa aming munting Bahay. Napagwapo mong bata." Tuwa ng Auntie ni Madi kay Shan.

Inis ako tumayo at hinawakan si Shan sa braso.

"Magusap tayo!"madiin kong bulong sa kanya.

"San kayo pupunta?"tanong nila Madi.

"May tatanungin lang ako kay Shan. Wag kayong magalala."sagot ko at hinila sya palabas sa gate nila Madi.

"Talaga bang nahihibang kana?!!!"

"Gusto ko lang makita si Madi Paul. Hayaan mo na lang ako."

Kinuwelyuhan ko sya dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko.

"Nang dahil sayo!muntik nang mawala si Madi sakin! Anong gagawin mo ngayon dito?ha?!!"

"Si Madi ang pinunta ko not you."

"Umalis kana!baka mapatay na kita kapag hindi na ko nakapagpigil SAYO!!"sigaw ko at lalong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa damit nya.

"Nagaaway ba kayo mga iho?"napalingon kame pareho ng marinig na may nagsalita.

Auntie ni Madi....

Binitawan ko si Shan at lumapit sa Auntie ni Madi.

"Rinig na rinig ko ang sigawan nyo. Ano bang nangyayare?nabanggit sakin ng pamangkin ko na magkapatid kayo. Pero bakit kayo nagsisigawan na dalawa?"napayuko at napabuntong hininga.

"Na...nahihiya lang po kase ako sa inyo."sagot ko.

"Wala yun iho. Manliligaw at mga kaibigan kayo ng pamangkin ko. Masaya nga ako at may bumisita saamin na taga maynila. Kaya wag kang magalala iho. Wala yun samin." Nakangiting sabe ni Nay Mirna.

"Oh sino sila Mirna?"

"Ah mga kaibigan ni Madi. Meron pa dun sa loob nakakatuwa sila."

"Ganun ba?nakakatuwa naman at may bumisita satin na taga maynila at kaibigan pa ni Madi. Tiyak na matutuwa kayo dito sa probinsya namin mga iho."

"Sobra ho,ang ganda ho ng lugar nyo."sabe ko at nagbless sa kanya.

"Siya ang manliligaw ni Madi Greg."

"Ganun ba? Naku napakagwapong bata naman nito."

"Hahaha salamat ho."

"Pumasok na tayo at ililibot ko kayo dito sa aming likod bahay."nauna silang pumasok magasawa at naiwan kame ni Shan na nakatayo sa harap bahay nila.

"Wag kang gagawa ng gulo dito!"inis ko at pumasok na sa loob.

"Si Beks? Este Shan pala?"tanong ni Madi habang kumakain ng Champorado.

"Anjan na."tipid ko sagot at ngumiti bago tumabi sa kanya.

"Nakakatuwa naman kayo. Salamat at napilit kayo ni Madi na sumama dito. Hindi kayo magsisising sumama kayo kay Madi."sabe ng uncle ni Madi.

"Naku po ayaw ko na nga pong umuwe eh baka pwedeng dito na lang po ako."sabe ni Laurencia este Laurence. Ito kaseng si Janeth. Laurencia tawag nahahawa tuloy ako.

»My Probinsyana Girl« [COMPLETED]Where stories live. Discover now