Chapter Seven

516 61 1
                                    

-Madi's Pov-

Lumipas ang mga linggo na naging normal ang buhay at pag-aaral ko. Nakakatuwa dahil may magandang naidulot ang ginawa ni Hazel para saakin. At nung huling linggo lang umuwe na si Hazel sa kanila. Nagkaayos na sila ng pamilya nya at hindi na sya ipagkakasundo sa lalaking hindi nya gusto. Sa wakas hindi na pinairal ni Hazel ang pride nya.Pero sabe nya saakin hindi pa rin sila pwede ni Shan.

Pero masaya pa rin ako para sa kaniya dahil nabawasan ang problema nya.

Masaya ako para sa kaibigan ko....

Nakakapag-lakad na ako dito sa AU ng walang nambubully sakin. Iniiwasan na rin nila ako at yun ang gusto kong mangyare. Tinigilan na rin ako ng mga kaklase ko pati ang mga prof ko laging nagtatanong kung binubully na naman daw ba ko ng mga kaklase ko.

Masaya ako at normal na ang takbo ng buhay ko dito sa AU.

At si Paul? Lagi nya kong sinasabayang kumain at pumunta minsan sa library.
Mabait sya pero nandun pa din ang pagkailang ko sa kanya. Dahil na rin siguro sa mga mata nya na para bang may sinasabe.

Nag-aassume lang siguro ako....

Diko alam pero nakakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko kapag ngini-ngitian nya ko.

Baka masyado kong lang binibigyan ng kahulugan ang mga pinapakitang kabutihan sakin ni Paul.

Humangin ng malakas at halos humarang sa mukha ko ang buhok ko.Kinuha ko ang panali sa buhok na madalang ko lang gamitin at tinali ko ang buhok ko.

Hindi ako sanay magtali ng buhok pero baka matakot sakin ang mga makakasalubong ko dito sa AU akalain pa baliw talaga ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakita ko ang grupo nila Shan na makakasalubong ko dito sa Hallway.

Yumuko ako at nagmadaling maglakad para mabilis ko silang malagpasan pero....

"Hey Madi."tawag sakin ni Paul.

"Paul ikaw pala."sabe ko. Ito na naman ang dib-dib ko ang bilis ng tibok. Umiwas ako ng tingin kay paul.

"Unang beses kitang makitang nakatali ng buhok."sabe nito.

"Ah eh kase anlakas ng hangin."sabe ko naman.

"Hi Madi I'm Laurence."nilahad ng kaibigan ni paul ang palad nya. Makikipag kamay na sana ako kaso hinawi ni Paul ang kamay nito.

"Let's go Madi hatid na kita."yaya nito kaya naglakad na kame palayo sa kanila.

Lumingon ako at nakita kong nakatingin silang lahat samin kabilang na si Shan.

"Laging mong talian ang buhok mo Madi,bagay sayo pag nakatali."nakangiting sabe ni Paul. Umiwas ako ng tingin at ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Are you blushing?"tanong nya.

"Ako?"hinawakan ko ang pisngi ko at todo tanggi sa kanya.

"Hindi ah."tanggi ko.

"Hahaha you are."pang aasar nya.

"Hindi nga."nagmadali na kong pumasok ng klase ng makarating kame sa harap ng room ko. Di ko na nagawang magpaalam pa sa kanya dahil hiyang hiya na talaga ako.

'Sobrang nakakahiya naman.'

Umupo nako sa upuan ko at nilabas na ang notes ko dahil may long quiz kame kay Sir Gomez.

»My Probinsyana Girl« [COMPLETED]Where stories live. Discover now