-Madi's Pov-
Pagkatapos ko maghugas agad akong dumiretso sa kwarto.
Napansin ko ang dalawang paper bag sa ibabaw ng kama ko. Nagtataka akong tumingin kay Hazel.
"Para sayo yan."sabe nito habang hindi manlang ako tinitignan. Nagbabasa sya ng pocket book nya pero ibang pocket book na ang binabasa nya.
"Ha?ano to?"tanong ko habang binubuklat ang paper bag na sinabi nyang para saakin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang shoulder bag na kulay brown."Para sakin to?"tanong ko.
"Oo nga."sagot nya habang di pa rin ako binabalingan ng tingin.
"Ang ganda naman nito."sunod ko namang tinignan ang isa pang paper bag at nakita ko ang school supplies na kailangan ko. "Teka hazel pati to?"takang tanong ko. Sa pagkakataong yun binalingan nya ako ng tingin.
"Maliit na bagay lang yan tulong kona sayo."sabi nito at nilapitan ako.
"Si Mr Guevara kase may malaking problema sa company nya. Malaking problema yun diba?tapos may malaking utang pa sya sa bangko actually he's a nice business man kaya ka nga nandito pero I think di ka na nya kayang sponsor-an dahil sa company problem nya. But don't worry nabayaran na nya yung tuition fee hanggang makatapos ka. Binigay ko yan hindi dahil naaawa ako sayo,ayaw mong kinakaawaan ka diba?"napatulala ako sa mga narinig ko. Pero laking pasasalamat ko pa din dahil okay na ang tuition ko pero pano ang allowance ko?.
"Pano mo pala nalaman yung mga nangyare kay Mr Guevara?"tanong ko. Umiwas ito ng tingin sakin.
"Ayusin mona yang gamit mo."pagiwas nito sa katanungan ko at bumalik na sa kama nya.
"Salamat Hazel."pagpapasalamat ko at inayos na ang mga gamit na binigay sakin ni hazel. Kahit papaano ay maraming mabuti dito sa maynila isa na si Hazel dun.
Pagkatapos kong magayos nakita ko si hazel na mahimbing na natutulog. Di naman ako makaramdam ng antok kaya lumabas muna ako ng kwarto. Nakita ko silang lahat na nagbubulungan habang nakapwesto sa lamesa.
"Anong pinaguusapan nyo?"tanong ko. Papalapit pa lang ako tumayo na agad si Rose at mabilis ako hinila paupo sa tabi nya. "Bakit?"takang tanong ko. Nagsisinyasan sila na wag daw maingay. Kaya lalo akong nagtaka. "Mga siraulo ba kayo?"tanong ko.
"Gaga!"pitik ni vanessa sa noo ko.
"Aray!"sigaw ko sa sakit ng pagkakapitik sa noo ko.
"Shhhhhhhh!!!"sabay sabay nilang sabe habang nakaharang ang hintuturo sa mga bibig nila.
"Sorry."sabe ko habang napapakamot sa noo ko.
"Anong pinagawa sayo ni Hazel?"tanong ni Janeth.
"Oo nga curious lang kame."sabe naman ni Claire.
"Binigyan nya ko ng bag tsaka school supplies. Nakakatuwa nga eh."nakangiting sabe ko.
"Ha?talaga?sabe na nga ba eh."sabe naman ni Lora.
"Bakit?"tanong namin ni Sofia na nasa kaliwa ko.
"Si Hazel ay si Hazel Adamson."sabe ni Lora na kinaunat ng noo namin.
"Alam namin."sabe ni Janeth.
"Scholar sya dahil sa talino nya nalaman ko din na kaya sya nandito dahil gusto nyang patunayan sa magulang nya na kayang maging independent. And alam nyo ba na maimpluwensyang pamilya ang pinaggalingan nya?anak sya ng may ari ng Adamson Corporation. Sa makatuwid di sya naging scholar dahil sa mahirap sya gaya ng sinabi ko gusto nyang patunayan na di nya kailangan ng magulang to be successful."nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Lora.
YOU ARE READING
»My Probinsyana Girl« [COMPLETED]
FanfictionA Simple Probinsyana who wants to study in Manila. Different from another story about Probinsyana. This story will make you feel annoying, exciting, laughing and touching. Maraming wrong grammar and english words na mababasa sa My Probinsyana Girl...