-Madi's Pov-
1 am na kami nakarating samin.
"Chang?!!chang!"tawag ko habang kinakatok ang gate namin na gawa sa kawayan.
"Sino yan?gabing gabi na ah." Lumabas si Chang at gulat na gulat ng makita ako.
"Pamangkin?"di makapaniwalang tanong ni Chang Mirna.
"Opo Chang!kamusta na po?"binuksan nya ang gate at mahigpit akong niyakap.
"Jusko buti naman at umuwe ka namimiss kana namin dito."naiiyak na sabe ni Chang.
"Chang naman madaling araw na oh magiiyakan paba tayo?"pagbibiro ko.
"Ikaw talaga."tawa ni Chang at pabiro akong kinurot.
"Chang? Sila po pala yung mga kaibigan ko. Ito po si Jericho,si Laurencia tsaka si Janeth."
"What?!"
"Wag ka nang maingay jan may pawhat what kapa jan!ala una ng madaling araw!"
"Tch!"
Nagbless sila kay Chang.
"Kamusta kayo mga ihong napakagwapo at ikaw ineng ang ganda ganda mo."
"Naku po di naman po masyado."pahumble na sabe ni Janeth.
"Hahahaha eh yung isang gwapong lalaki na nasa tabi mo pamangkin? Sino ba sya?nobyo mo?" Tanong ni Chang.
"Naku Chang hindi pa po,nanliligaw pa lang po sya. Sya nga po pala si Paul. Manliligaw ko."
"Talaga ba?nakakatuwa naman at napakagwapo ng nobyo mo."
"Manliligaw ko po Chang."
"Dun na rin papunta yun ano ka ba?"
"Chang naman."
"Kamusta po."bati ni Paul.Nagbless si Paul kay Chang kaya lalong natuwa si Chang sa kanya.
"Tara na mga iho at iha walang magnanakaw ng mga sasakyan nyo dito. Kaya walang problema kahit iparada nyo yan jan sa tapat ng bahay ko. Pasok kayo sa munti naming tahanan."
Pumasok na kame at nakayukong pumasok sa pinto ang mga kalalakihan na kasama namin ni Janeth. Antatangkad ba naman kase.
"Pwede nyo akong tawaging Nay Mirna o Chang na lang din.Paniguradong gutom na kayo. Sandali at pagluluto ko kayo."
"Maraming salamat ho."sabe nila Paul.
"Wala yun. Magpahinga muna kayo jan." Pumunta na ng kusina si Chang para magluto.
"Ang presko dito Madi ah."sabe ni Jericho habang nililibot ang tingin. Karamihan kase sa mga gamit dito sa bahay ay yare sa kawayan kaya naman presko tignan.
"Sobra lalo na kapag hapon. Pasensya na kayo ah ganito lang ang bahay namin nila Chang."
"Di naman kame maarte Madi salamat sa pagsama samin dito ah."sabe ni Laurencia.
"Naku wala yun."
"Di daw maarte pss!" Bulong ni Janeth. Napansin ko si Paul na tahimik lang na nakaupo.
"Paul ayos ka lang?"
"Oo naman. Napagod lang ako sa byahe."hinaplos nito ang pisngi ko.
YOU ARE READING
»My Probinsyana Girl« [COMPLETED]
FanfictionA Simple Probinsyana who wants to study in Manila. Different from another story about Probinsyana. This story will make you feel annoying, exciting, laughing and touching. Maraming wrong grammar and english words na mababasa sa My Probinsyana Girl...